HAO-X

2K 65 7
                                    

FELICIA MARIE

---------------

" Sorry about the last time, pagpasensyahan mo na yung kasama ko. " He smiled then tumango. I invited him to have a dinner with me bilang pambawi sa nagawa ni Ignatius sa kanya and para mapag-usapan yung gusto niyang gawin ng team ko doon sa bahay niya.


" Is he your boyfriend? " bumulalas naman ako ng tawa.



" No, he's just my friend-- a protective one. " pakiramdam ko ay umaliwalas yung mukha niya nung sinabi ko iyon.



" Talaga? "



" Oo, pagpasensyahan mo na. Ganun lang talaga siya kaOverprotective. "



" Tama naman siya, dapat kang pinoprotektahan. Ang mga kagaya mo ang hindi dapat basta basta pinapalapitan. Masyado kang maganda. " namula naman ako sa mga papuri niya.



" Bolero ka! "



" I'm stating a fact. Noong una nga kitang nakita ay nautal ako dahil ang ganda mo. "



" Tsk, tama na yan Emil! Nalulunod na ako sa mga papuri mo. " We both chuckled and I swear ang gwapo talaga ng tawa niya!



" So, about dun sa bahay anung gusto mong gaw- "



" Uhm.. Felicia, I didn't invite you last time to talk about the designs. May tiwala ako sa team mo na magagawa nila ang gusto ko. What I really want is, to ask you that time to have a date with me. " natigilan naman ako sa pagkain ko.



" I want to know you better... If you will give me a chance. I promise I wo- "



" Sure. "



" Huh? " nanlalaking matang bulalas niya.



" Sure, I want to know you better too, Emil. " I smiled. Lumawak naman yung ngiti niya lalo at hindi inaalis yung mata sa akin. Nakaramdam naman ako ng awkwardness. Nakakahiya dahil hindi ko maisubo itong pagkain, sabihin niya ang takaw takaw ko!



D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon