I have my own car, pero hindi ko siya ginagamit kapag papasok ako sa school. So nagcocommute ako or kapag trip ko naglalakad ako. Medyo malayo ang school namin at usually naglalakad lang ako kapag pauwi. Isang oras na paglalakad din yun ah.

Pero syempre joke lang yun, village kasi 'to so hanggang gate lang talaga ang nilalakad ko, siguro 10-15 minutes na paglalakad. At dahil wala ako sa mood maglakad ngayon gagamitin ko yung car hanggang gate then iiwan ko siya sa guard but not my keys.

Sa panahon ngayon hindi na dapat tayo mabilis magtiwala, kaya tayo nasasaktan eh kasi agad agad tayong nagtitiwala. Don't get me wrong, yung kotse ko tinutukoy ko. Syempre pag nawala yun at natangay ni kuya guard masasaktan ako. Like duh.

***

"Hey kuya, paiwan nung car ko dito ah. Bantayan mo yan kuya nako."

"Yes, ma'am."

Ngumiti na lang ko atsaka dumiretso sa waiting shed kung saan ako madalas nag-aabang ng taxi. Ayokong nagjejeep, masakit sa bangs.

Pagkarating ko sa school as usual walang pumapansin sa akin, pero nakatingin sila sakin.

I mean ganito naman kasi parati, pinapansin nila ako pero sa tingin lang. Walang kumakausap sa akin dito except kapag may kailangan sila. Like what I've said, I'm the president of the SC here. That's why, hindi ko na lang sila pinansin at nagdire-diretso papuntang office, yeah may sarili akong room dito syempre with the other officers ng SC at dun muna ako nagpupunta bago dumiretso sa room kasi baka may gawain silang iniwan duon, para sakin. Buti pa nga yung mga gawain ko dun eh walang umaagaw. Pero sa mahal ko andaming gustong umagaw, pero siya lang yung nagwagi. Tss.

Huminga muna ako ng malalim before I enter our class room, Nakasanyan ko ng gawin yun bago ako pumasok kasi makikita ko nanaman siya. Masasaktan nanaman ako. Nung saktong bubuksan ko na sana yung room at ipipihit ko na yung doorknob bigla din tong bumukas at iniluwa si Jandi. Takte, nagulat ako! Nasa likod niya ang iba pa niyang kasama.

"Good morning pres!" Masayang bati ni Lisa at Stephanie. Oh well si Lisa is seatmate ko nga pala, hindi siya malapit sakin nakaupo, nasa likod ko siya well, malapit na din ah basta! Ngayon lang kami nagpansinan, naging close niya kasi tong mga exchange students na 'to kaya ayon medyo close na din kami. MEDYO lang. Si Jandi naman inirapan lang ako, napataas tuloy kilay ko.

"Good morning." Simula nung sumama ako sa kanila, pres na ang tawag nila sa akin, pauso mga yan eh.

"Yo pres!" Bati ni Luhan. Ang cute niya talaga hahaha. May paki na ako ngayon.

"Hi pres!" Sabi naman ni Stephan at nginitian ko lang silang dalawa.

"HAHAHA, ngitizoned HAHAHAHA." Asar naman nung dalawang babae. Habang si Lisa nakangiti lang, may pagkatahimik din 'tong bruhang to. Napatingin ako kay Anthony na nakatingin lang sakin, maya maya ay ngumisi siya. Wag niyang dagdagan inis ko sa kanya at baka di ko siya matantsa.

"Morning, Margarette." Well except Anthony, margarette ang tawag niya sa akin, ayaw kong tinatawag na Margarette pero di ko yun pinapahalata dahil lalo niya akong iinisin.

"Morning, Anthony." Sabi ko saba'y pasok at upo sa pwesto ko. Pagkaupo ko nakita kong masama na yung tingin niya sakin, ano ka ngayon? Ikaw naunang mang-asar tapos ikaw 'tong pikon? Weak!

Maya maya dumating na yung teacher namin, here we go again. Algebra pa more. X dito, X doon. Seriously? Hindi ba sila nagsasawa at napapagod kakahanap sa X? X na nga eh diba? Dapat di na hanapin tss. Past is past na kaya. After math, literature naman. Dumudugo na utak ko sa mga subjects in fairness.

*Toink*

Aray! Sinong buwisit ang bumato ng papel sa ulo ko!? Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Anthony na nakasmirk sakin bwisit to ah! Itatapon ko na sana pabalik sa kanya yung paper kaso nag act siya na iopen ko daw yung paper at nung inopen ko may nakasulat.

"Sabay ka na samin maglunch." *tugudug* B-bakit myghad! Magkakasakit ata ako. Ugh. 2 weeks pa lang sila dito pero lakas ng mang-asar sakin ni Anthony, bwisit! Hindi ako kinikilig okay? Kilala ko 'tong si Anthony kalat ang name niyan, playboy daw yan. Hindi halata kasi palihim siya kung lumandi. At don't tell me na ako ang biktima niya? Well let's see.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, and mouthed the word "Oh, sure." Nakita ko naman siyang nagsmirk. Hmp!

***

Boring.... Wala kaming third at fourth period, kaya kanya kanyang kwentuhan at ginagawa ang mga kaklase ko. Nagsosoundtrip lang ako, Lumabas naman si Mark kasama si Luhan at Stephan. Samantalang si Jandi at Stephanie naman nakaubob sa desk nila. Then Lisa is writing something in her note.

"Hmm, V-venice..." Here she go again. Tinanggal ko yung earphone ko sa right ear para pakinggan kung ano mang sasabihin niya.

"What?" Nakatingin nanaman samin ng mga kaklase ko.

"Ca-n w-we tal-k?" Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa kanya na ayaw ko siyang makausap? Gusto niya nanaman ba ng gulo? Gusto niya nanaman bang gumawa ako ng eksena para ako nanaman ang magmukhang mali at masama? Well wish granted!

"No."

"Please..." Hinawakan niya yung kamay ko pero tinabig ko yun. Kaya natumba siya and to my surprise tinulungan siyang tumayo ni Anthony. Seriously?

"Are you okay?" Ramdam ko yung pag-aalala niya kay Lucy, anong meron sa kanila? Oh well, the hell I care.

"Y-yes. Thankyou." Sabi niya at pinagpag yung skirt nya. Lalapit nanaman sana siya sa akin pero tumayo na ako at dumiretso sa labas ng room, I need air. Nagpunta ako sa garden. Tangina! Wag kang iiyak Venice, wag kang iiyak. Yumuko ako hindi ko na kasi kaya, hanggag ngayon nasasaktan pa din ako. Pero hindi ako iiyak. Kailangan ko lang kumalma.

"Why the hell did you do that!?" Napatingin ako kay Anthony na sobrang pula na ngayon, I guess sa galit. Why the hell he care?

"Because I want to." Sagot ko atsaka tumingin sa malayo. Umalis ka na, please. Ayokong makita mo ulit ako sa pangalawang pagkakataon na umiyak.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang ugali mo, hindi ko alam na masama pala ang ugali mo. Mali yung pagkakakilala ko sayo, akala ko you have a good personality. But you proved me wrong. Sabagay, 2 weeks pa lang naman kitang nakilala. Stay away from Lucy, and don't you dare to hurt her again. Or else, ako ang makakalaban mo." Dafvck!? Sino siya para pagsabihan ako ng ganyan!? Chill, Venice.

"Sino ka para sabihin sakin yan? Siya ang lumapit. Hindi ako. At isa pa, wala kang alam sa mga nangyayari. Kaya wag kang makialam." Sabi ko atsaka tumayo at iniwan siya doon mag-isa. Traydor tong luha ko. Nakayuko akong naglalakad, kukunin ko yung bag ko at mageexcuse muna. Wala naman kaming mga teachers at maglulunch naman na din, babalik na lang ako after lunch.

Pero bago ako makapasok sa room, may humila ng kamay ko at pagkakita ko kung sino yon, si Anthony pala.

Ano nanaman bang problema niya? Wag niyang sabihing hindi pa siya tapos sa panenermon sa akin? Napaharap ako sa kanya at for the second time nakita niya nanaman akong umiiyak, pinunasan ko agad yung luha ko atsaka binawi yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Pumasok ako sa room at kinuha yung bag ko, hindi na ako magpapaalam babalik naman ako mamaya. Dinaanan ko lang si Anthony sa may pinto at hindi na siya nag-abalang harangan pa ako. Buti naman. Well hindi ko naman ineexpect na pigilan niya ako. Hindi talaga.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now