Chapter 2

97 46 18
                                    

Chapter 2: ONZE THE MAFIA LORD

Kasalukuyang dumiretso sa headquarters nila si Onze upang ibigay ang ninakaw nitong suitcase sa isa sa mga naging kliyente nila.

"Onze I mean boss musta mission mo?" Salubong ng isang lalaki sa kakarating lang nilang boss.

Imbis na sumagot ang kaibigan slash boss nila umupo lang ito at inihagis sa kaibigan ang suitcase na dala nito dahil kahit hindi nito sabihin alam naman nilang kaibigan na talaga ang turing sa kanila nito. Pagkatapos nitong ibato, mabilis naman itong nasalo ng ni Keagan ang mafia reaper sa kanila.

"Woahhh ito na ba yung Bloody Bullet?" Tukoy nito sa laman ng suitcase.

Hindi naman ito sinagot ng kanilang boss pero sapat na iyon para malaman nila na oo ang sagot nito, ika nga nila Silence means Yes. Siguro nagtataka kayo kung bakit kumikilos ang boss nila imbes na maupo nalang si Onze kasi ang tipong mafia boss na tago ang identity I mean akala ng lahat isa lamang siya sa mga tauhan ngunit di nila alam na ito talaga  ang tumatayong mafia boss.

"Teka bakit parang ang tahimik mo ngayon boss? Naka-drugs ka ba?" Tanong nito. Habang kinakalikot ang Bloody Bullet. Ang Bloody Bullet ay dapat bibilhin nila sa kanilang kliyente. Ngunit dahil nga sa galing ni Onze natunugan nito na balak pala ng kliyente nila na ibigay ang fake nito sa kanila, kaya naman inunahan niya na ang mga ito. Ninakaw niya ang totoong Bloody Bullet at balak sanang bigyan ng magandang warning ang mga tauhan ng kliyente, ngunit may nangielam sa kaniya. Pakilamera tch.

"Tsk"

"Uyy babae ba yan boss ikaw boss hah!" Tudyo nito sa kaibigan. Habang sinusundot pa nito ang kaniyang tagiliran.

"SHUT THE FUCK UP KEAGAN!" Matigas na saad ni Onze sa mafia reaper na si Keagan. Mainit nga talaga ang ulo nito. Sa lahat kasi ng bagay gusto nito malinis ang pagkakagawa lalo na't  ito'y perfectionist ayaw niya ng may sumasablay. Nagkataon pa na ang bloody bullet ay importante talaga at sa hindi inaasahang pagkakataon may nakakita sa kaniya at nagawa pang mangielam at maglaro ng hephep hooray.

Samantala lubos naman ang pagtataka ni keagan dahil hindi naman ganun ang kanilang boss. Madalas kasi itong kalamado at sa nakikita niya kasi ngayon mukha itong galit na galit at ang kanilang boss ay bihirang magpakita ng emosyon. Dahil dito napagtanto ni keagan na hindi nga maganda ang nangyari sa misyon nito ngayon.

"Shit how dare her to interfere on my mission" Galit na bulong ni Onze sa sarili ngunit hindi naman ito nakaligtas sa tainga ni keagan.

"So its SHE" Saad ni keagan na may malapad na ngisi sa mukha.

"Damn just shut up keagan!" Naiinis na talagang saad ni Onze.

Magsasalita pa sana si keagan ng matalim siyang tinitigan ni Onze at sinabi ang salitang

" I want you to find all the information regarding the girl who has a red hair who work as a janitress in Witty Department store" Wala ng nagawa si keagan kundi sumagot ng "yes boss" at umalis na lamang ito dahil mukhang hindi talaga maganda ang mood ng boss nila kaya nagdesisyon na lamang siya na ang iba nalang na kaibigan ang guluhin. Kapag kasi mainit ang ulo ng boss nila masama ang makipaglaro rito dahil nagbubuga talaga ito ng apoy... Na hindi naman gustong maranasan ni keagan.

"Damn you woman, I will make you regret what you just did" Ayaw na ayaw talaga kasi ni Onze na pinapa-kailaman ang kaniyang mission. Lalo na siya ang mafia lord kaya dapat lahat ng galaw niya ay malinis.

*****

"Hayyys bayaran na naman pala ng renta, for sure pupunta na naman yung matandang yun rito." Gago kasing matanda yun parang baliw andami-daming naiisip na masama sa kaniya.

Playing With DeathWhere stories live. Discover now