Chapter 50

21 11 0
                                    

Zayen's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto, hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa namin kaninang umaga. Namin talaga? parang inamin ko din na nagustuhan ko ang halik niya. "Ahh!!!" sigaw ko habang gumulong-gulong sa bed ko. Hindi ako makakatulog nito.

Ewan ko ba, Bakit uminit ang pisngi ko habang iniisip ko 'yung sinabi niya at 'yung mga ginawa niyang paghalik sa akin? Bakit parang gusto ko pa? Pwedeng isa pa? "ahhhh!!!" sigaw ko pa din. Pero, pigil ko lang.

Baka biglang pumasok si kambal or si kuya para tawagin akong kumain. Hindi pa din kasi ako lumalabas pagkatapos ng ginawa niya kanina. Ayaw ko munang makita dahil baka bigla na lang akong bumigay. Bumigay dahil sa kilig, dahil sa pula ng pisngi ko dahil ang init na nito.

Pinikit ko na lang ang mata ko habang yakap ko ang unan ko. Ang lambot yata ng unan ko ah? 'Yung unan  ba talaga ang malambot or 'yung labi niya? Uminit na naman ang pisngi ko. Ano ba tama na heart ni Cars?

******

"Zayen.."

"Zayen.."

Sino 'yung tumatawag sa akin? Kaboses 'yun ni Cars. Baka si Carline lang? "Zayen.." sambit niya pa ulit.

"Sino ka?" tanong ko sa tinig ng babae. Bakit ba ang dilim dito? Saan ba ako? "Sino ka?" tanong ko pa ulit sa mediyo malakas ba boses.

"Zayen.. Lumabas ka muna, halika dito.. Samahan mo ako." sabi ng isang boses. Kaya kinakapa ko ang paligid ko. Baka kasi, may mabangga ako sa sobrang dilim.

"Hindi kita makita.. Sino ka ba?"

"Zayen, buksan mo ang puso mo para malaman mo kung nasaan ako." Sabi niya. "Malapit kana sa akin." sabi niya.

"Hindi kita makita."

"Gamitin mo ang puso mo, para makita mo ako.. Kasi, lahat ng nakikita ng mata ay hindi totoo. Sabi nga nila to see is to believed. What if, hindi niya talaga ginawa 'yun? Napilitan lang siya?" sabi niya. Ang haba ng sinabi niya.

Habang kapa ako ng kapa sa pader ay may nakapa akong pinto. Pinihit ko 'yun at bumukas siya, may mga ilaw  na pero, hindi ganun kaliwanag. Ano 'to bakit may tubig? Hindi naman siya malalim. Sinundan ko boses, sumugod ako sa tubig. Tunnel ba 'to?

Kanina lang nasa kwartong madilim lang ako, pero, ngayon bakit nasa tunnel na ako? Papaano ba ako napadpad dito? "Zayen!!" sambit niya pa din.

"Nasaan ka ba?" tanong ko habang sinundan lang 'yung tunnel na may ilaw.

"Diretso ka lang, makikita mo na ako.  Malapit kana Zayen." sabi niya sa akin.

"Saan ka ba?" pero sinunod ko pa din siya. May nakita akong isang maliwanag na maliwanag na ilaw sa may dulo. Nagmadali akong pumunta duon at sumugod duon sa maliwanag na bahagi.

Napapikit ako sa dahil sa liwanag, ang sakit sa mata. "Nakarating ka." sabi niya sabay yakap sa akin. Napapikit pa din ako dahil sa silaw.  Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tiningnan siya. "Maligayang pagdating sa lugar ko."  sabi niya.

Napatulo ang luha ko sa mga nakita ko. Cars, ang mata niya kagaya pa din ng dati. Ang ganda niya  pa rin parang hindi siya tumanda. " Kumusta na ang Best friend ko?" tanong niya na may ngiti sa labi.

"Okay lang ako Cars, ikaw kumusta ka?" tumingin ako sa paligid. Ang ganda dito, maraming bulaklak. "Masaya ba dito? pwede ba akong dito tumira kasama mo?" tanong ko.

Ngumiti siya at umiling sa akin. "Bakit?" tanong ko.

"Bawal ka pa dito.. Marami ka pang mga bagay na dapat gawin duon."

"hah? hindi kita maintindihan?"

"next time na lang, Alangaan mo sila para sa akin hah?" sabi niya, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ang mga iyon. "Ang ganda mo talaga.. Nga pala sorry kasi, iyan lang ang naibigay ko sayo." sabay bitaw niya sa isang kamay at tinuro ang puso ko.

Mas lalo lumandas ang mga luha sa mga mata ko. "Huwag kang umiyak." sabi niya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga thumb niya.

"Ang bait mo talaga Best friend. Walang sinuman ang papalit sa'yo." sabi ko sa kaniya. Niyakap na naman niya ako.

"Ikaw din, walang papalit sa'yo." sabi niya habang yakap ako.

"Pwede ba akong mag-stay dito kahit saglit lang?"

"Oo naman.. pero, kapag sinabi ko na bumalik ka na, kailangan bumalik ka kaagad hah?" tumango ako.

Ang saya ko, nakasama ko ulit siya. Miss ko na siya. "Alam mo.. miss na miss na miss kita."

"Miss din kita.. Kung pwede lang na dito ka na lang tumira kasama ko." sabi niya.

"Pwede ba na dito na lang ako tumira simula ngayon?" tanong  ko.

"Hindi pwede ehh.." sagot niya agad. "Miss ko nga din si kuya Carl at si mama." sabi niya at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

Tiningnan ko ang mukha niya. May lungkot 'dun. "Salamat pala sa puso na binigay mo. Kung hindi dahil sa'yo wala na ako mundo." sabi ko. Mundo? nasa mundo pa ba ako ngayon? Basta sa ngayon masaya na ako na kasama ko si Cars.

"Alam mo? kahit hindi iyon nangyari Ibibigay ko pa din 'yan sa'yo. Kasi, mas kailangan mo 'yan, kesa sa akin."

"anong ibig mong sabihin."

"Diary ko, Hanapin mo ang diary ko at basahin mo. Pero, huwag kang iiyak hah?" sabi niya at rumihistro ang ngiti sa labi niya. Ngumiti na din ako sa kaniya.

"Dito muna ako hah?" sabi ko at tumango siya. Iginiya niya ako sa di kalayuan at may puno 'dun. Ang labong ng puno, berdeng mga dahon na ang ganda tingnan.

Kumiskislap sila dahil sa sikat ng araw. Pero, may isang treehouse sa taas nito. Maganda din. Ang presko ng hangin dito. "Malungkot ba dito dahil wala kang kasama?" ngumiti siya.

"Hindi.. May kasama ako dito, isang kaibigan ko din na lalaki." sabi niya.

"Saan na siya ngayon?" umupo siya sa may upuang kahoy sa tabi namin. Umupo na din ako. Tinuro niya ang isang maliit na bahay sa di kalayuan.. "Ang layo naman pala niya."

"Malapit lang 'yan. Halika samahan mo akong pumunta dun." sabi niya at ngumiti siya. "Ipapakilala kita sa kaniya." sabi niya. Hindi pa din natatanggal ang ngiti sa labi niya.

A/n: Sana magustuhan niyo ito.  Please vote and comments .. Thank you

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon