Chapter 17

46 16 0
                                    

Zayen's POV

Gabing-gabi na, pero kanina pa ako naghihintay dito sa restaurant ng resort. Minsan talaga.. Mas mabilis pa akong kumilos sa mga taong 'yun. Dapat sila ang maghihintay sa babae. Baliktad na ngayon. Ako na ang maghihintay sa kanila.

Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko ngayon. "Ma'am .. May naisip na ba kayong iorder?" tanong ng isang waiter na kanina pa ako hinihintay sa mga oorderin ko. Nako naman.. Nakaharap ako sa menu, pero lahat masarap tingnan.  Pero.. masarap kaya ang pagkain? Baka masarap lang tingnan ito..

Marami pa namang Bawal sa akin, lalong-lalo na seafoods. Allergy pa naman ako duon, pero. Hindi lahat ng seafoods allergy ako. Sa Hipon at crab lang ako allergy.. Sa nga isda hindi naman. Pero.. Mas mahilig ako sa karneng manok at gulay e.. Paano 'to? " May putahi ba kayo na walang hipon or Crab?"

"Po? wala po e... Pero.. Kung gusto niyo? Ikaw mismo ang magluluto.."

"Magluluto sa sarili kong putahi?" tumango siya. "Ang saya 'nun.." ngumiti siya... Sabay turo sa ibang mga tao na naglalabas -masok isang silid.

"Duon ka po magluluto.." sabi niya sa akin. "Nanduon po lahat ng mga ingredients at kung ano pa?" tumango ako.. Ang saya 'nun.

Ako ang magluluto.. wow.. Kaya agad akong tumayo at pumunta duon. Hindi ko na tinext sina kuya at Fert. Hahanapin din naman nila ako e. Magluluto na ako..

Nang pagpasok ko, "Ma'am .. " sambit ng isang staff.. "Kanina pa po kayo dito. Pero, hindi pa kayo nakakaluto.."

"Hah? ano? Kakapasok ko lang e."

"Po? hindi po.. Kanina pa kayo dito.." pagpipilit niya..Okay mukhang may hindi tama dito a?

"Pero.. Kakapasok ko lang e.."

"Sige po.. Pasok na po." papasukin mo naman pala ako e.. Patatagalin mo pa.

"Zayen.." tawag ng isang lalaki. Teka. ..Kilala ko ang boses na iyon ah? Si William. kaya napayuko agad ako..  Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako? "Zayen.." hindi pa din ako lumilingon..

"William ." sambit ng isang babae. Teka.. boses iyon ni Zayn ah? "Miss mo agad ako.. Pumunta lang ako sa CR eh.." sabi ni Zayn sa kaniya..

So, nagpanggap siya na ako? Wow ha.. bigyan ng korona ang kapatid ko. Naka kainis..Pwede naman siyang magpakilala kung sino talaga siya?. Pero.. okay na yan.. Aalis na ako dito kesa, naman makita pa nila ako. Mabuking pa ako,.. ibig kong sabihin, Baka makita pa nila ako.

Kaya Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext na lang sila kuya at Fert. Bumalik na lang ako sa room ko. Mas maganda na magkulong muna ako. Papadeliver na lang ako ng pagkain..Kailangan hindi malaman ni Fert na nandito ang kambal ko. Hindi pa naman niya kilala kung sino ako at si Kambal. 

Matutulog muna ako. Mamaya ko na lang sila iisipin.

******

Zayn's POV

Nasa kwarto na ako.. Nakita ko ang mga bagahe ng kapatid ko. Ano?? Dito siya Matutulog? Magkatabi kami? Pero bakit? Bakit? Nakakainis naman oh.. Pambihira na buhay ito. Ayaw ko pa naman ng may  katabi ako sa paghiga. Nasanay na ako  lang mag-isa ang matutulog sa isang kama.

Ano ba yan? "Daddy... Daddy..." sigaw ko.

"Bakit?"

"Daddy... Bakit ganito?" sigaw ko pa din.

"Bakit anak?" sigaw din niya habang naririnig ko ang pagtakbo niya papunta sa hagdan. .."Oy.. Bakit?"

"Dad.. Magkatabi kami ni Zayen na Matutulog dito sa kama na ito?" tumango siya.. " Daddy....Naman eh.."

"Wala na kasing ibang kwarto.."

"Ano? Paano nangyari iyon? Ang laking bahay, pero.. kulang ang kwarto?"

"Anak... Intindihin mo muna ang sitwasiyon, pinapa-renovate pa kasi ang bahay na ito. Kaya magtiis ka muna na magkatabi kayo ng kakambal mo.."

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Wala naman diba? Total.. Temporary lang naman ito. Kaya ko na hindi siya pansinin." Sige po Dad.."

"Okay.. Salamat anak.." sabay halik niya sa noo ko. "Anong gusto mong ulam?"

"Kahit ano po..."

"Sige.. ipagluluto kita ng adobo.."

Ngumiti na ako..Paborito ko naman ang adobo. Sa katunayan... Gusto din iyon ni Zayen. Same lang kami.. Pero, hindi niya paborito.. Sadiyang Kumakain lang siya kahit na ano? Walang pili sa pagkain.

Ang ayaw lang niya ay seafoods. May allergy siya duon. Same kaming dalawa... Pero, ako naman sinabihan ako ni kuya na uminom muna ng anti-allergy na gamot. Kaya ayan, hindi masiyadong malala..

Si Zayen naman, hindi pwedeng uminom na lang basta ng gamot. Kasi, may sakit siya. Baka daw lumala ang sakit niya dahil sa mga gamot na iniinom niya. Maraming Bawal sa kaniya. Pero, kinakain niya pa din. Mga maaalat na pagkain, mga matatamis at mga matatabang pagkain.. Mga mamantikang pagkain..

Daming Bawal. At least ako walang Bawal, kasi wala naman akong sakit..Hindi katulad niya. Kapag napagod, magkakaruon agad ng lagnat.. Hay nako.. Kaya nga minsan tutok sina mama at papa sa kaniya. Pati na ang kapatid ko na lalaki. Nakakainis..

Siguro naman si Fert hindi din niya aagawin sa akin? Subukan lang niya, hindi ko siya mapapatawad.. Hay nako.. Makapagpahinga  na nga muna.

******

"Zayn...Zayn..." Tawag ni kuya at katok sa pinto. Ang lakas.. Ang sakit sa tenga. " Gising na.. Tanghali na.."

"Andiyan na po.." Pumunta muna ako sa banyo at nagsipilyo. Tiningnan ko ang sarili  ko. Okay naman... Naghilamos na din ako, pagkatapos..

"Bilisan mo.. Kakain na tayo.."

"Sige .. Mauna kana kuya.." sigaw ko..

"Baba ka agad.. pagkatapos mo diyan."

"Oo na.." Nakalabas na ako ng banyo. Hindi na ako nag-atubiling magbihis pa ng damit. Okay na ang ganito..Baka ngayong araw, magkikita ulit kami ni Fert. Sana.  Sana pumunta siya dito...

Nasa hapag kainan na ako. Nakita ko na sila na Kumakain. Hindi man lang ako hinintay? Wow ha? Teka anong oras na pala? Tiningnan ko ang relo ko. Hala.. alas dose na pala? Ibig sabihin? Ga'nun ako katagal sa natulog?

"Ang Haba ng tulog mo a?" tanong ni mama. "Hindi ka ba nakatulog kagabi?"

"Ah.. Hindi naman po., ah..  parang ga'nun na rin po.." sagot ko.

"Ang gulo naman." sabi ni kuya sa akin. Katabi niya ako. Si Zayen ay kaharap ko.  I think Patapos na din siyang kumain. Ilang Segundo na lang matatapos na siyang kumain.. In 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, Done. Sabay tayo.. Kilala ko na siya.. Ang bilis talaga ng babaeng ito.

Ako nga hindi pa nakakapagsimula. Siya, tapos na.. "Kumain kana anak.." sabi ni mama sa akin. Si Papa ay Tumayo na din, ayan sila.. Tapos na silang kumain. Si Kuya ga'nun din.. "Sige na.. Hihintayin kita hanggang matapos kang kumain.."

"Ayan kasi, ang tagal gumising.. Ayan ang napapala.." sabi ni Kuya sa akin, si Zayen nasa sala na nanunuod ng TV. Teka, hindi ba sumabay sa pagkain sina lolo at Lola? Sabay tingin sa upuan nila. "Tapos na din silang kumain." sabi pa ni kuya sa akin ng tingnan niya ako. Ah okay.. Makakain na nga.. Baka malipasan ako ng gutom sa kalokohan ko. Hindi pa naman ako nagBreakfast kanina. Kasi, late na akong gumising..

a/n : sana magustuhan niyo. Please vote and comments.. :) Thnx..

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon