HAO-XVIII

1.9K 52 2
                                    

FELICIA MARIE

" Aha! " napasapo naman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Sinamaan ko si Ate ng tingin na isip bata na naman ang inaakto.



" Talagang nagOvernight ka ha! "




" Sabi ko naman sayo, kukuhain ko yung mga gamit ko. " saka itinaas ko yung mga dala ko. Ngumisi naman siya nang sobrang lawak at may malisyosang pahiwatig yung mga mata niya.




" Huwag nga ako Ate! " saway ko sa kanya.




" Huwag din ako Felicia! " Nakatingin siya sa akin as if isa akong suspek sa karumal-dumal na kaso. Mukha siyang mag-iinterrogate na NBI.




" may naganap kagabi anu?! "




" wala. "




" aysus! Yung mga ganyan ka-blooming, inagahan niyo na naman siguro yun. " namula naman ako sa mga sinabi niya, wala pa ngang balak bumitaw si Ignatius kanina kung hindi ko lang ipinaalala na may trabaho pa ako at meron din siyang aasikasuhin sa airlines.




" Ate nga! " reklamo ko, para naman siyang tanga na tinusok tusok yung tagiliran ko.




" Share mo naman kay Big Sis iyang dahilan nang malawak na ngiti mo. "




" Ate! napakaPrivate ng bagay na yun! " humalakhak lang siya. gusto ko rin sanang matuwa sa mga nangyari sa amin ni Ignatius pero mabilis sumagi sa isip ko ang realidad na meron kami ngayon, realidad na tinakasan lang namin kagabi pero kahit anung gawin namin ay wala kaming magagawa dahil paggising na naman namin kaninang umaga ay kakaharapin na naman namin yun.




" Mahal mo na anu? " namula naman ako sa muling pag-uusig ni ate, bago pa ako magmukhang kamatis ay itinanggi ko yun.




" hindi pwede ate, Ikakasal na ako. "




" pwede naman nating sabihin kanila Mommy na itigil yun! Hindi mo kailangang magpakasal sa taong hindi mo naman gusto. Felicia this is already a 21st century and nasa tamang edad na tayo para magdecide sa sarili natin. Ditch that Emil and your engagement hangang maaga pa. "




" Natutunan naman ang pagmamahal. Mabait na tao si Emil and I'm sure na hindi magtagal ay mahuhulog din ako sa kanya. Sundin na ang natin ang gusto nina Mommy dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila. "




" tss, utang na loob nga natin pero Felicia paano yung gusto mo? Alam mo ang pagmamahal parang gamit yan, kapag pinipilit sa hindi naman dapat. Hindi mo makukuha yung satisfaction sa puso mo, hindi mo talaga mararamdaman yung tunay na kasiyahan. As a person you deserve to be happy sa tao o gamit na nakapagbibigay talaga sayo nun. " magsasalita sana ako nang takpan niya yung bibig ko.




" saka kung natutunan pala ang pagmamahal, bakit hindi ka kay Ignatius tutal alam naman natin na unting hulog na lang sayo ay mahal mo na yun. " tinitigan ko siya nang masama. Bakit ba botong boto siya kay Ignatius?




" Magkano binayad sayo ni Ignatius para kumampi ka sa kanya nang ganyan? " humalakhak naman siya.




" alam mo kasi Little sis, kapag naging asawa mo yang si Ignatius na anak ng may-ari ng mga malalaking airlines dito sa Pilipinas, malaki na ang discount ko sa mga travel ko around or baka libre pa nga. Kaya doon tayo! " napaismid naman ako.




" sipsip! " asik ko sa kanya. Ngumisi lang ito.




" kaya kung ako sayo, tatakasan ko na iyang kasal. Pupunta ako kay Ignatius, aakitin siya tapos mahuhulog lalo edi, Happy ending na!"




D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon