One week nalang sembreak na. Pero sa bahay lang din naman kami mag i-stay ni ate Tin. Nakakatamad naman kasi dito sa bahay. Wala akong magawa kundi magfacebook lang.
*click
From: Couz Marj
Ciara, kita tayo sa bar mamaya ha. 7pm.
To: Couz Marj
O sige. Pero bakit? May problema ka?
Ang tagal kong hinintay mag reply si Marj pero hindi na talaga siya nagreply. Tinext ko si Sam.
To: Sam
Sam, may prob ba si Marj?
Hindi din nagrereply si Sam. Aish. Mamaya ko na nga lang itatanong pag nasa bar na. Napapaisip tuloy ako eh. Oh baka naman wala talagang problema. Masyado lang akong paranoid.
[7:00 pm; Safari Bar]
Nasa bar na ako. In-invite din pala ni Marj ang buong The Pervs. Kumpleto na kami. Ang dami namin. Nakakatuwa. ^__^ 10 kami ngayon. Ako, si Sam, Marj, Dylan, Dave, Joy, JM, tim, JP at Jennika. Ang saya! Ang ingay namin. Puro kalokohan talaga. First time ko dito sa bar na 'to. Ang ganda dito. Black and silver ang theme ng bar. Parang halos lahat kumikinang. Kay JP ko lang nalaman na sa pamilya pala ni Dave at Dylan ang bar na 'to.
"Guys! May sasabihin kami ni Sam."
Nanahimik kaming lahat. May importante daw na sasabihin si Marj. Ano kaya yun? Bakit parang hindi ko alam? Hindi niya man lang sinabi muna sakin. Huminga ng malalim si Marj bago siya magsalita.
"Sam and I will stay in Canada for good."
Naluluha na si Marj at Sam habang sinasabi ni Marj ang announment nila. Nalungkot ang lahat. Lalo na ako. Tumayo ako at niyakap ko si Marj at Sam. Naluluha na rin ako. Maya-maya, nakiyakap na din si Joy at Tim.
"Group Huuuuuuug!"
Ayun, nag group hug na nga kami. Nag-iiyakan na kami. Pero si Jm at Dylan, hindi. Nagulat nalang ako paglingon ko kay Dylan, naluluha na din pala. Haha!
Pinilit nalang namin maging masaya nung gabing yon. Nag inuman nalang kami ng nag inuman. Masyado kaming nasarapan sa tanduay ice red. ^__^
Napansin ko na nakatitig pala sakin si Dylan.
"Bakit ka nakatitig sakin?"
"Ang ganda mo kasi. ^___^ "
"Ayan ka na naman eh. Wag mo nga akong bolahin. :| "
"Hindi kita binobola. Wala sa bokabularyo ko ang pagiging bolero. =) "
Nanahimik nalang ako. Pero nagblush talaga ako sa sinabi niya. :"> Ganyan naman talaga ang mga lalaki. Mabulaklak magsalita pag nanliligaw.
Pumunta si Dylan sa DJ's booth para magrequest ng love song. Ewan ko ba kung anong naisipan niya. Biglang tumugtog ang "It Might Be You" Lumapit siya sakin at iniabot niya ang kaliwang kamay niya.
"Ciara, pwede ka bang maisayaw?"
Ayy. Ayun pala ang purpose niya. Akala ko naman trip lang niyang magsoundtrip. Hindi nalang ako nagsalita at inabot ko nalang ang kaliwang kamay ko at hinawakan niya yun. Nagpunta na kami sa gitna ng dance floor. As in gitna talaga at nagstart na kaming magslow dance. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa waist ko at ako naman nakahawak sa balikat niya. Bumulong siya sakin.
"I love you Ciara."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Magsasalita ba ako, titignan ko ba siya, ngingitian ba or whatever. Pero parang may butterflies na naman sa tummy ko. Parang naging kulay pink yung paligid namin. Nagslow motion lahat. Pero bigla kong naramdaman ang pagkahilo sa dami ng alak na nainom ko. Niyakap ko siya para hindi ako matumba. Nafifeel kong naghihintay siya ng isasagot ko. I looked at him and said
"I love you too, Dylan."
Then, I kissed him on the lips. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi at ginawa yun. Pero, totoo naman eh. Gusto ko na siya. Ay hindi pala, mahal ko na pala si Dylan Dominguez.
YOU ARE READING
It's Just a Memory
Teen FictionIt is about the two heartbroken teenager who met by destiny. They enjoyed their life together and swore that they will never leave each other. Until one day, destiny played with them and tested their love if it would really last. Ito ang kauna-unaha...
