#YU16

3.9K 347 79
                                    

#YU16 po on your comments on twitter thank u 💛

•MAINE•

Nung tinalikuran akong bigla ni Kara last week when I was talking to her, pinalagpas ko yun. Kasi naisip ko na din  naman yung sinabi ni RJ na baka bad mood lang. Okay, sige. Palampasin na natin. Tapos sumunod yung pagtawag niya kay Richard ng RJ... okay fine, sige. Palampasin ulit. It might be a slip of the tongue, she knows that I call him that. Sabi ni RJ wag ko na lang daw pansinin (ulit). It's just a name... pero special sa'kin yun eh. Ugh, nakakainis. Pero dahil mabait ako, sige go. Relax, hindi na papansinin.

After that incident, may times na kapag lalapit siya kay RJ, titingin muna siya sa'kin, with that sly smile of hers. Nakakairita ha. Hindi ko na sinasabi yun kay RJ kasi ayaw ko namang isipin niya na warfreak ako or something kahit pa gusto ko na talagang sapukin si Kara.

Kaya ang pinagsasabihan ko na lang, sina Gio and Karla. Nandito kami ngayon sa pavilion, tumatambay lang muna habang hinihintay yung mga boys from their basketball practice. Nagsimula na rin kaming magreview for our exams this week. Hassle. Ang daming ganap ngayong week, my god. Ginoo at Binibining Agham + first quarter exams + deadline ng magazine. Though tapos na kami sa magazine, syempre kailangan pa din naming magreview ng malala at... magrehearse ng malala. Joke lang. Konti na lang din naman mapeperfect na din naman namin ni RJ yung sayaw.

"Bakla, alam mo may napapansin ako," Gio told us after munching on her donut. Bumili kasi ng donut si Paolo  for Karla for meryenda. Nakikuha na din kami. Hahahaha. "May gusto ba si Kara kay Richard?"

Na-trigger yata ako kasi napalingon akong bigla sa kanila. "Bakla, kalmahan mo lang oy!" Gio said. "Nagsasalubong na naman yang kilay mo eh."

"Mga bakla, feeling ko meron eh," Karla answered as she fumbled on her phone, probably texting Paolo. "Narinig ko kasi siya kanina na kausap si Janina sa CR. Hindi ko naman sinasadyang mag-eavesdrop, nasa loob kasi ako ng cubicle tapos sila nasa labas. Ayun, narinig ko sila."

"Pinag-uusapan nila si RJ?" I asked Karla.

"Oo bakla. Ayun nga, gwapo daw si Richard. Tapos matalino pa. Matagal na daw nilang crush si Richard, first year pa lang. Nagpapapansin na nga daw sila pero deadma eh."

"Wait, hindi ba nila alam na nanliligaw si Richard kay Maine?" Gio asked.

"Wala akong narinig na sinabi nilang ganun eh. Basta ang narinig ko lang, may crush si Kara kay Richard. Kinikilig pa ang mga gaga. Lalabasin ko na sana para pagsabihan kaso naunahan akong lumabas. Mga bwisit."

"Feeling ko alam nila eh," I told them. "Kara's acting like a bitch to me lately. Parang nang-aasar na ewan. Tapos kapag si RJ ang kausap, akala mo santa sa sobrang bait."

"E kamusta naman kayo ni Richard? Sinasabi mo ba sa kanya yang mga paepal ni Kara?"

"Hindi ko na sinasabi, Gio. Kahit gusto kong sabihin, hindi na lang. Ayaw ko naman kasing isipin ni RJ na warfreak ako towards her kahit gusto ko na talaga siyang sapukin."

"Hay nako girl," Karla said as she stood up and grabbed her things. "Hayaan mo yang si Kara. Ikaw naman ang nililigawan ni Richard eh. Hindi naman siya. Delulu lang siya kung iniisip niyang papansinin pa siya ni Richard no."

Tumayo na rin kami ni Gio para puntahan yung mga boys sa gym. Tapos na rin naman yata sila sa practice. Naisip ko rin naman, tama naman si Karla. Hindi naman pinapansin ni RJ si Kara except kapag kailangan.

Pagdating namin sa gym, may mga freshmen girls na nakatambay sa loob, giggling as they were looking towards the boys' direction. Nakita ko yung iba na naglakad papunta kina Paolo at nag-hi pa. Naramdaman ko yung kapit ni Karla sa braso ko, humigpit eh.

Your UniverseWhere stories live. Discover now