Chapter 34 ∞ Result

Magsimula sa umpisa
                                    

Ininom ko yung tubig saka pinunasan ang bibig ko ng mini towel. Then bigla nya akong niyakap. "I hope you're pregnant.."

"Babe.." I whispered. Ewan ko pero nanggigilid na naman ang luha ko.

"Go on fix yourself. We're going to hospital." Sabi ni Lance.

Tumango ako saka bumitaw na ng yakap sa kanya. Buntis nga ba ako? Kung oo, well kailangan ko na ihanda ang sarili ko.

--

Third Person's POV

Buntis si Yumiko? Sabi sa isip ni Enrique na kanina pa nakikinig sa usapan nina Yumiko at Lance sa loob ng kwarto nito. Naka-awang lang ng kaunti ang pinto. Papasok sana siya kanina dahil open naman sya roon sa mansyon ng mga Hayashi.

Pero 'di naman nya inaasahan na naroon si Lance. Naisip na ni Enrique na baka buntis na si Yumiko dahil ilang beses na syang dumadalaw kay Yumiko at kadalasan ay nalalaman o nadadatnan nya itong nagsusuka. Ayaw lamang nyang i-open-up dahil alam nyang si Lance ang ama ng dinadala ni Yumiko kung sakaling buntis nga ito.

Sa isip nya ay siguradong wala ng pag-asang makuha nya pa si Yumiko kung malalaman ng mga ito na buntis ito dahil siguradong ira-rush ng mga magulang ng dalawa ang kasal ng mga ito. Narinig pa naman nya na dadalhin ni Lance si Yumiko sa ospital.

"Hindi pwede.." Bulong ni Enrique sa sarili niya.

Agad syang umalis ng mansyon ng mga Hayashi saka dumiretso sa pinakamalapit na hospital -- na alam nyang pag-aari ng relatives nina Yumiko. He's so sure na doon magpapa-check-up si Yumiko.

Kilala nya ang OB-gyne roon. Kailangan nya yung makausap.

"Akin si Yumiko. Hindi ka pwedeng sumaya Lance Abellano. Parang kang tinik sa pagitan namin ni Yumiko. Tch." Sabi ni Enrique sa sarili habang nagmamaneho papuntang hospital.

Alam niyang nagmumukha na siyang desperado sa paghahabol kay Yumiko. Mahal niya eh, idagdag pa ang pride nito na natatapakan ni Lance.

--

Yumiko POV

Kinakabahan na nae-excite ako. Yung iisipin kong buntis nga ako? Tapos magiging mommy na'ko at si Lance ang daddy. Saktong nagka-ayos na kami. Alam kong aalagaan akong mabuti ni Lance.

"Babe don't be nervous okay?" Sabi ni Lance na hawak hawak ako sa kamay ko. We're walking towards the OB-gyne's room. Dito kami nagpunta sa ospital na pag-aari ng Tito ko.

"Babe.." Sambit ko. Nanlalamig na kamay ko sa kaba.

He hugs me. "Wag kang kabahan okay?" He said then kiss me on my forehead. "I'm so excited to know what will be the result. I hope it's positive."

I nodded and took a deep sighed. I knocked before entering the room. Sumalubong sa'kin ang sa tingin ko ay OB-gyne.

"Hi good afternoon." Pormal na bati nya.

Naupo kami ni Lance sa upuan sa harap ng table nito.

"Ipapacheck-up ko ang fiance ko. I think she's pregnant. Ilang beses na syang sumusuka and no doubt naman because we did it." Pormal na sabi ni Lance sa OB.

"Okay, we'll be using pregnancy test to check if you're pregnant. Just fill-up first this form."

Tumango-tango lang ako sa sinasabi ng OB.

After one hour..

"So, this is the result.." Pabitin na sabi ng OB. Magkahawak kami ni Lance ng kamay. Syempre, ako nae-excite ding malaman na positive yun.

"What's the result?" Tanong ni Lance.

"Sad to say but it's negative. So it means Ms. Hayashi is not pregnant. Yung mga nabanggit mong pagsusuka at pagkahilo ay dala lamang ng pagod mo pati na ang pagkain ng hindi masusustansyang pagkain. You should take care of yourself." Sabi ng doctor.

Negative.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Lance sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. He looks at me like saying, 'its okay..'

Masyado lang siguro ako natuwa na isipin kanina na baka buntis na nga ako. Pero hindi daw sabi ng doctor eh.

"Sige doc salamat." Sabi ko saka tumayo na.

"You're welcome  Ms. Hayashi." Sabi ng doctor saka hinila ko na si Lance palabas ng kwartong iyon.

"I'm not pregnant." Sabi ko agad.

He hugs me again. "Its okay. Marami pa namang time para gumawa tayo ng baby. I love you babe. Please take care of yourself? Kaya ka pala nagsusuka kasi parang pinapabayaan mo na ang sarili mo. Tch. One week lang babe,maaalalagaan na kita."

Touching. "Thanks babe. I'm sorry. I promise to take care of myself."

"Good. I think I have to go. Kanina pa rin tumatawag si Papa. Hinahanap na'ko non. Wala syang kaalam-alam, narito na'ko sa Japan dala ang private plane namin."

Nag-private plane sya? Kaya pala mabilis syang nakarating. "Umuwi ka na nga. Baka magalit pa ang Papa mo." Sabi ko kahit sa totoo lang ay mami-miss ko siya. Sabagay, one week lang naman.

Mabilis lang yun. Konting tiis lang. Three weeks nga nakaya ko. Wala pa yung communications. Pero sabagay, nakakaya ko lang naman yun 'pag galit ako sa kanya. Eh bati na kami ngayon?

T_T

Wala na, mamimiss ko talaga si Lance.

--

Enrique POV

Hindi sila pwedeng maging masaya. Yung Abellano na 'yun? Tang*na nya lang.

Kinausap ko yung OB at in-inform na may darating na magpapacheck-up na nagngangalang Yumiko Hayashi. Tinawagan na nya ako. Positive ang result. Di ako nagkamali. Buti nalang negative ang sinabi niya kay Yumi dahil na rin sa sabi ko.

Ako pa ba? Para saan pa ang ka-gwapuhan ko kung 'di ko gagamitin? Buti single pa yung OB na yun. Kailangan ko pa syang bola-bolahin para pagbigyan ako. Swerte ko nalang na madali syang ma-bola at mukhang type ako.

Simula palang ito ng panggugulo ko sa buhay nyo Lance at Yumi. Di kayo pwedeng sumaya. Hindi.

 

**

A/N: I was like, oh-oh..

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon