Chapter 12: back to school

Mulai dari awal
                                    

"Wa'g na" sabi ko sa kanya

"At bakit, gusto mo rin ba?" tanong niya

"Hindi rin, alam ko awkward pero baka magalit sila sa atin" hung-hung ko

"HIndi naman nila mahahalata kasi hindi naman natin sila sasabihan" sabi niya

"Sige na nga para wala akong mafi-feel na awkawardness" sabi ko at nagstart na kaming lumakad na pabilis

Kaso, paglakad naming mabilis na hindi pahalata, nasundan nila kami. "Iniiwasan niyo ba kami?" biglang tanong ni Kristoff na seryosong-seryoso

"Hindi ah, ito kasi si Ariella na tatae na" sabi ko na palusot

Sumimangot si Ariella sa ginawa ko tapos may binulong siya sa akin. "Iiwan na kita" tapos nagwalk-out siya pero joke lang yun kasi sa totoo, sabay si Ariella kagaya ko.

"Oo kaya mauna na kami ah" sabi ni Ariella tapos hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming pumunta sa hiding spot namin at doon kami nag-usap

"Alam mo nakakapanibago sila" sabi ni Ariella

"Oo nga noh, kasi last friday lang, masama ang ugali ni sa atin pero ngayon nagbago na naman" sabi ko

"Tama" sabi niya

"Tapos ka na magtae, pwede na ba tayong pumunta sa canteen?" biro kong sinabi

"Oo tapos na ako, halika na, baka naghintay na sila don" sabi niya

"Eh ikaw nga tong nagsabing pumunta tayo dito eh" sabi ko

"Oo na, ako na" sabi niya

Pumunta na kami sa canteen pero wala sila doon.

Kristoff's POV

"I knew it" sabi ko habang nakatingin kay Ava at Ariella nag-uusap, sinundan namin sila at narinig namin ang mga sinabi nila.

"They can't trust us" sabi ni Jessica

"Then I guess babalik na tayo sa special class, I heard wala na si Airena kasi pinatransfer na siya ng magulang niya" sabi ni Ben

"Wa'g, gusto kong makipagkaibigan sa kanila" sabi ni Jessica

"Me to" sabi ko

"Gusto ko rin naman pero nakakapagod kung isik-sik mo ang sarili mo sa kanila" sabi ni Ben

"Hindi naman, kasalanan ko naman talaga toh eh, kung di lang ako nag-isip ng masama" sabi ko

"Hindi mo naman kasalanan eh" sabi ni Jessica

"Tama siya and forgiven ka na naman ni Ava eh" sabi ni Ben

"Alam niyo guys, I want to be friends with them, hindi dahil sa babae ako at kayong dalawa ay lalaki at tanging kaibigan ko lang pero kasi masaya silang kasama" sabi ni Jessica

"Yeah you're right, at nakakataw din sila" sabi ni Ben

"At sabay na sabay silang dalawa kaya walang away na nagaganap, sana ganon tayo noh, hindi puro seryosong usapan ang pinag-uusapan natin" sabi ni Jessica

"Oo nga noh, I actually envy them now" sabi ni Ben, tahimik lang akong nagmamasid sa kanilang dalawa.

"Oy tahimik ka lang dyan" sabi ni Jessica sa akin

"Ah....ano kasi.....tinititigan ko silang dalawa, ang saya nila sa isa't isa" sabi ko

"Oo nga noh, at napansin ko lang, kung ang isa yun ang sasabihin, yun din ang sasabihin ng isa, they both agree to each other and I think yan ang nakaka unique sa friendship nila" sabi ni Jessica

Nakita naming naglalakad silang dalawa patungo sa pinagtataguan namin kaya dali-dali kaming tumakbo.

Ava"s POV

"Patay, narinig na naman tayo" sabi ni Ariella

"Sino?" tanong ko

"Silang tatlo, narinig ko kasing pinag-uusapan nila tayo eh" sabi niya

"Bahala na silang tatlo" sabi ko

"Ava, alam mo bang narinig ko?" tanong sa akin ni Ariella

"Malamang hindi, hindi ko narinig eh, ikaw lang" pilosopo kong sinabi

"Narinig ko silang pinag-uusapan nila tayo at narinig ko rin na gusto nila makipagkaibigan ulit" sabi niya

"Wala namang problema sa akin ah, ikaw lang kasi ang iniisip ko" sabi ko sa kanya

"Okay lang naman sin sa akin eh pero lang na a-awkward ako eh" sabi niya

"Ako nga rin pero hindi naman tayo namimili ng kaibigan diba kaya kaibiganin nalang natin sila" sabi ko

"Okay nga lang eh, tayo na nga, sabihin nating narinig natin silang pinag-uusapan tayo at okay lang sa atin na maging kaibigan sila" sabi ni Ariella

"Sige, tayo na" sabi ko at pumunta na kami sa classroom dahil kakatapos lang ng recess.

--------------------------------------------------

Please vote and comment :) :) :)

Secret Agent Academy (under major editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang