Chapter 21

38 16 0
                                    

Zayn's POV

Dumating na nga ang English festival. Pinaliwanag din sa akin ng mga kaklase ko na kapag English festival, English din ang gagamitin na salita. Whole week...  Nakita ko si kuya na dumaan kasama ang kakambal ko. Nagkakasayahan sila, nandito ako sa room ngayon. Mag-isa lang ako, walang kasama.

Kakapasok lang ng kaklase kung si Rey.  Tiningnan niya lang ako, hindi man lang bumati ng good morning. Ay, bastos nito ah? Sampalin kita diyan eh.. Iniwan niya lang ang bag niya sa upuan niya at umalis na ulit.

Baliw ba 'yun or ano? Total, hindi ko naman siya Kaibigan para saan pa? Kaya lumabas na din ako, Nang may tumawag sa akin. ..Tinig iyon ni Fert..  "Zayen.." tawag sa akin ni, Fert.. Ako? Hindi ako si Zayen.

Lumingon ako sa kaniya. " Ikaw pala." habang hinihingal siya sa pagtakbo.

"Ay,.. Sorry,.. you are not Zayen." sabi niya at lumingon siya sa gawi nila kuya. Wow ha.. Kilala mo agad ako?

"How did you know that I am not Zayen?"

Tinuro niya ang room ko. "Yan.." tumango na lang ako. "Okay.. Bye " sabi niya at tumalikod at umalis. Pinuntahan niya sina kuya at Zayen. Nagkukulitan na naman sila, sana one day. Ako ang nasa pwesto ni Zayen. Balang araw, matutupad din iyan. Gagawin ko ang lahat.. Matupad lang iyon, kahit ano pang ang mangyari.

Kahit pigilan pa ako ng kahit na sino? Ako ang magwawagi.. Magiging akin ka rin Fert.

******

Nandito ako sa bahay, walang pasok. Nakahiga lang ako, wala akong magawa. Gising na si Zayen, siguro nasa labas ang bruhildang iyon. Naka kainis yun, kahit kailan ayaw ko talaga sa kaniya.

Pinipilit ko na lang na maging mabait sa kaniya. Kasi, iyon ang kagustuhan nina mama at papa kaya, sumusunod lang ako sa mga gusto nila. Ang Hirap maging mabait sa taong ayaw mo talaga sa simula pa lang.

I hate her,  ay nako, makalabas na nga. Mediyo nagugutom ako eh. Kakain na lang ako mas mabuti pa, Nagsipilyo muna ako bago lumabas. Nang matapos ay binuksan ko pinto "Hah...." sigaw ko, dahil bumulaga si Zayen sa harap ko. "Kumatok ka nga." sigaw ko pa din..

"Zayn..ano yan?" sigaw ni mama sa akin.

"Si Zayen kasi, hindi kumatok, nagulat tuloy ako." sigaw ko sa kaniya.

"Sorry.." Sabi ni Zayen sa akin.

"Sorry ka diyan..Diyan ka nga." sabay tulak sa kaniya. Kainis. " Huwag kang paharang-harang.."

"Sorry.." sabi niya at pumasok na sa luob ng kwarto. Hindi ba siya magagalit dahil tinulak ko siya? Gaga talaga, mas lalo akong nagalit sa kaniya.

"Yen...Laro tayo." tawag ni kuya sa baba.

"Zarter. ..Alam mo naman na bawal siyang mapagod diba?" sigaw din ni mama.

"okay lang po mama." labas naman ni Zayen. Ako nasa baba na..

"Tara na.." sabi ni kuya Zarter sa kaniya. Umakyat ng hagdan si kuya Zarter si Zayen naman bumababa. Nagkasalubong sila sa gitna.  wow naman... Parang couple lang ang face.. Pag-untugin ko kaya para mahimasmasan saglit. Kinarga ni kuya si Zayen.

"Ayan...Para hindi ka mapagod." sabi niya kay Zayen. Sumunod naman si Zayen. Bahala na nga sila, wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa.

Pumunta ako sa kusina para kumain. Wala din naman akong gagawin? kaya kakain na lang ako mabuti pa. Kasi, iisipin ko pa si Fert. Ang gwapo niya talaga, bakit nagiging ganito ako kapag siya ang naiisip ko.

Pagkatapos ay nagligpit ako at lumabas ng bahay. Nakita ko sina kuya at Zayen kasama sina Fert at Fern. Wow ha.. Hindi man lang ako inimbitahan ng dalawa kung kapatid? Mapuntahan nga sila.

Habang naglalakad ako, may nakita akong bato. Sinipa-sipa  ko yun.. Nakatingin si Fert sa akin, kaya pinatid ko ng malakas ang bato at tumilapon ito sa malayo.. "Wow.. " sabi niya sa akin na may kasabay pang palakpak. "Halika.." sabay kaway pa sa akin.

Tumango ako, at agad na tumakbo. Nang may nakita ulit akong bato. Kaya, sinipa  ko ulit ng malakas. "Hala.. " sigaw ni Zayen ng makita ang bato.. "Kuya.." sigaw niya.

"Aray....." sigaw ni kuya, at agad na hinihimas ang ulo niya.. Ako naman, hindi makapagsalita at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Si kuya duguan na, tinulungan siya nina Fert at Fern. Si, Zayen naman sumisigaw at humihingi ng tulong.

May nakita silang motor at hiniram nila iyon sa may ari. Si Zayen tumatakbo pauwi sa bahay at nagsisigaw pa din ito. Si mama naman ay dali-daling tumakbo palapit sa kaniya... Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko.

Pero, pinilit kong gumalaw. Kaya ko ito, ako pa? Hindi ako susuko, Nang malagaw ko na ang katawan ko, sumigaw ako pero, walang boses na lumabas sa bibig ko. Nakita ko si Zayen na papalapit sa akin.

Zayen? Bakit? Hinawakan niya ako at niyakap. Biglang dumilim ang paningin ko. "Zayn... Zayn.. " tawag niya. Boses niya lang ang narinig ko.

******

Nagising ako, madilim ang buong paligid.. Kaya bumangon ako at kinapa ang pader. Hindi naman siguro ito panaginip hindi ba? Kinurot ko ang balat ko.. "Aray... " sigaw ko. Masakit. totoo nga ito..

Siguro nandito ako sa kwarto ngayon. Kaya bumaba agad ako sa kama at pinailaw ang kwarto. Nakita ko si Zayen na nakahiga sa kama ko.."Hoy.. Babae Ka., anong ginagawa mo sa kama ko." sigaw ko sa kaniya.

Kaya, napabalikwas siya ng bangon. Muntik pa siyang mahulog, tatawa sana ako nang, maalala ang nangyari kay kuya.. Parang tutulo ang luha ko, ako ang may kasalanan nun. Lumapit si Zayen sa akin. "Huwag kanang umiyak. Wala Ka naman kasalanan eh.." sabi niya sabay hawak sa mukha ko.

Bakit ba ang bait ng babaeng ito. Saan ba ito nagmana? "Don't worry., kuya is safe. " sabi niya. Tumango na lang ako at tinulak siya. Kapal  ng mukha para hawakan ako, "aray... " natumba siya sa ginawa kung pagtulak sa kaniya. Lumabas na lang ako ng kwarto.

Para saan pa? makakain na nga, total okay naman na si kuya. Kaya, okay lang na gumala ako, pero, nakita ko ang buong bahay ang dilim. Wala man lang bang nagpailaw ng mga ilaw?

Pambihira, buhay nga naman oh.. Wala na akong magagawa kaya pinailaw ko na lahat ang ilaw. Siguro, sina mama at papa nasa hospital pa ang mga iyon. Busy sa pag-aalaga kay kuya.. papansin ang kuya ko na iyon. Sarap sapakin. argh...hay nako. Gutom na ako, makakain na nga..

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon