CHAPTER 3

137 53 81
                                    

CHAPTER 3: DEAD OF NIGHT

Pagkaparada ko pa lang ng aking motor sa labas ng DON Club O kilala rin sa tawag na Dead of Night. Hindi ito basta bastang club lang. Sa loob nito makikita mo ang tinatago nito.

By the way kahit nasa labas pa lang ako ng club sinalubong na kaagad ako ng mga pinaghalong amoy ng alak at ang malakas na sigawan at tugtog sa loob nito.

Bago ako pumasok sa loob sinuot ko muna ang maskara ko na may nakalagay na Whistler sa gitna...

Pagkalagay ko nito agad na rin akong pumasok upang hanapin ang aking pakay, si Rio.

"Rio!" Sigaw ko ng makita ito sa kumpulan ng mga babae. Landi talaga ng gago kala mo naman papatulan siya ng mga babaeng iyon. Pe-perahan lang naman siya tsk.

"Musta na Whistler" bati nito sa akin gamit ang code name kong Whistler sa larong Dead of Night. Bakit Whistler dahil trip ko lang, Antanga ko naman kung nag-iisip pa ako joke lang ako kasi ang lagging nagtatapos ng laban at ang hudyat na natalo mo na ang iyong kalaban ay ang isang mahabang whistle.

So ang Dead of Night ay isang laro kung saan maglalaban ang dalawang tao, may mga magpu-pustahan sa inyo. Kapag ikaw ang nanalo sa labanang ito ang kalahati ng pusta ay mapupunta sa iyo. Well, Hindi mo naman dapat patayin yung kalaban mo as long na mapa-tulog mo siya panalo ka na. Kaya lang hindi pa rin natin maiiwasan ang magpatayan sa loob gusto nila yun Edi pagbigyan na.

Ipapasok kasi kayo sa isang room kung saan walang mga kagamitan. Naka-lock rin ang pinto at bubukas lamang ito kapag napatay o napatulog mo na ang iyong kalaban.

Mukhang nagsisimula na nga ang Dead of Night...tch

"May laban pa ba?" Tanong ko rito na kasalukuyang nakatingin sa malaking screen kung saan makikita mo ang dalawang babaeng naglalaban. Tch mga weak...

"Yup meron kung sino manalo diyan yun ang makakalaban mo!" Malakas na pagkakasabi nito umiingay na rin kasi ang mga tao. Ang iba ay humihiyaw kapag nasusuntok ang pambato nila. Ang ibang tarantado naman tahimik lang na nanunuod pero mas marami pa rin talaga ang mga sumisigaw.

"TANGINA! ang hina niyan wala bang iba?" Tanong ko rito este reklamo ko dito. Aba dapat lang may atraso pa kasi to sa akin.

"Arte mo wala na..." Kung di lang ako mabait matagal ko ng pinatay. Well naisip ko lang mawawalan pala ako ng trabaho pag-tinigok ko toh. Hayyyss pero Sayang talaga.

"Geh pag-tiyagaan na ang mga Gaga" Ano ba yan kala ko naman may malakas akong kalaban ngayon. Eh Leche isang suntok ko lang yata diyan tulog na yang mga yan.

Umalis na si Rio at nagsabi na tatawagin niya nalang daw ako. Pag natapos na ang laban kaya naman umupo na lamang ako sa isang stool ruon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ko lang ang mga nangyayari sa paligid. Leche antagal matapos nang laban, Maka-idlip nga muna. Haysss

*After 10 minutes*

"SINO ANG GUSTO LUMABAN KAY ROCKY GIRL?" Rinig kong tanong ng announcer. Rocky Girl? Bantot ng pangalan pwe.

Binuksan ko na ang aking mata at nakita na wala na palang buhay yung babae na naka-red. Well, di rin naman pala ako mabo-bored nito. *Grinned*

Tumayo na ako at lumapit na kay Rio...

"Rio Tabachoy..." Tawag pansin ko kay taba, lumingon naman ito at umirap sa akin.

"Pumasok ka na" saad nito at sumenyas na buksan na ang pinto ng silid kung saan ako lalaban.

Nakita ko na ang mga lalaki na kinuha ang bangkay ng babae kanina, kaya naman dali dali na akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob na-welcome naman ako ng dilim sa loob ng silid. Ito ang thrill sa laro ng DON madilim sa loob kaya hindi mo makikita ang iyong magiging kalaban. Pero malinaw na nakikita naman kayo ng mga tao sa labas... Cuz of fucking Technology tch

Tahimik lang ang loob ng silid narinig ko na rin ang pag-lock sa pinto nito...

"Hoy Rocky Girl" Tawag ko sa magiging kalaban ko ngayon.

"Sa wakas nagkatapat rin tayo Zabella" wika nito at tumawa ng malakas. Pucha! Kilala ako ng Gaga, pero sa pagkaka-alam ko hindi ko ito kakilala.Buti nalang sound proof dito.

"Who are you?" Tangina napa-english tuloy ako baka kasi barahin pag tinanong kong Sino ka? Sasabihin di daw siya sinuka kasi inire daw siya ng nanay. Sarap sapukin kung sinong poncho pilato ang nagpauso ng walang kwenta na yun.

"Di mo na ba ako naalala?" Tanong nito sa akin

"LINTEK KUNG KILALA KITA SA TINGIN MO BA MAGTATANONG AKO!!!" Sigaw ko rito nakaka-bwisit pasalamat siya hindi ko siya nakikita. Baka matapos kaagad ang labanan kapag nangyari iyon.

"Whahaha chill ka lang" hindi na ako sumagot pinakiramdaman ko na lamang ang pwesto na kinaruruonan nito. Nang maramdaman ko ang presensiya niya sa aking likod, mabilis ko itong sinakal at itinaas sa ere. Lakas ko noh, who you tuloy siya sa akin.

"Again, Who are you?" wika ko rito gamit ang malamig kong boses.

"STTTTTOOOPPP I-I C-CA" Marahas ko itong binatawan kaya naman umaray ito, lumuhod naman ako at ng maramdaman ko na magkapantay na kami. Tinanong ko muli ito.

"Last Question, WHO ARE YOU?" malakas na sigaw ko rito.

Hindi naman ito sumagot ngunit naramdaman ko naman ang isang patalim na papalapit sa akin. Mabilis ko naman itong naiwasan dahil nga wala akong makita, Ipinikit ko nalang muli ang aking mata at nakiramdam lang sa susunod niyang gagawin.

Naramdaman ko na may paparating sa akin na tatlong kunai isa sa left, sa right at sa gitna. Tumambling ako patalikod at sinalo ko ang kunai na nasa kaliwa gamit ang aking kanang kamay. Sinipa ko naman ang dalawang kunai pataas at sinalo ito.

Tangina!!! sigaw ko sa isip na maramdaman ang isang kutsilyo sa aking kanang braso. SHIIT na malakas mauupakan ko talaga itong babaeng ito.

"Aray!" Daing ko nagkunwari ako na nasasaktan para muli ko siyang mahuli. Di naman ako nagkamali dahil ramdam ko ang kaniyang mga yabag na papalapit sa akin.

"Akala mo di ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin sa Kingston High" wika nito sa akin

"Tsk buhay ka pa pala Althea LotLot na Baluktot" Akalain mo yun ang anak ng principal ng school ko dati ay kaharap ko ngayon. Leche si Baluktot ang ilong hahaha

"DI NA BALUKTOT ANG ILONG KO!" Malakas na sigaw nito sa akin kaya naman nag-echo ang boses nito.

"AYY Defensive teh I mean LotLot Baluktot" pang-aasar ko rito. Well alam ko naman kung bakit ito galit na galit sa akin. Siya lang naman kasi ang Queen Bee ng Tanginang school na iyon, lahat ng gusto niya nakukuha niya. Ngunit dahil nga mapag-patol ako habang naglalakad siya pinatid ko ang paa niya kaya sumalpok siya sa semento. Ang masama pa bumaluktot ang ilong niyang retokado. Hahaha Epal kasi ang Gaga, lakas man-trip retokada naman pala.

"Arghhhh" Sigaw nito at nagsisipa at nagsusuntok sa ere.

"Sinong kinakalaban mo ateng?" nang-aasar kong tanong dito.

Hindi naman ito nagsalita pero narinig ko ang pagkasa nito ng baril tangina bawal yun eh....

TAKTE DAHIL LANG SA ILONG NIYANG BUMALUKTOT HANDA SIYANG PATAYIN AKO?! ABA TARANTADO NGA...

*****

Don't forget to Vote and Comment...Arigatou ^_^

Playing With DeathOù les histoires vivent. Découvrez maintenant