Wala talaga akong plano ngayong birthday ko kaya ang sabi ko na lang kay dad kahapon, magluto ng kahit spaghetti in case dumating yung mga kaibigan ko para kahit papaano, may makakain naman. Pero sila na rin yung nagdala ng pagkain eh. Nalungkot ako ng kaunti kasi wala si Maine dito ngayon pero okay lang din naman. Alam ko namang magkikita din naman kami mamaya. Saka... nandito naman yung kaldereta niya.

Nagpaalam na rin sina Paolo an hour after we ate breakfast. Alam ko naman na may plano din sila after kaya hindi ko na sila pinigilan. I might sleep the day off, o kaya maglalaro na lang ako ng NBA 2K17. Kaso nakatulog rin pala ko.

Naalimpungatan ako nung naramdaman kong may humahawak sa mga paa ko.

"Ano ba natutulog pa ko eh..." I groaned, my eyes still closed. Meron pa ding may hawak sa mga paa ko kahit pa parang nasisipa ko na siya.

It stopped, I thought to myself. I moved over to my side and hugged my pillow when I felt someone whisper to my ear.

"Gising na, RJ. Birthday mo na..."

Napabalikwas akong bigla. I swear I thought it was my mom, pero nakita kong bigla si Maine sa gilid ng kama ko.

"Oh, okay ka lang?" she asked as she sat down beside me.

"Pucha Meng, akala ko si mommy yung bumulong sa'kin."

"OA ha. Hindi ko naman kaboses si tita."

"I swear I thought she was you!"

Inabutan na niya ako ng isang baso ng tubig. "Uminom ka nga muna. Naaaning ka na naman eh," kinuha ko sa kanya yung baso saka uminom. "Okay ka na?"

I nodded. "Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman. Pero magbihis ka na, hintayin kita sa baba."

"Saan tayo pupunta?" I asked her after drinking water. "Hindi pa ko naliligo eh."

Tinakpan niya ng daliri niya yung ilong niya habang natatawa. "Kaya naman pala ang baho na," binato ko siya ng unan. "Maligo ka na kasi!"

"Teka anong oras ba ba?"

"2pm na po, sir. Kaya baka gusto mo nang bumangon?"

"Seryoso, 2pm na?"

"Ay hindi, charot ko lang yun," hinila na niya ako patayo sa kama ko pero na-out of balance siya kaya napahiga rin siya bigla sa ibabaw ko.

I can feel her warm and deep breath on my face, her eyes staring directly on mine. A small smile started creeping on her face, which made me smile too. I planted a soft kiss on the tip of her nose then I pushed her slowly to the side so she can stand up and fix herself.

"Maliligo na ko," I told her. "Hintayin mo na lang ako sa baba?"

She nodded in reply and walked towards thw door. But before she stepped outside, she turned around and called me.

"RJ..."

"Ano yun?"

She stared at me for about three seconds before she shook her head, grinning. "Wala, wala. Sige maligo ka na. Hintayin kita sa baba," sabi niya lang saka ako iniwan sa kwarto ko.

Saka ko lang narealize na may nakatayo palang hindi dapat nakatayo. Susmaryosep!

***

Hindi ko pa rin maharap ng maayos si Maine kahit nasa byahe na kaming dalawa. We took an Uber kasi hindi pa naman siya marunong magdrive at ayaw naman niya sabihin sa'kin kung saan kami pupunta.

Your UniverseWhere stories live. Discover now