Chapter Six - Edited

19.1K 586 1K
                                    

Pasingkit nang pasingkit ang mga mata ni Ronalyn. Palitan ang ginawa niyang pagba buzzer at pagkatok sa pinto ng condo unit ni Ali. May ilang minuto na siyang nasa labas ng pintong iyon pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng lalaki.

Sa dalawang magkasunod na araw na pagbisi-bisita niya kay Tita Abegail nalaman niya na sa condo unit sa Cebu na pagmamay ari ng pamilya tumutuloy si Ali. Cebu. Panglao. Pinaglalapit talaga sila ng tadhana. Ang kulang na lang sa kanila, usap. At 'yon ang sisiguraduhin niyang mangyari kaya ura-urada nagfile siya ng ilang araw na leave of absence sa trabaho.

Mahigit dalawang linggo na lang bago ang kasal ni Erin. Kailangan niya itong makumbinsi sa plano niyang bargain. Kanina pa siya nagdududa kung patutuluyin siya ni Alissandro. Baka nga galit na galit pa ito sa kanya ngayon.

Suot pa naman niya ang paborito niyang wedge sandals kaya nag uumpisa na namang mamintog ang soft muscles niya sa binti at hita. Whole body tight black sleeveless dress iyon na above the knee ang haba at nasa harapan ang zipper.

Mula Airport dumeretso siya sa DM condotel. Maswerteng naroon ang binata ayon sa receptionist na nag assist sa kanya. Maliban sa kadahilanang gusto niyang makatipid, kailangan niya ring makumbinsi si Ali na sa condo nito siya patuluyin para mas maging kapani-paniwala ang tungkol sa pagpapanggap nilang mag live in partner.

Inulit ni Rona ang pagkatok at pagba buzzer. Sisinghalan niya talaga ang lalaki oras na pagbuksan siya nito. Pero kulang na lang magback flip ang puso niya nang sa wakas ay bumukas ang pinto ng unit at iluwa niyon si Alissandro.

"H-hi.." Kandautal na bati niya.

Nakalong sleeves white polo at black slacks ang lalaki. Pares ng kulay puting sneakers ang sapin nito sa paa at may suot itong eyeglasses. Sa kaliwang kamay ay bitbit nito ang isang brief case habang susi naman ang sa kabila. Pogi pa rin kahit mukhang tumanda ito ng ilang taon dahil sa suot na salamin sa mata.

Wala siyang kahit anong emosyong nababasa sa mga mata ni Ali, ganunpaman hindi maiwasang magrigodon ng puso niya nang bumaba pa ang mga mata nito mula sa mukha niya patungo sa katawan niya, pagkatapos ibinalik nito uli ang tingin sa mga mata niya.

Ngumiti si Rona.

"What brought you here?" tanong nito sa malamig na tinig.

"Kalalapag lang ng eroplano ko.."

Bahagyang sinulyapan ni Alissandro ang maleta sa tabi niya. "Come back next time, Angel. May importante akong pupuntahan."

"Ha? Saan ka pupunta?"

Nataranta siya nang humakbang palabas ng pinto ang binata. Dinig niya ang pagclick ng inilock nitong seradura. Hatak hatak ang handle ng maleta niya, napasunod si Rona sa malalaking mga hakbang nito.

Huminto sila sa tapat ng elevator pero hindi siya nito sinagot.

"Hanggang ngayon galit ka pa rin sa 'kin?"

Namulsa si Ali, bumuntong hininga pagkatapos ay hinarap siya. Natigilan si Rona. Bakit ang lungkot ng awra ng binata?

"Kung wala ka namang importanteng business dito, Angel, I beg you, bumalik ka sa Maynila. Puntahan mo ang Mama kung wala kang magawa."

Hindi nagawang sumagot ni Rona. Ni hindi niya nagawang pigilan ang binata nang sumakay ito sa nagbukas na pinto ng elevator at iwan siya. Dahil ba sa ginawa niyang eksena sa resto nong isang araw kaya parang pasan nito ang mundo? O dahil sa pagkawala ni Leandro? Malamang si Leandro nga.

Hindi kasi niya gustong maniwala na ganoon kalaki ang impact ng ginawa niya sa kainan noong isang linggo. Pero kung siya nga, dapat ba siyang makonsensya? Tama ba si Manang Remy? Kailangan niyang magpakumbaba at humingi dito ng sorry?

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Where stories live. Discover now