Chapter 17

286 12 0
                                    

[9:00pm; Ciara's room]

Tulala lang ako dito sa kwarto ko. Umiiyak pa din. Hindi ko akalaing bibitawan ako ni Dylan ng ganun ganun nalang. Akala ko nakalimutan na talaga niya si Leah. Akala ko, ako na talaga ang mahal niya. Akala ko ako lang. Pero, hindi eh. Maling akala lang pala ang lahat.  

Biglang pumasok sa kwarto ko si Ate Tin. Pinunasan ko ang luha ko para hindi niya ako mapansin.

"Oh, bakit ka naiyak Ciara?"

"Nothing. Sinisipon lang ako."

"Oh com'on. Kilala kita Ciara. Why are you crying?"

Wala na akong nagawa. Hindi na ko makatanggi. Halata naman talaga siguro na umiyak ako. At naiiyak na naman hanggang ngayon.

"Ate tin, bakit ganito kadali lang akong iwanan? Lagi nalang ako nasasaktan. Laging ako ang iniiwan. T*ng ina. Ano bang mali sakin? T.T"

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Niyakap ako ni Ate Tin. Pinapatahan na niya ako. 

"Ciara, walang mali sa'yo. It's just that, a relationship is only for two people. But, there's just one b*tch who don't know how to count."

"Therefore, Leah is the b*tch?"

"Exactly! :D"

Medyo gumaan ang loob ko sa pag-uusap namin ni Ate Tin. Nakaramdam ako na may kakampi ako. Kahit puro kalokohan lang ang pinagsasabi ng kapatid ko, medyo nabawasan na din yung sakit na nararamdaman ko. Ang saklap ng pasko ko. >.<

[12:01am; december 25]

Noche Buena na. Apat lang kami sa bahay. Ako, si Mom, si Ate Tin at si manang. Sabay sabay na kaming kumain. Namumugto pa rin ang mata ko. Napansin ako ni Mommy.

"Ciara, sweetie, what's wrong?"

"Nothing mom."

Ayoko na sana i-open yung topic na 'to kasi hindi naman appropriate. Noche Buena eh. Dapat masaya kami. Dapat masaya ako. 

"Tell me, sweetie. What's wrong?"

"Wala na po kami ni Dylan."

Suddenly, tears come rushing down my face again. T.T Wala na akong alam gawin kundi umiyak nalang. Niyakap ako ni Mommy.

"It'll be okay honey. You know dear, what comes easy won't always last. And what will last, won't always come easy. You know what I'm talking about. Right?"

Nag nod nalang ako kay Mom at nagsmile. 

Tama si Mom. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Sinagot ko agad si Dylan. Masyado akong nadala sa mga salita niya. Hindi ko muna pinag-isipan mabuti. Kaya ngayon, wala na. Hindi ko muna siya kinilala mabuti. 

Kumain na ulit kami. Nagchange na agad kami ng topic dahil masyado nang lumulungkot. 3:15am, natulog na kami. 

____________________________________________________________________________

[1:00pm; Ciara's room]

*bzzzzzzzt bzzzzzzzt bzzzzzzzt

Hubby <3 calling...

*bzzzzzzzt bzzzzzzzt bzzzzzzzt

Ugh. Nagulat ako sa pagba-vibrate ng cellphone ko. Bigla tuloy akong nagising. Tinignan ko yung cellphone ko. Si Dylan, tumatawag. Ang kapal ng mukha. Pero hindi ko siya matiis. Sinagot ko pa din yung tawag niya. 

"Hello?"

"Ciara, meet me later, 3pm. Same place."

"Ayoko."

It's Just a MemoryWhere stories live. Discover now