Prologue

31.7K 867 1K
                                    

Alissandro took a deep breath bago siya tuluyang pumasok sa theater room kung saan naroon ang pakay. Nakita niya agad ang dalagitang kampante sa pagkakaupo sa couch habang mag isang nanonood ng anime sa malaking flat screen tv. Parang wala lang itong ginawang hindi maganda sa labas kanina lang.

Narinig niya ang malakas na ungol ng protestang kumawala sa bibig nito nang i-off niya ang TV. Nilingon siya nito, masama ang tingin sa kanya. Gustong mapabuntong hininga ni Ali. Sa liit ni Angel Joy hindi niya alam kung saan ito humuhugot ng tapang at lakas ng loob.

Padabog itong umahon sa kinauupuan. Inagaw sa kanya ang remote control na maaga niyang iniiwas.

"Ano ba'ng problema mo?" asik nito sa kanya. Punong puno ng iritasyon ang tono.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?" sa pilit na hinahong tinig ay balik tanong niya dito. "Itinulak mo sa swimming pool si Monica kanina. Ano bang problema mo sa kanya?"

Hindi na siya na - surpresa nang tumikwas ang kilay ng dalagita. Umangang ang isang gilid ng bibig nito. Sa mahigit apat na buwang pananatili ni Angel Joy sa Mansyon kabisado niya na ang kahit maliliit na kilos, kibot at ekspresyon ng mukha nito.

Si Angel Joy lang ang nag iisang babaeng nakita niyang binabagayan ng ngisi. She was the orphan her mother, Abegail De Marco took in. Balak pag aralin ng mga magulang sa susunod na pasukan ang labing pitong taong gulang na dalagita. Palibhasa walang anak na babae, mabilis nakagaanan ng loob ni Abegail at ng Papa niyang si Daniel ang ampon.

Naaalala pa ni Ali ang ekspresyon sa mukha ng dalagita nang unang beses itong dalhin ng Mama niya sa bahay nila. Mangha nitong inililibot ang tingin sa loob ng kabahayan na parang iyon pa lang ang pinakamagandang tahanang nakita nito.

His heart went out to her. Kahit paano ay may alam siya sa background nito bago ito iniuwi ng Mama niya sa Mansyon. Nakasuot ito ng kupasin at punit punit na maong na pantalon. T-shirt ang pang itaas na bagaman mukhang bago ay mumurahin. Pares ng sneakers naman na nag aagaw na sa pagiging puti at abo ang kulay ang sapin nito sa mga paa. Natitiyak ni Ali na ang sapatos na suot, maluwang pa sa mga paa nito.

Her hair was tied up at sintas ng sapatos ang gamit nitong pantali. She managed to look pretty despite the outfit. Even prettier kaysa sa photograph na ipinadala ng Mama niya sa messenger para ipaalam sa kanya ang desisyong ampunin si Angel.

Her name fits her angelic face, Ali thought when he first saw her. Maliit at maamo ang mukha nito, matangos ang maliit na ilong, bilugan ang abuhin at magaganda nitong mga mata na napapaligiran na makapal at mahahabang pilik. Hugis puso ang pinkish na mga labi, na siyang best asset nito para kay Ali.

Nalaman niyang half german ang biological father ng dalagita samantalang tubong Samar naman ang Inang si Heidi. Naghiwalay ang dalawa bago pa man ipanganak si Angel. Dahil sa babae. Umpisa nang maipanganak kay Angel na nabubunton ang lahat ng frustration ng Ina. Trese anyos na si Angel nang makapag asawang muli si Heidi. Ang alam ni Ali, Hans ang pangalan ng lalaki at hindi maganda ang trato nito sa step-daughter.

Two years later, sumakabilang buhay si Heidi. Aneurysm ang naging sanhi ng maagang pagkawala nito. May anim na buwan pa lang naililibing si Heidi ay nag uwi na ng babae sa bahay si Hans. Hindi rin naging maganda ang pakikitungo ng babaeng iyon sa dalagita.

Mula sa poder ng amain at bagong pamilya nito ay naglayas si Angel. May ilang araw itong nagpalaboy laboy sa kalsada sa edad na kinse hanggang makapagtrabaho ito bilang tindera ng gulay sa palengke. Nakilala ito ng Mama niya may anim na buwan ang nakakaraan. Dalawang buwan lang ang nakakalipas, nagdesisyon ang Mama niya na iuwi ang dalagita.

She was the modern cinderella everybody was talking about. At first Ali thought of that, too. Kung hindi lang sana unti unting lumalabas ang nakatagong sungay nito. No'ng nakaraang buwan lang, ang best friend na si Marco ang pinagtrip-an nito. Pinilit siya ng Mama at Papa niya na isama si Angel sa dalawang araw na camping sa Batangas kasama ang kasintahan at mga kaibigan.

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon