C-XI

2.2K 62 9
                                    

MARIA LINA ISABEL

" Bakit tayo nakaganito. " naiirita kong tanong kay Jus. Mukha kaming tanga sa suot namin, sunglasses then malaking hat. Masyado kaming halata sa ginagawa namin.

“ hayaan mo na, summer naman kaya walang makakapansin sa atin. “ inirapan ko siya. Napaka-agaw pansin nito kaya nagmamadali kong hinubad.

“ anu ba yan! “ nakangusong reklamo niya. Hindi ko naman ‘to pinansin dahil lumabas na si Dionysus sa pinasukan niyang condominium. Pinigilan ko naman ang umiyak dahil kahawak kamay na niya yung babae niya. She looks familiar and I think I saw her before, hindi ko lang matandaan kung saan.

“ she looks familiar. “ bulong ni Jus na sinang-ayunan ko pero himdi ko na rin pinagtuunan ng pansin pa dahil paalis na sila. Justine drove the car at huminto sila sa isang mall.

“ mall? Minsan cheap din pala makipagdate si Dionysus anu. “ komento ni Jus sa tabi ko pero hinayaan ko lang siyang magdaldal ng magdaldal. Saglit lang silang nagIkot-ikot. She bought Dionysus some clothes and neckties na dapat ako ang gumagawa, responsibilidad ko yun and yet hindi niya ako hinahayaan.

After nun ay dumiretso sila sa Cinema at nanood ng movie, madilim yung lugar kaya hindi ko maaninag yung mukha nung babae kahit sobrang lapit na namin sa kanila.
Isang bagay lang ang malinaw na ginawa nila. They we’re kissing. Napapikit na lang ako saka umiwas ng tingin. Masakit, masakit kahit na dapat ay masanay na ako dahil ginawa ko rin naman ito sa kanya.

Hinila ko na si Jus sa tabi ko busy sa panonood ng movie. Hindi ko na kaya pang maatim ang sakit.

“ bakit?” she asked. Medyo puno pa ng popcorn ang bibig nito.

“ uwi na tayo. “ yaya ko. Kinunutan naman niya ako ng noo.

“ mamaya na, hindi pa tapos yung movie! “ napabuntong hininga ako’t Iniwan siya. Bahala siya kung ayaw niyang sumama. Enough na yung mga nakita ko. Tama na yung Paulit ulit kong pananakit sa puso ko. Tama na yung panonood ko sa kanila.. sa kanya na masayang masaya sa kanya.

“ wait Isabel! “ sigaw ni Jus na humahangos na humahabol sa akin.

“ ganun na lang yun? Wala man lang pagsabunot at pagsampal? “

“ I have no rights “

“ rights? Asawa ka at dapat nilalampaso mo yung babae niya. “

“ Jus hindi ako bayolenteng tao. Isa pa, ginawa ko rin yun kay Dionysus kaya dapat gawin niya rin yun. “ napailing naman siya.

“ asawa ka niya at dapat ipakita mo sa babaeng yun kung sino ang kinakalaban niya. “

“ maayos akong kinausap ni Dion noon, hindi ko kailangang manugod at gumawa ng eksena. “ napabuntong hininga na lang siya. Hindi siya mananalo sa akin sa ganitong bagay. Wala naman talaga akong intension na sugurin ang babae niya. Gusto ko lang makita—ngayon na nakita ko na ay, ewan hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin kasi tulad nga ng sabi ni Dionysus.. I deserve this.



Justine and I decided na bumalik na lang sa boutique shop namin. Wala rin kasing nagbabantay doon maliban sa konting tauhan namin, kinakabahan pa ako dahil lately pakiramdam ko ay may nagmamatyag sa amin.  Pagdating namin doon ay nagkakagulo sa shop dahilan para makaramdam ako ng labis na kaba sa puso ko’t tumakbo.

“ anung nangyayari dito? “ I asked yung security namin because they’re holding a man na nakahoodie.

“ sino yan? “ Jus asked

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon