CHAPTER 4

140 49 46
                                    

Chapter 4: INSINUATION

Recap

Hindi naman ito nagsalita pero narinig ko ang pagkasa nito ng baril tangina bawal yun eh....

TAKTE DAHIL LANG SA ILONG NIYANG BUMALUKTOT HANDA SIYANG PATAYIN AKO?! ABA TARANTADO NGA...

End ---

"Ano suko ka na ba?" Wika nito sa akin kasama ang maarte niyang pagtawa. tsk tanga ba to o talaga lang wala itong utak?

"Suko? Nagkakalimutan yata tayo" Sagot ko rito habang inaalam kung saan siya naka-pwesto dahil nga nakikipag-usap ako sa kaniya. Nahihirapan akong ma-identify ang presenisya niya. Gagang to pinapahirapan pa ako.

"Ohh I'm so flattering" Antanga talaga nito. Flatterring daw Wahahaha

"Antanga mo naman inamin mong flat ka, di ko na nga pinag-sasabi sa iba eh!" Sigaw ko rito at dahil nga mukhang napikon siya sa sinabi ko. Naramdaman ko na ang masamang presensiya na nanggaling sa kaniya. Wrong move! *Grinned*

Pinaputok nito ang dala-dala niyang baril ngunit nag-slide lamang ako para hindi matamaan ng bala. Habang naka-slide ako ginamit ko ang kaliwang paa ko para sipain siya kaya naman ito ay natumba at nabitawan ang baril.

Kinuha ko naman ang chance na iyon upang lumapit sa kaniya pero bigla niya ring hinapit at hinila ang dalawang paa ko upang ito ang maging dahilan upang ako ay matumba. Mabilis naman niyang kinuha ang kaniyang baril at inupuan ako sa may tiyan upang hindi ako makagalaw. At mabilis na tinututok ang kaniyang baril sa aking noo. SINONG TINAKOT NITO TSK.

"Tangina mo! Tinaguriang Queen Bee ng Kingston High barok mag-english" Pang-asar ko pa rito. Aba baril lang yang hawak niya, ano bang dapat kong katakutan siya o yung baril niya. Siyempre wala kasi mas takot ako sa sarili ko kung ano ang aking maaring gawin sa kaniya.

"MANAHIMIK KANG BABAE KA!" Saway nito sa akin.

"BE ALERT" wika ko rito kasabay ng pagtuhod ko sa ulo nito. Hindi naman iyon masyadong malakas dahil nga kulang pa ang pwersa ko dahil nga nakaupo siya sa may tiyan ko.

Pero sapat na iyon para maalog ng ka-unti ang ulo niya. Bigla na lamang niya pina-putok ang hawak niyang baril, ngunit mukhang hilo pa siya kaya naman na-daplisan lamang ako sa aking mukha. AYYYY SHETE SINABI NANG WAG ANG MUKHA KO EH.

Mabilis ko namang kinuha ang kunai na nakuha ko kanina at itinusok ito sa kaniyang hita at mabilis ito itinulak. Pagkatapos kina-babawan ko naman ito at kinuha ang baril niya. At Itinutok ko ito sa kaniyang sintido.

"I told you to BE ALERT" pinag-diinan ko muli ang salitang BE ALERT. Mukha namang natakot siya kaya sinundan ko pa ang sinabi ko.

"Any last words" Leche ang bait ko talaga tingnan mo very considerate ako... At least bago siya mamatay may huling salita naman siya.

"Please m-maawa k-ka" pagmamakaawa nito sa akin.. Poor lady hayys

"Sigurado ka bang iyan na ang huling salita mo bago magpaalam sa mundong ito?" Aba kung ako iyon baka ang sinabi ko penge muna ng Bubble gum. hehehe

Idiniin ko pa ang baril sa sintido niya kaya naramdaman ko naman ang mga luha nito na umaagos sa kaniyang mga mata. Hayyss What a Crying Baby pagkatapos akong labanan iiyakan lang ako. Nasan na ang hustisya?

"I-im s-sorry" hingi pa ng tawad nito. Alam ko namang matinong babae ito at ako ang dahilan upang mapunta siya sa ganitong lugar. At dahil doon nakaramdam ako ng kaunting konsensya unti lang naman.

"Siguro naman marunong kang magbilang...Bilang ka nga ng 1-5 sa tagalog bago natin wakasan yang lintek mong buhay!" sana naman marunong siyang magbilang o baka kailangan ko pang turuan?

Playing With DeathWhere stories live. Discover now