#YU43

2.3K 183 29
                                    

A/N: Last three.

•MAINE•

Prom was a blast! Everybody enjoyed the night. After ng announcement ng prom king and queen, party party na sa buong ballroom. Katuwa lang, nagkaroon pa ng dance battle! Hindi ako pinasali ni RJ kasi baka kung mapaano daw ako, kaya we settled on watching. In fairness, ang dami ding magagaling sumayaw sa batch namin.

After prom, hinatid na ako ni RJ sa bahay para makapagpahinga na rin kami. Kinabukasan naman kasi yung lunch namin with my whole family. Syempre, kasama si RJ.

Sa Spiral sa Sofitel kami nag-lunch. Sabi ko kina nanay at tatay at sa mga kapatid ko, okay lang kahit wala ng regalo basta magkakasama kami sa birthday ko. Pero nagulat ako dun sa gift na inabot sakin ng ate ko. Hand and neck pillow. Ang weird diba? Ipagamit ko daw kay RJ kasi lagi naman daw akong nakakatulog sa balikat niya kapag nasa bahay siya. Edi sana kay RJ niya na inabot. Baliw baliw din ate ko eh.

Nagpaalam kami kina tatay ng mga bandang 5pm na pupunta na sa MOA Concert Grounds. Imi-meet kasi namin dun si Kat at yung boyfriend niya. Si Kat yung isang pinsan ni RJ sa mother side na nakaclose ko na din. Nagkakatext kasi kami minsan.

Ang dami nang tao pagdating namin sa venue. Inabutan namin sina Kat sa may entrance, hinihintay kami.

"Katring!"

"Maine!"

Para kaming mga shunga sa gitna ng entrance na nagyayakapan kaya sina RJ, hinila na kami papasok. Pumunta na kami sa VIP area para maghanap ng magandang pwesto.

"Ay ang taray ng get-up ni ategirl oh! Pareho lang sa Coldplay Singapore ah!" bati ni Kat sa akin.

"Hindi nilabhan ni Maine yan," asar naman ni RJ. "Amuyin mo Kat. Ang baho pa."

"Napaka mo, RJ!" tumawa lang siya sa pang-aasar sakin. "Dun ka na nga muna! Kausapin mo si Jax oh!" Si Jax yung boyfriend ni Kat. Tahimik lang kasi dun sa tabi eh. Nag-pout pa si RJ (akala mo bata!) pero sumunod na din siya kaya naiwan kami ni Kat na magkasama.

"Uy girl! Happy Birthday nga pala! Naks, tanda mo na ah!" Kat greeted after we sat down. Padami na ng padami yung mga tao.

"Thanks girl!"

"Kamusta naman kayo ni RJ?" she asked.

"Okay naman kami, Kat. Happy. May mga tampuhan here and there pero naaayos din naman namin. Kayo ni Jax kamusta?"

"He's leaving for Dubai next week na eh. Dun na sila titira ng family niya."

"Oh wow. Ang hirap nun siguro para sa inyo."

"Oo nga eh. But we promise we'd talk naman everyday. 4 hours lang naman yung time difference, mas madali kaysa sa ibang countries."

"Hmm, sabagay. Close pa din naman yung timezones."

"Kayo ni RJ? Ready na for college?"

"Naku, si RJ excited yan. Alam mo naman na life long dream niya ang mag-aral sa UP at maging engineer," Kat laughed. Kasi totoo, bata pa lang si RJ pangarap na niyang mag-aral sa UP. Sa pagkakaalam ko, highschool pa lang gusto na niya sa UPIS pero hindi siya pinayagan ni Tita Rio kaya tinuloy na lang niya sa St. Paul.

"Proud na proud nga si tito sa kanya eh," Kat said. "Sayang nga lang kasi wala na si Tita Rio to see him go to his dream school."

Ngumiti ako kay Kat. "She sees it, Kat. She sees it in heaven."

Naramdaman kong may yumakap sakin from my back, kissing my shoulders. Alam kong si RJ to.

"Pinag-uusapan niyo na naman ako no?"

Your UniverseWhere stories live. Discover now