C-V

3K 66 22
                                    

MARIA LINA ISABEL

" Wait, Isabel? " Napalingon naman ako sa tumawag sa akin then I found out Dionysus' bestbud Madeleine Madayag.

" He..hey Maddie, It's been a long time. " she blurted a soft laughed. Matagal tagal na rin magmula ng makita ko ang mga kaibigan niya. She invited me to have a coffee sa pinakamalapit na coffee shop, nakakahiya naman kung tanggihan ko ito kaya sumama na ako.

" yeah, nagFocus kasi ako sa masteral ko kaya hindi rin nagkaroon time para maggala. How 'bout you? " pagku-kwento nito.

" Justine and I had a small boutique near the metro. Maybe you should visit it sometimes. "

" Sure, just give me the address at dadayuhin ko yan. " Kinuha ko naman yung calling card ng shop naming at iniabot sa kanya.

" So, Kamusta kayo ni Dion? Last month ay pumunta kami para bisitahin siya. He already got his Masteral. " tipid naman akong ngumiti sa kanya. Wala akong mahagilap na salita para maipaliwanag sa kanya kung anung meron kami ni Dionysus.

Mula nung umalis siya ay hindi pa kami nagkakausap, Limang taon.. Ganun katagal walang hi o hello na namagitan sa amin. Limang taon kasi ang masteral niya sa Law at hindi niya nagawang umuwi kahit na mahahalagang okasyon ng pamilya. Mostly ay sina Tita ang pumupunta sa kanya para kamustahin siya, every year ay pumupunta rin ako sa kanya pero hindi ko nagawan magpakita sa kanya. I don't have any guts para magpakita sa kanya pagkatapos ng ginawa ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya once na nakita niya ako, ang taong sumira sa puso niya.

" Maybe you should tell him. "

" Maddie. "

" you're still inlove with him Isabel. Hindi ka naman magiging single for five years kung hindi mo siya hinihintay. Hindi ka magpapabalik balik sa states para sumilay sa kanya kung wala ka ng nararamdaman. " Nanatili akong tahimik dahil iyon ang totoo. Hindi kami tumagal ng taon ni Kintaro dahil pagkatapos ng graduation ay naging busy kami sa kanya kanya naming inaasikaso which nag-lead para mawalan kami ng oras sa isa't isa at magkaroon ng maraming misunderstanding pati na rin ng mga pag-aaway. I started to compare him kay Dionysus na kahit masyadong busy sa ginagawa niya ay nanatiling nagbibigay ng oras para sa akin.
----------------------
" hindi ka na naman sumipot Kin. "

" I'm sorry, Tinatapos ko pa kasi yung project outline na pinapagawa sa akin ng boss ko. "

" then you should informed me para hindi ako nagmumukhang tanga doon!"

" I forgot. Nakalimutan ko na rin kasi ang oras. Please babawi ako sayo Isabel. "

" mabuti pa s- "

" sino si Dionysus?! Ikokompara mo na naman ba ako sa kanya? Paulit ulit ko na lang naririnig yan sayo tuwing magkakamali't magkukulang ako. Pasensya na, hindi ako kasing perpekto ng ex mo. "

"I'm not, kaso Ilang beses ko ng narinig sayo ang bagay na yan but you always ditched me. Anu ba ako? Anu ba tayo?! "

" exactly Isabel! Anu nga ba tayo? Anu ba ako sayo? Bakit hindi mo magawang sabihin sa magulang mo kung anung meron tayo. It's been a month since umalis iyong si Dion maybe your parents are over with him. "

" I already explained it right? Hindi namin sinabi sa magulang namin ang nangyari sa amin. "

" tsk. Mahal mo pa rin kasi siya. Kaya hindi mo magawang makunt-" sinampal ko siya ng malakas. I'm trying na ayusin ang relasyon namin kaya wala siyang karapatan na sabihan ako ng kahit anu.

" wag mong ilipat ang problema sa akin Kin, this is all about you and how you ditched me last night. "

" yes and this is about us na hindi mo pa rin ipinapaalam sa magulang mo. "

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon