Ayun. Sa wakas! ^^, almost 30 minutes din akong naghintay. Buti naman at natapos na din. =)) Kinuha ko na yung pictures. Medyo mabigat. Ang dami kasi tsaka pinalakihan ko talaga. Nagpaalam na ako kay Tita.

"Tita, aalis na po ako. Thanks po dito. =))"

Nagwave na sa'kin si Tita Carmen. Pumunta na ako ngayon sa restaurant na katabi ng favorite namin kainan. Irerent ko nalang yung buong 2nd floor ng restaurant para mamayang gabi. 

Pagkadating ko sa restaurant, nakipagdeal na agad ako sa manager. Bali 8pm-11pm nakareserve sa akin yung 2nd floor. Inabot ko na rin sa manager yung pictures na pinaprint ko. Sila na ang bahalang mag-ayos nun para mamaya.

[2:00pm]

Pagkagaling ko sa restaurant, balak ko nang puntahan si Ciara. Tinawagan ko siya pero cannot be reached yung cellphone niya. Ilang beses kong tinry tawagan siya pero cannot be reached talaga. Nag-aalala na ako. Napaparanoid na. Kung ano ano na ang naiisip ko. Puro what ifs. Natataranta na rin ako. Kaya pumunta na ako sa Condo Unit ni Joy. No choice ako kundi magtaxi na. Medyo malayo kasi yung condo ni Joy. Mas matatagalan ako kung magjijeep ako. Nagpara na ako ng taxi.

Pagkasakay ko ng taxi, lumingon sa akin yung taxi driver.

(O_O)

(O_O)

(O_O)

Siya yung taxi driver sa panaginip ko. (O_O)

"Saan tayo sir?"

Pagkasabi niya nun, ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti. Kinikilabutan ako. :| Sinabi ko yung lugar na pupuntahan ko at mabilis niyang pinaandar ang taxi.

"Wag mo nang sayangin ang araw na 'to."

Tinignan niya ako mula sa rearview mirror at ngumiti na naman siya.

"Ibig sabihin, hindi panaginip yung nangyari kay Ciara?"

Hindi sumagot yung taxi driver. 

"Manong, sumagot naman kayo. Panaginip lang po ba yung kahapon? Mamatay ba yung girlfriend ko? Anong dapat kong gawin??"

Tumingin ulit yung taxi driver sa rearview mirror at nagsalita...

"Mahalin mo lang siya."

Tumigil na ang taxi. Nandito na kami sa tapat ng condo. Inabot ko na yung bayad ko sa taxi driver.

"Wag na." sagot ng driver.

"Bakit wag na? Eto na ho ang bayad ko."

Pinipilit kong tanggapin niya ang pera na inaabot ko sa kanya.

"Wag na. Nabayaran mo na ako kahapon."

Ngumiti na naman siya ng isang nakakalokong ngiti. Nagtataasan ang mga balahibo ko sa braso. 

"Tandaan mo, mahal ka niya. Pero hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ng tadhana sa inyo. Tumatakbo ang oras."

Pagkasabi niya nun, pinaandar na niya ang taxi na minamaneho niya. Tumakbo na agad ako papasok sa condo. Dumiretso na ako sa unit ni Joy. Pero nakalock. Kumatok ako ng kumatok. Pero wala namang nagbubukas ng pinto. :| May lumapit sa akin na isang crew.

"Sir sinong kailangan niyo?"

"Uhm, friend ako ni Joy. Boyfriend ni... Ciara. Madalas siya dito. Kilala mo ba siya?"

"Ah, yes sir. Si Ms. Ciara? Ang galing nga niya magvolleyball eh. Sana ganun din ako kagaling. =))"

Shit! Pamilyar sa'kin yun ah. Parang may nagsabi na nun kay Ciara. Tama! Si... Ralph. Yung taga 4-C

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now