Napaisip ako doon. No'ng una ay hindi ko pinapansin ang bagay na iyon. Pero dahil nabanggit na rin ng kaibigan ko at maging siya ay nagtataka ay hindi ko na pwedeng isawalang bahala.

Dr. Ablaza said it was serious. Pero walang private nurse? Oo nga naman. Dad should either be lying on a hospital bed or is being look after a nurse.

"Tingin mo, may tinatago silang dalawa sa akin?" Nagkatinginan kami ni Precious.

It wasa silent agreement.

"GIRLS!!!" Patakbong lumapit sa amin sina Cassy at Rica, ang mga college friends ko.

Cassy and Rica are cousins and are both busy with their companies unlike me, ni hindi ko nga alam kung ano'ng pinagkakaabalahan ni daddy sa kaniyang office o kung ano ang mga kaganapan sa aming kumpaniya.

He told me I will inherit everything one day. But I doubt it now. Ni hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari doon. He doesn't want me to visit his office since the day Hillary died. Since that fateful night.

"How's everything going on, Bourey?" Cassy asks while calling for a waiter.

"Where is Precious?" Singit ni Rica.

"Restroom." Sagot ko kay Rica. "And everything's usual, Cas."

Kumunot ang noo ni Cassy. "Really? Pero usap usapan na ang pag-take over sa posisyon ni President Klein. And you're the only heiress.."

I scowl. "What?!"

"Yes. That's why dad asked me to come to you. He wants to congratulate you in advance. You know our families were business partners since time immemorial." Aniya.

Tumango ako. "Pero hindi ko alam ang tungkol sa take over na mangyayari. Dad has been silent about this. No," Umiling ako. "He hasn't informed me yet."

"Your dad isn't talking to you until now?" Tanong ni Rica.

Dahan dahan akong umiling. Bumuntong hininga sila pareho.

"Ilang taon na ang nakaraan ah..."

"Girls!" Tili ni Precious na hindi ko man lang napansin.

Hindi na 'ko nakisali sa kanilang reunion. My mind is preoccupied with my dad's decision. Take over? Sino'ng magte-take over kung hindi ako? May iba ba siyang candidate? Is it Dr. Ablaza, perhaps?

No, he's a doctor. Ano'ng alam ng doktor na 'yon sa aming factory business. We manufacture different kinds of goods. We're one of the biggest manufacturers in the Philippines. Although hindi gano'n kalaki kumpara sa mga foreign products, pero nangunguna naman kami pagdating sa local brand.

The reason why I study Business Management is because I'll inherit dad's company in the future. Bago mangyari ang pagkamatay ni Hillary ay isa ako sa mga tumutulong kay daddy sa kumpanya. Ngunit pagkatapos niyon, wala na akong balita sa mga nangyayari sa loob. Nawalan na rin ako ng pakialam.

Maaring hindi pa ako handa at wala akong alam sa ngayon, pero naniniwala ako sa kakayahan ko. Kung pagaaralan ko iyon ay kaya naman. Pero bakit ako kinakabahan ngayon? Bakit ako kakabahan na baka hindi ibigay sa akin ang kumpanya?

"Uy, 'wag ka ng masyadong magpa-stress diyan." Siniko ako ni Precious.

"Oo nga. I'm sure your dad has a plan. Isa pa, anak ka niya. Pwede bang hindi ikaw ang magmana no'n?" Dagdag ni Rica.

"Kaya nga naman. Don't stress yourself too much. Nakaka-wrinkles! Eew!" Maarteng sabi ni Cassy kaya natawa kaming lahat.

"Hep!" Pigil ni Rica. May inilabas siya sa bag na mukhang...

"You're all invited on my engagement party! Yay!" Nanlaki ang mata ko at tama ang hinala ko.

It is an invitation card!

"Wow, Rica! For real?" Maarteng sabi ni Cas.

"Yep! Patrick and I are not getting any younger. Besides, kasal na lang talaga ang kulang sa amin." Aniya.

"I thought your dad's still pushing your marriage with his business associate?" Tanong ko rito.

In reality, mayroon pa talagang mga arranged marriage. At isa si Rica sa mga dapat na makakaranas no'n. Good thing his dad changed his mind. He said it was to merge the two companies. It was a big opportunity for Rica's father since his supposed-to-be husband is filthy rich!

"My dad's company is stable. Gusto niya lang talagang magmerge ang dalawang kumpaniya. You know Lucio del Rosario's products were highly popular. And in Marketing, branding is really important. Hindi kami mahihirapan sa Marketing kung iisang kumpaniya na lang kami."

Napatango ako.

"Wait. You mean, you should be marrying Lucio del Rosario's son?" Nanlalaki ang mata ni Precious.

"Yes." Maikling tugon ni Rica.

"A-are the del Rosario's really that powerful? I mean, 'diba may anak sa labas si Lucio del Rosario?" Si Precious.

Napatingin ako kay Pre. "How did you know? That's very private!"

"My beau is Lucio's bastard, Bourey." Bulong sa akin ni Precious. Pinigilan ko ang panlalaki ng aking mata.

Cassy and Rica don't know about the club. At kung malaman nila, it will really be a disaster. I mean, they're the good girls in the gang. Baka hindi kami pauwiin sa kakatanong nila.

Natapos ang maghapong iyon na kasama ko ang mga kaibigan ko. It was a breath of fresh air actually. Parang bumalik ako sa buhay ko noong college. No worries. Less problems.

Ang iniisip ko lang noon ay kung paano ko ipapasa ang Accounting subjects ko, ang aking Feasibility, thesis at requirements sa school. But that's that. Pagkatapos ng semester ay tapos na ang problema.

Hindi gaya ngayon. My problem lingers. Ang tagal bago mawala. Ang tagal bago malimutan.

"Teresa! Petra!" Tawag ko sa aming mga kasambahay.

"Po?" Kaagad akong dinaluhan ni Petra.

"Si daddy ba kumain na?" Tanong ko.

"Opo. Magkasama po sila ni Dr. Ablaza." Sagot niya.

"Oo nga po. Ang alam ko po, nando'n pa rin sa opisina ni Sir Florencio si Dr. Ablaza." Singit ni Teresa.

Tumango ako sa dalawa. "O sige. Pakipainit na lang itong Kaldereta at kakain na 'ko."

Sinunod naman nila ang gusto ko. Kinuha ko ang aking cellphone at chineck ang mga message doon.

Una kong nakita ang mensahe ni Precious.

'Please, don't tell anyone about Jeff's secret. Please. I trust you, Bourey.'

Napabuntung hininga ako. Kung wala talaga siyang pakialam sa kaniyang beau, why ask me to keep it a secret?

My poor friend. No matter how hard she tries to deny it, she's slowly falling for the guy. Tsk tsk.

Unveiling TruthWhere stories live. Discover now