OMM-IX (RESTRICTED)

3.6K 76 28
                                    

THERESE MARIE

" Kairos! " nakasapo ako sa dibdib ko, nagulat ako dahil ang aga niyang umuwi than usual muntikan na niya tuloy akong maabutan sa office niya na hinahanap yung susi para sa mga sasakyan niya.

He just looked at me saka kinunutan ng noo.

" you look surprised, Marguerette. May inaasahan ka bang bisita maliban sa akin. " sarkastikong sambit nito saka tinatanggal yung itim na coat at tie niya. He looks formal with his clothes, baka bumalik ito sa metro para asikasuhin yung mga business niya.

" Prepare this food and please Marguerette huwag mong pasakitin ang ulo ko ngayon. " kalmado niyang sagot pero mapapansin mo na may lungkot sa tono nito. Sinunod ko naman siya't inayos na yung pagkain naming dalawa. Naghapunan kami ng matiwasay at tahimik, he really not in usual mood niya na palaging galit. Napansin ko na he's eyes filled with sadness and kalmado siyang kumilos. There's something wrong with this guys, sudden shift of moods? Hindi kaya, hindi nagtagumpay ang kaso niya sa Daddy ko kaya lungkot-lungkutan siya.

I found him at the balcony drinking a scotch in glass, nakatingin ito sa malayo at malalim ang iniisip. He's another hand gripping on the rails.

" you're smoking?! " bulalas ko, he fished out a stick of cigarette saka nilagay iyon sa bibig niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

" The hell you care! " he hissed, hinila ko naman 'to dahil masama sa kalusugan ang ginagawa niya.

" The fck, Therese! " he groaned saka tinignan ako ng matalim.

" Nagsmo-smoke lang ako kapag stress. Calm down as if na ikamamatay ko 'to. This is just a stick mas marami akong pinagdaanan na mas nakakamatay dito. " asik niya sa akin saka nanigarilyo. Napailing naman ako, ibang-iba na talaga siya sa King Kairos ko noon.

" Saan ka pumunta? I mean saan ka pumupunta. " I asked of curiosity.

" It's none of your business, Marguerette and don't ask as if you care for me. " malamig niyang sambit, napabuntong hininga naman ako. What's wrong with this guy? I'm trying to open up a conversation with him na hindi naman pagtatalunan pero siya itong pinapatay niya gamit ang malamig niyang ugali't salita.

" I'm just curious, I'm trying to talk with you as a normal person sana naman huwag mong baliwalain. Mapapanis iyang laway mo sa sobrang tahimik mo. " he sighed as the sign of defeat.

" I'm a businessman kaya inaasikaso ko ang mga business ko, hindi pwedeng pabayaan iyong mga naiwan ng Ama ko but today is different, I attend the funeral. "

" Si...Sinong namatay?! " kinakabahang tanong ko. Although wala naman akong maalala na may pamilya pa siyang natitira, hindi kaya yung Cindy na malandi noon?!

" Anak ng kaibigan ko. Nakunan yung asawa niya and I can see how down they are at kung paano nasira ang relasyon nilang mag-asawa. They lost their child na hindi man lang nila iyon nahahawakan. I feel sorry for them. "

" That's what I'm pointing out Kairos, hindi basta basta ang bata. Look at them, they've lost a child kahit naman mas deserve nila iyon dahil mag-asawa sila then ikaw hinihingi ito na parang bagay lang. "

" Hindi bagay ang tingin ko doon, A successor of my property and that's why ikaw ang hinihingian ko dahil ikaw lang naman ang babaeng nakasiping ko sa buong buhay ko. Ikaw ang gusto kong maging ina ng anak ko pero it seems like mas iniisip mo na incentives lang ang gusto ko. Hindi ako ganung tao Marguerette! Yes, maybe I'm cold pero pinapahalagahan ko ang buhay, pinapahalagahan ko pa rin ang nakaraan. Tagapagmana lang na mula sayo ang gusto ko. " natigilan naman ako sa mga sinabi niya. Napupuno ang mga mata nito ng halo halong emosyon. Nakakabingi din ang mga sinabi niya.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon