Chapter Four - Edited

19.6K 726 1.2K
                                    

Dalawang linggo ang matuling lumipas. Sinikap ni Ronalyn na bumalik sa dating buhay at huwag isipin ang nangyaring pakikipagkita niya kay Alissandro. Sa tingin niya hindi nage effort ang binata para ipahanap siya kagaya ng pangamba niya noong una.

Napatunayan niyang bluff lang nito ang tungkol sa kagustuhan nitong pabalikin siya sa Mansyon. Ngayon siya mas naniniwala na wala itong kabalak balak na ipaalam sa mga magulang nito ang tungkol sa pagpapakita niya.

Bakit nga naman nito sasabihin sa mga magulang ang tungkol sa kanya? He wants her out of their lives na parang makulit na lisa. Ano na nga ba ang tawag ni Ali sa kanya noon? Ah, halimaw. Tiyak na hindi papayag ang lalaki na kanlungin uli ng Mama at Papa nito ang isang tulad niya.

Pasakay na si Ronalyn sa taxi nang tumunog ang cellphone niya. Si Mel ang tumatawag. Dumating ang babae mula sa Singapore noong isang araw. Excited siya. Pagkatapos kasi ng dalawang taon, muli silang magkikita.

May usapan silang magkikita sa isang restaurant ng araw na iyon. Matapos niyang matanggap ang tawag ng kaibigan doon na siya dumeretso mula sa trabaho. Saglit lang huminto na ang jeep sa tapat ng restaurant na iyon sa Ortigas. Inilibot ni Ronalyn ang tingin sa loob ng kainan nang makapasok.

Umasim ang mukha niya nang makita kung sino ang kasama ni Mel sa pang animang lamesa. Ang dating roommate nila na si Erin at ang boyfriend nitong si Sid.

Kung alam lang niya na kasama ni Mel ang dalawa, kahit anino niya magdadalawang isip siyang ipakita. Napilitan siyang humakbang palapit sa mga ito. Muntik na siyang matisod sa matabang wire na nakahilata sa sahig ng kainan.

"Sorry, Ma'am." anang lalaking may suot na malaking ID. Malamang ay cameraman kung ang porma nito ang pagbabasehan. Sininop nito ang wire.

Nasilip ni Rona ang ilan pang kilalang reporters sa entertainment news sa loob ng private room na gawa sa salamin ang dingding. May artista marahil na parating kaya nagkakagulo na naman ang mga reporters.

Nagtuloy tuloy si Rona sa paglapit sa tatlong sadya. Si Mel ang nagpakilala sa kanya kay Erin. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Bente anyos siya noon at focus sa pagbabanat ng buto habang nasa huling taon naman pareho ang dalawa sa kolehiyo.

Sa kanilang tatlo, si Erin ang pinaka may kaya, ito rin ang pinaka childish. Businessman ang Tatay nito at abroad ang Ina. Mel was funny and friendly while Erin was tactless and bitchy.

Okay naman sila ni Erin kahit papaano noon, civil sila sa isa't isa kahit hindi lang iisang beses niya itong nahuli na tinitingnan siya ng masama.

Naging madalas pa iyon nang makilala nila si Sid. Ang lalaking hindi naman kamukha ni John Lloyd Cruz pero ipaglalaban ni Erin ng patayan.

Niligawan siya ni Sid pero alam niyang may gusto si Erin sa binata. She wasn't attracted to Sid romantically, anyway at wala pa siyang planong magboyfriend kaya nagdesisyon siyang patigilan ito sa pag akyat ng ligaw.

But then he saw him with Erin, the same day she rejected him. Sa inuupahan pa nilang kwarto mismo noon. They weren't just talking, they were kissing and touching at kung hindi siya dumating who knows kung saan pa aabot ang lingkisan.

Not that she cares. Nahalayan lang siya. Sino ba namang hindi eh first time niyang makasaksi ng ganoon, live pa. But Erin got the wrong idea. Nagseselos siya, iyon ang ipinagkakalat nito sa ibang mga nangungupahan sa apartment nila.

Dahil maiksi ang pasensya, ilang tenant rin ang pinatulan niya nang mahuli niyang pinag uusapan siya. Pero hindi nagtagal ipinagkibit balikat niya na lang. Bakit naman siya maiinis eh wala naman siyang gusto kay Sid?

Umpisa noon, umiwas na siya kay Erin at ganoon din kay Sid. Kahit madalas pino-provoke siya ni Erin, ni minsan hindi siya pumatol sa babae para sa kaibigang si Mel. Kahit palaging nakikipagkumpitensya ang una at palaging naghahamon ng awrahan sa kanya.

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Where stories live. Discover now