C-X

2.3K 58 3
                                    

DIONYSUS MATTEO

Maaga akong umalis ng bahay para mag-asikaso ng expansion ng ilang offices sa firm namin. After a month na naging matagumpay ito ay napagpasyahan namin ni Madeleine na maghire ng mga dagdag na tauhan.  Dumaan ako sa isang coffee shop dahil doon ko kakatagpuin si Felicia Cui, yung interior designer na kaboarder ni Deann sa bahay.

“ Good Morning Ms. Cui, salamat at pumayag ka ulit na makipagkita sa akin. “ tumango naman siya’t nakipagkamay sa akin.


“ congratulations! Mr. Carlos, I heard na sikat ang firm niyo kaya pala magdagdag na naman kayo. “


“ utang na loob ko sa iyo yun Ms. Cui. Napakaganda nang pagkakadisenyo mo sa lugar na tuwing pumapasok ang mga kliyente namin ay nakakaramdam agad sila ng gaan ng loob. Isa ka talaga sa magagaling na designer sa Pilipinas. “ namumula naman ‘to sa papuri ko. Well she deserves it. Nagsimula na kaming mag-usap about sa mga ideas ko na pwedeng maging basis niya para sa design, we are on the middle ng meeting nang may mapansin akong pamilyar. Nakatalikod pa lang siya ay kilalang kilala ko na agad siya.


“ Isabel.. “ sambit ko. Anung ginagawa niya sa lugar na ito? She supposedly went for the work nang ganitong oras.


“ yes, Mr. Carlos? “ nagtatakang tanong niya. Mabilis naman akong umiiling.


“ Nothing, Ms. Cui.  Ikaw na ang bahala sa mga design. Ibinibigay ko ang tiwala ko sayo. “ tumayo ako’t nakipagkamay sa kanya. She accepted it naman at nagsabing tatawagan na lang ako para sa mga katanungan.


Nung makaalis si Felicia ay kaagad akong lumapit sa table niya.


“ Umuwi na tayo. “ bulong ko saka hinawakan ang mga kamay niya. I keep myself calm..well I must be calm naman talaga, umagang umaga pa lang e.


“ siya ba ang babae mo Dionysus? Siya ba ha! “ she hissed pagkauwi namin sa bahay, napahilamos naman ako ng mukha ko.


“ hindi! Siya yung interior designer na nagdesign sa firm namin and kinuha ko ulit siya.  The fck! Bakit mo ba ako sinusundan?! “

“ gusto ko lang makita kung sino yung babae mo. “ sagot niya. Napalatak naman ako ng tawa. Inalam ko ba kung sino yung hinayupak niyang lalaki noon? Hindi ko naman ginawa ah. Bakit kailangang niyang bantayan ang mga kilos ko nang ganito. Damn! I feel suffocated!


“ Anu bang problema mo Isabel!? Hindi ba't sinabi ko sayo na wala ka ng babalikan, Wala ka ng bububuin ulit. Wala na! " mali talaga na sinabi ko sa kanya na may nararamdaman ako, nabigyan ko pa tuloy siya ng dahilan para magkaroon ng pag-asa na maayos pa kami.


" But I want to, Ngayong alam ko na kahit katiting na pagmamahal ay may natitira ka pa para sa akin ay hindi ako titigil Dion. Hindi ako titigil hanggang sa maibalik mo ang pagmamahal mo sa akin. I made mistakes once at hinding hindi ko na uulitin ang bagay na yun. I lose my bestfriend, my shoulder to cry on and especially a boyfriend to you. I lost everything nung when I let you go and now, na nasa harapan kita I won't let it happen again. " Pagak akong tumawa. She loses everything? Bakit hindi iyon ang natatanggap kong balita noong nasa States ako? I received a lot of mails and pictures kung saan masayang masaya si Isabel sa piling ng hinayupak na  Kintaro Miyagi na yun. gago talaga yung hayop na yun, kapag nagkita kami ulit ay hindi ko na alam ang magagawa ko but still kung may nagsuffer man sa amin, ako yun. Ako lang yun dahil namuhay ako sa limang taon na takot at ilag sa mga babae. Nabuhay ako na may pag-aalinlangan sa mga babae. Mabuti na nga lang at dumating sa buhay ko si Jessma, she make me feel na sapat na sapat na ako sa kanya. She make me felt na dapat masuklian ang mga bagay na ibinibigay ko.


D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon