"Nice dress." sabi niya. Teka bakit naman nasabi niya? Dahil black dress? Hindi naman siguro ito yung nakita ni David nung nabugbog siya kaya dapat wala akong ikatakot. 

Dumaan din si Felicia kay Madge at sinabing . 

"Look who's here..." sinabi niya. At si Madge naman ay ngumiti ng pilit. 

"Hi!!" sabi ni Madge,hindi ko alam kung maiinis ako kay Felicia o matatawa ako sa facial expression ni Madge. Dahil nung yayakap dapat si Felicia kay Madge,biglang hinawakan ni Madge yung tinidor at yun yung dahilan ng pag-alis ni Madge. 

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang program. Madami din namang nangyare. Nung kainan na iniwan ko muna si Madge sa table,nandito naman sa table namin yung iba naming mga kaklase kaya hindi siya maOOP. 

"Oh Madge,dito ka muna.. Pupunta lang ako sa family ni David at kay David para ibigay yung gift ko sa kanya. Alam mo naman,pinag-ipunan ko ito." sabi ko sa kanya at pumunta na ko sa table ng puro family niya. Pansin ko parang ang sama ng tingin ng papa at mama ni David sakin.. 

"Hello po. Good evening." nginitian ko sila at umalis para puntahan si David sa stage. Pero may naramdaman akong humablot ng buhok ko at yun! Natumba ako. 

"Aww!" sigaw ko dahil ang sakit ng sabunot at pagkatumba ko. Karamihan ng tao ay nakatingin na samin. 

"B-bakit niyo po ginawa yun?" tanong ko sa magulang niya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ng mama niya yun. Ayos naman kami nung last time na nagkita kami. 

"Bakit?! I show you why." sabi ng mama niya,inaawat na siya ng papa ni David pero di tumitigil ang mama niya. Itinayo ako ng nanay niya at hinila papunta sa gitna ng event. Tahimik ang lahat at nakatingin lang sila sakin. 

"Eto yung babaeng nambugbog kay David! Eto yung dress na naki---" naputol ang sinabi ng mama niya ng lumapit si David. 

"Teka ma bakit na naman?!" sigaw niya at napatingin din si David sa dress ko at nanlaki ang mga mata niya. 

"David,please hindi ako yun! Hindi ako yung nambugbog sayo." hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko dahil baka kapareho nga ng sinuot ni Felicia ang suot ko ngayon. 

"Si Felicia yun! Please trust me!" sigaw ko kay David pero umaatras lang si David. Hinila ulit ng mama niya ang kamay ko at napaharap ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa ng mama niya. Sinampal niya ko. 

"Trust?! Kailangan mo lang kasi ng pera Suzzane!" sigaw ng mama niya. Pero inawat na siya. 

This time inawat na ang mama niya at ako naman ay pinuntahan ni Madge at umalis. Nakita ko si Felicia na nakatingin sakin,narinig ko ang bulong niya sakin. 

"Ako pa sisihin mo ah." tawa niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyare. Ako? Ako ang napagkamalan na nambugbog sa taong mahal ko? Bakit ko naman gagawin sa kanya yun? Hindi ko mapigilan na umiyak ng umiyak sa kotse. Hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayare. Paano kung hiwalayan ako ni David? Paano kung idemanda nila ako? Paano kung... kung... Hindi na nila alam na si Felicia ang may kasalanan? 

Niyakap nalang ako ni Madge at hindi ko napansin na nakatulog na rin ako. Pagkagising ko nasa kama ako at nakalugay na ang buhok ko,iba narin ang suot ko. Tumayo ako agad at tinawagan si David sa telephone pero di niya sinasagot. Umiiyak na naman ako. Habang umiiyak ako pumasok si Ate Linda. 

"Sshhh tahan na anak." niyakap ako ni Ate Linda. Kinwento ko rin naman sa kanya ang mga nangyare pagkatapos kong umiyak ng umiyak. Pero hindi ibig sabihin nun ay tumigil na ko umiyak. 

"Hindi ko alam kung bakit mas naniwala siya kay Felicia? Hindi niya ko pinaniwalaan Ate Linda eh!" umiyak ulit ako at yumakap na ko kay Ate Linda. 

My Jeje PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon