Chapter One - Edited

26.4K 713 1.3K
                                    

"Ang hot din naman talaga ng business man na ito o!" matinis ang tinig ng babaeng nagsalita. May hawig ang boses nito sa isa sa mga paboritong artista ni Rona, si Kim Chiu.

Kasunod niyon ay ang kinikilig na pag ayon ng isa pang babaeng kasama nito. "Alissandro De Marco, millionaire at twenty six. Ay, grabe, ang ganda ng katawan, bes!"

Umismid si Ronalyn sa binanggit na pangalan. Ganunpaman, hindi siya nag abalang mag angat ng tingin mula sa pagbubukas niya sa naka styro na pancit - bihon. Nasa loob siya ng isang fastfood chain ng mall kung saan siya nagtatrabaho bilang call center agent.

May dalawang taon na simula nang matanggap siya roon. Ang matalik na kaibigan niya na si Mel na noo'y mag iisang taon nang naka assign sa Singapore ang tumulong sa kanyang makapasok. Mel was the sister Rona never had. Unang araw pa lang silang mag-boardmates ay panay na ang ngiti at pagkausap nito sa kanya – na madalas niyang dine deadma. Unlike Mel, hindi siya friendly. Pero isang araw natagpuan niya na lang ang sarili niyang nakikipagkwentuhan sa babae.

"Ang pogi niya, bes oh."

Umirap si Rona. Ano bang mayroon ang Alissandro na 'yon para pagkaguluhan ng mga kiring babaeng ito?

"Aww sad, ikakasal pala siya dapat sa babaeng ito.."

Nag angat ng tingin si Rona. Binitawan niya ang hawak na plastik na tinidor. Gustong pigilin ang sarili pero awtomatikong napaahon siya sa kinauupuan nang marinig ang salitang ikakasal. Nabuhay ang curiousity sa katawan niya na halos limang taon din niyang pinilit ipahinga. Nakakunot ang noong nilapitan niya ang dalawang babaeng nakapuwesto sa bandang likuran niya.

Sumilip si Rona sa binabasa ng dalawa. Nasa cover nga ang litrato ni Alissandro at featured ito as one of the youngest and hottest businessman ng magazine na iyon. Ang gwapo gwapo ng demonyito kahit walang kangiti ngiti ang mamula mulang mga labi nito sa litrato.

Si Monica Gabriel, ang tinik sa flat na dibdib niya noon ang kahawak kamay ng lalaki sa sumunod na pahina. Numipis ang nakatikom na mga labi ni Rona. So, mag on pa rin pala ang dalawa. At ikakasal na. Walang pasabing hinablot niya ang magazine sa dalawang babaeng dikit na dikit na nagbabasa.

"Miss, excuse me ha? Magazine ko 'yan." iritableng sabi ng babaeng kaboses ni Kim Chiu na nagulat sa ginawa niya.

Pero ni hindi niya ito pinansin. Binuklat niya ang magazine at mabilis na binasa ang article tungkol sa dalawa. Ang babaeng sumira sa pangarap niyang magkaroon ng magandang buhay pakakasalan ng anak ng isa sa pinakakilala at pinakamayamang negosyante sa bansa?

Napailing si Rona. Natutok ang mga mata niya sa litrato ni Alissandro. Sa nakalipas na limang taon walang dudang hindi humulas ang kagwapuhan nito, ang problema tanga pa rin ito. Hindi marunong tumingin at bumasa ng pagkatao ng isang tao.

"Miss?" inip na anang kasama ni 'Kim Chiu'

Matagal na rin pala simula nang huli niyang makita ang mga De Marco, naisip ni Rona. Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Ngayon, ikakasal na ang bunsong anak ng pamilya.

Limang taon. Sa loob ng mga taon na 'yon puro hirap ang dinanas niya makasurvive lang. Nawala sa mga kamay niya ang pagkakataong mabago ang buhay niya dahil kay Monica. Dati madalas niyang isisi sa babae kung bakit kasing gaspang ng steel brush ang mga palad niya. At kung bakit talo naman ng haba ng traffic sa EDSA ng dami ng pinggang hinugasan niya noon kapalit ng libreng pagkain at matutuluyan. Kay Monica niya din sinisisi noon kung bakit hanggang sakong ang pagsa sag ng eyebags niya dahil sa puyat.

Sa hirap ng buhay, ilang beses rin namang pinlano ni Rona na bumalik sa mga De Marco noon. Pero hindi niya gustong umuwi sa Mansyon ng wala pang maipagmamalaki at napapatunayan. Hindi niya gusto na sa pangalawang pagkakataon, kaawan na naman siya ng mag asawang Abegail at Daniel De Marco. Pride na nga lang ang mayroon siya, isusuko niya pa ba?

Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love (Preview)Where stories live. Discover now