Hindi nalang pinansin ni Dylan ang sinabi ko at sinubukan na ibahin ang topic. “Ang bigat mo, alam mo ba ‘yun?”

                “Oh?” nalungkot ako. Kahit ilang araw akong hindi kuamakain, bakit hindi pa rin ako pumapatyat?! Kainis naman. Never talaga ako naging sapat para sa kanya.

                “Wag mo sasabihing gugutumin mo nanaman ‘yung sarili mo dahil dyan sa sinabi ko?” tuloy ni Dylan.

                Langya ka. Wala na nga akong ibang ginawa kundi ang ayusin ang sarili ko para sa’yo eh! Tapos ikaw, sasabihin mo pang…mataba ako?!

                “Hmp! Ibaba mo na nga ako. Ako nalang mag-isa yung maglalakad!” reklamo ko.

                “Sa tingin mo, kaya mo?” Hindi pinakinggan ni Dylanbabes ang sinabi ko.

                “Oo, kaya ko!”

                “Wag ka na makulit, hindi mo kaya. Ihahatid nalang muna kita dun sa clinic, pagkatapos ay iiwanan na kita. Happy?”

                Cheeseburger naman oh! Biglang bumibilis yung tibok ng puso ko! Kinikilig ako! Kasi naman, bakit bigla-bigla nalang magiging ganito si Dylan? Hindi naman ito yung totoong siya eh!

                Pero grabe, papatayin niya na ako sa sobrang kilig, swear.

                Dati, dinadaan-daanan niya lang ako. Dati, hanggang tingin lang ako. Pero ngayon, aba! Umaasenso ang beauty ko, at naka-piggyback na ako sa kanya! Awtsu.

                “Sprain lang yan, hindi naman masyadong serious or critical ang nangyari sa paa mo. But we advice you na sana wag mo munang tatanggalin ang bandage na nilagay namin dyan. Tanggalin mo lang ito kapag papalitan mo na, everyday. After one week, magiging normal na ulit ang lakad mo.” Sabi sa’kin ng nurse.

                “Sige po. Thank you po.” Ngumiti ako.

                “Nothing serious naman pala eh. Kahit pala hindi na kita tinulungan, okay na.”

                “Kahit na serious man ‘yun o hindi, wala akong pake! Atleast nakapag-piggyback ako sayo!” pang-aasar ko sa kanya.

                “Tina-tsansingan mo lang ako eh.”

                “Medyo lang.”

                Naka-uusap lang kaming dalawa ni Dylanbabes sa loob, nang may biglang bumukas ng pinto kaya naman napatingin kami kaagad sa kung sino man yun.

                “Hoy, Lele! Anong katangahan mo nanaman ang nabalitaan ko?” Sino pa ba ang pwedeng magsalita ng ganyan sakin? Kilala niyo na rin naman diba? Sana.

                “Nahawa ako sa katangahan mo.” Sagot k okay Scarlett.

                “Utut! Baka naman.” Napatingin si Scarlett sa paa ko. “Sabi ko naman kasi sayo, wag kang sasali sa Tennis kasi hindi ka naman marunong!”

                “Marunong ako, hindi mo lang alam!”

                “Weh, wala ka kayang sports! Tapusin mo na kasi yang pagfe-feeling mo!”

                “Eh kung tapusin na kaya natin yang buhay mo?” Sorry, ganyan talaga kami mag-usap. Wag kayo mag-alala, masasanay rin kayo…balang araw.

                Inirapan nalang ako ni Scarlett at napatingin sa kasama kong si Dylan. Tinignan niya ako ng nakakaloko. “Uyyyy, kayo ha. I smell something fishy!”

                WTF (Wednesday, Thursday, Friday)? Papahiyain nanaman ako ng bruhang ‘to! Sarap ingudngod ng mukha sa pader eh! Paano ko kaya naging bestfriend ‘to?

                “Kayo na ba, ha? Kayo na? Kailan nangyari ang first kiss? Or baka gagawin niyo palang ngayon, kaya magkasama kayo? Istorbo ba ako?” Siraulo si Scarlett, promise.

                Natahimik lang ako at si Dylan. Malamang, ang daldal kasi ni Lele eh. Sunod-sunod yung mga sinasabi!

                “Alam mo ba Dylan, lagi kang pinagpapantasyahan niyan. Lahat ng tungkol sa’yo, alam niya! Kahit na yung mga bagay na hindi mo alam tungkol sa sarili mo, alam niya! One time nga, nakita niya yung boxers mo eh. Calvin Klein yung tatak.”

                Ano ba, Scarlett! MANAHIMIK KA NA, PLEASE! UTANG NA LOOB! Alam ko kasing kapag hindi pa siya tumigil sa kakadaldal ay may masasabi siyang hindi maganda. Or, may mangyayaring hindi maganda.

                “Tapos kapag nagba-basketball kayo, lagi siyang naghahanap ng chance para makita ang mahiwaga mong abs! Nako, mag-ingat ka, baka ma-rape ka na niyan!” kwento ni Scarlett. Binigyan ko siya ng that glare, senyales na dapat na siyang manahimik. Pero grabe! Hindi niya ako pinapansin!

                “Hmm, ano pa ba?” nag-isip pa si Scarlett para ipahiya ako! Pasabugin ko na kaya yung ulo niya? “Ah! Alam mo ba, nakita ka niya dati na nangungulangot, tapos nung nakita niyang ipinahid mo yun sa pader, muntik niya nang kutkutin! Buti nalang at napigilan ko!” Tumawa siya ng malakas.

                Naka-pokerface lang si Dlyan habang nakikinig sa mga sinasabi ng bestfriend-kuno ko. Grabe, papatayin ako sa sobrang kakahiyan nitong babaeng ‘to eh! NAKAKAHIYA, HINDI LANG SAKIN. KUNDI PATI KAY DYLAN NA DIN!

                “Totoo ba ‘yun?” tanong ni Babes.

                “Ah, eh…” hindi ko alam yung sasabihin ko. “Totoo yung part na n-nakita kitang nangungulangot. P-pero hindi ko naman kukunin yun ‘no!” Totoo yung sinabi ko. Putek, ginawang OA ni Scarlett ang kaadikan ko kay Dylan!

                “Weehhh?” biglang singit ni Scarlett.

                Tinignan ako ni Dylan, naka straight face lang ito. Nakakahiya naman! Promise, ipapakulam ko na si Scarlett mamaya.

                “So, Mr. Dylan Delos Reyes, anu-ano ang mga katangian na nagustuhan mo kay Ms. Hayley Gonzales?”

                 “Wala, wala akong nagustuhan sa kanya. At hinding-hindi ko siya magugustuhan.” Sagot nito at lumabas na.

                LANGYA KA, SCARLETT. IKAW ANG MAY KAGAGAWAN NITO! Ang tino ng bestfriend ko ‘no?

                “Oohh, hindi ka pa nga nanliligaw, basted ka na kaagad.” Sabi ni Scarlett.

                Tinignan ko ng masama ang ex-bestfriend ko. “Magpagawa ka na ng damit na bakal, Lele. Dahil kapag naging maayos na ulit ‘tong paa ko, sisiguraduhin kong wala na dito sa mundong ibabaw.” Sabi ko, pero what the heck! Kahit ganito ‘tong bestfriend ko, hindi ko pa rin ‘yan mapapatay! Alam ko kasing gumaganti lang siya sakin. Paano ba naman, yung mga bagay na ginawa niya ngayon kay Dylan ay ginawa ko rin dati sa crush niya!

                Pero wala namang kinalaman yung mga sinabi ni Scarlett sa sagot ni Dylanbabes diba? Nagtanong lang naman si Lele, tapos sumagot naman si Babes. Kaso, parang medyo masakit yung sinabi niya.

                Putek, ganito pala yung feeling na ma-heartbroken. Masakit nga.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now