Chapter Two - Edited

22.6K 688 526
                                    

"Miss, kanina patayo nandito sa tapat ng De Mar Building, hindi ka pa bababa?" halata ang inip sa boses na nilingon si Rona ng driver ng taxi na sinakyan niya. Pangalawang ulit na siya nitong pinaalalahanang bumaba na.

Sa huling beses ay sinulyapan ni Ronalyn ang sarili sa hawak niyang compact mirror. Nang makontento sa ayos ay walang pagmamadaling umibis siya sa taxi. Mandarin collared ang kulay pulang satin dress na suot niya. Hindi halos umabot ang haba niyon sa tuhod niya. Cheongsam Qipao Dress daw ang tawag doon ayon sa tindera sa Baclaran na napagbilhan niya, ang Vintage traditional costume ng Chinese women sa China.

May tatlong iba ibang desinyo ng Piao agate anti negative charm bracelets siyang suot sa magkabilang mga kamay. Kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon at para saan, hindi na niya itinanong pa. Infinity designed ang suot niyang jade necklace na kapares ng suot niyang hikaw. Nag aply din siya ng make up at bahagyang pinasingkit ang mga mata para masigurong mahihirapan si Alissandro na makilala siya. Red matte lipstick ang ikinulay niya sa kanyang mga labi at itinali pataas ang mahaba niyang buhok.

Halo-halo ang nararamdaman niya. Pinaghalong excitement at kaba. Syempre, espesyal ang araw na iyon para kay Rona. Gusto niyang makita ang reaksyon ni Alissandro sa magdamag niyang pinagplanuhang pakikipagkita dito.

Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung ano ang totoong dahilan kung bakit ura-urada siyang nagdesisyong magparamdam uli sa lalaki pagkatapos ng limang taon. Naisip niya na lang, wala namang masamang sumilip. Curious siya kung ano na ang naging buhay ng mga De Marco pagkatapos niyang umalis.

Kung tutuusin puwede niya namang i-google ang tungkol sa mga De Marco. Pero hindi masasagot ng google ang mga tanong kagaya ng mga tanong na ito.. Una, naapektuhan ba ang mga ito kahit papaano nang mawala siya? Did Alissandro regret sending her away? Hinanap man lang ba siya nito? Mga ganon.

Marami pang mga tanong na alam niyang hindi masasagot sa loob ng isa o dalawang oras lang. Pero okay lang. Gusto niya lang talagang i-satisfy ang curiousity niya. Plano niyang magpanggap na feng shui consultant at alukin si Ali ng libreng tarot reading. Halos may ideya naman siya kung paano ang pagfu feng shui. Napapanood niya sa TV ang interview ng mga Feng Shui Practioner tuwing bago mag Chinese New Year.

Kagabi niya pa napag isipan kung ano ang mga kunwaring predictions kay Ali. Unang una, sasabihin niyang hindi advisable para sa taon na iyon ang pagpapakasal. Na hindi compatible ang mga horses, ang chinese zodiac sign ni Ali sa zodiac sign ni Monica.

Naisip niya na kagabi kung paano kung maniwala nga ang lalaki? Paano kung hindi nga matuloy ang kasal ng mga ito? Kakayanin niya ba ang guilt kung magkasira ng tuluyan ang dalawa dahil sa maling predictions niya? Bakit naman siya magi guilty? Gabay lang naman ang sasabihin niya. Si Alissandro pa rin ang magdedesisyon kung paniniwalaan siya.

Humakbang si Rona papasok sa loob ng DM Building. Nagpipigil ng sumipol ang gwardyang nakapwesto sa entrance nang makita siya. Kahit naman kasi traditional chinese ang suot niya, bumagay iyon sa maputi niyang balat, pati ang hubog ng katawan niya higit na na-emphasize.

Sinulyapan ni Rona ang gwardya. Pumormal ang mokong nang tingnan niya ng masama. Padarag na dinampot ni Ronalyn ang bag niya na iniluwa ng x-ray machine at saka nagmartsa patungo sa lobby. Hindi iyon ang first time na makatuntong si Rona sa 28 story high building na 'yon. Isang beses sa loob ng nakalipas na limang taon, natukso siyang lunukin ang hiya para magmakaawa na tanggapin siya uli ng pamilyang unang kumupkop sa kanya.

Pero tuwing naaalala ni Rona ang galit na mukha ni Alissandro habang pinagtatabuyan siya nito nagbabago ang isip niya. Naiisip niya agad si Monica. Surprisingly, tumatapang siya bigla. Nakakalimutan niya ang hirap sa pagtatrabaho sa karenderya, ang lungkot dahil wala siyang matawag na pamilya.

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Where stories live. Discover now