Chapter 23

17 13 0
                                    

Zayen's POV

Tinawagan ko si Zayn at agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

"Hello.." sigaw niya sa kabilang linya. "anong kailangan mo sa akin?" kaya inilayo ko ang aking cellphone sa tenga ko. Ang sakit sa tenga ng boses niya.

"may offer ako sayo. Siguradong magugustuhan mo."

"ano naman? make sure it was Fert, anything gagawin ko." wow.. Baliw sa boyfriend ko. Hindi naman ako makakapayag na agawin niya ng tuluyan ang pinakamamahal ko.

"Yes.. Siya nga."

"talaga?"

"oo naman, basta para sa'yo. " ehh.. Kung sabihin ko sayong umalis kayo ni William dito? susundin mo kaya ako? "okay.. Magpalit tayong dalawa." sabi ko.

"Yes...." sigaw niya, "kanina pa ako nag-iisip diyan, pero .. mukha yatang ikaw na ang nagpaubaya sa akin."

"oo ako na.. Para maging masaya ka." sabi ko na lang, kahit masakit na. Magpaparaya ako ngayon, pero, ngayon lang ito.. kasi, kasi, ayaw ko ng masaktan din si Fert, baka sabihan niya akong pinamimigay ko na siya sa iba.

Baka sabihin niyang hindi ko siya mahal? ayaw kong sasabihin niya iyon sa akin. Madali siyang mainis, madali siyang mamula at madali din siyang magselos.

"Alam mo.. Masayang- masaya ako ngayon dahil sa sinabi mo.." sabi ni kambal sa kabilang linya. "Ano pala ang gagawin ko?"

"Wala.. Umalis na kayo ni Fert dito,..ganun lang kadali, sabihin mo sa kaniya na masama ang pakiramdam mo." ako pa talaga?

"Saan pala kayo?" tanong niya. Huwag ka nga magmamaang-maangan hindi ka si Nora Aunor para maging best actress of all time. Kainis... Anong akala niya sa akin tanga?

"Nandito sa resort." sabi ko na lang, saan pa ba? saan ba talaga kami? Ewan,.. si Fert lang naman kasi ang nasa isip ko eh. Pambihira.. Ang sakit sa ulo nito.

"Saang resort?" Sabi niya sa flirt na tinig...Grrr... Hindi ko na ito maatim sa mga pinagsasabi niya. Kinilabutan ako, sa totoo lang. grrrr... Ganito ba kabaliw ang kakambal ko kay Fert?

Mayghad.. Mukha yatang gusto kong umatras sa offer ko sa kaniya ah? Kaya ko 'to, "dito sa resort kung saan din kayo.." sabi ko na lang sa mahinahon na tinig.

"Ah ganun ba.."

"Okay na." sabi ko para matapos na ang mga sasabihin niya at matapos na din ito. "Saan ka? ako na ang pupunta diyan, sana wala diyan si William."

"Wala siya dito.. Kaya bilisan mo.. Saang room ka ba?"

"Sa room.. 214, ikaw?"

"Sa 221.." ang layo naman.. Shiit talaga..

Agad akong lumabas sa kwarto ko at agad na pumunta kong saan ang kwarto niya. Dinala ko ang mga gamit ko. Baka kasi, magtagal kami dito.

Saan na ba sina Fert at kuya Zarter? Nang makarating ako sa kwarto nila ay kumatok ako at dali-daling binuksan niya ang pinto. Ang laki ng ngisi ng kakambal ko, "Salamat..." sabi niya at yumakap pa.

Unang beses niya akong niyakap, alam ko kung bakit niya ako niyayakap ng ganito? Dahil kay Fert, kaya niyang makipag-plastikan sa akin basta si Fert ang kapalit.

Nang biglang bumangon ang batang si Wrench. "Tita Zayen.. Tita Zayen..." sambit niya sa pangalan ko. Nabigla kaming dalawa. Napatingin kami kay Wrench at kinukusot niya pa ang mata niya. Hindi din kami makapagsalita." Tita? dalawa kayong Tita?" sabay turo niya sa amin ni Zayn.

Patay? Kaya, agad akong pumasok at agad na pinuntahan ang batang si Wrench. "Namamalikmata ka lang Wrench.. Panaginip lang ang lahat, matulog ka ulit." sabi ko, sabay ko siyang pinabalik sa kama niya para matulog ulit.

"baka nga Tita Zayen, impossible po na maging dalawa ang Tita Zayen ko diba?" tumango ako, "I forgot Tita," sabi niya sa akin at humiga na ulit sa kama. "I have a classmate, they are twin But, one of them is my classmate and the other one are not."

"okay.. Baby, panaginip mo lang 'yun okay..Kalimutan mo na 'yun." Patay ako nito, tumango naman siya at pumikit na. Bumalik ako sa may pinto at hinanap si Zayn, pero, wala na siya.

Saan na ang babaeng iyon? Patay ako nito, kaya ko 'to. Nang biglang dumating si William. "hi.." bati niya sa akin habang nakangisi. Dumating ka pa? dagdag kana naman sa problema ko. "gising na ba si Wrench?" tanong niya agad sa akin.

Kaya, pinapapasok ko siya ng para malaman niya. "tingnan mo.." sabay lingon sa batang natulog ulit.

"akala ko gising na siya? mga ganitong oras kasi siya gumigising." sabi niya sa akin at sabay tingin sa wrist watch niya. Tumatango lang ako, malay ko ba kung anong oras gumigising si Wrench?

"nagising siya kanina at pinatulog ko ulit."

"ay? akala ko kasi, hindi siya nagising eh?" sabay tango at lumapit sa akin. Ano naman ang gagawin mo hah? Umatras ako.. "sorry pala kanina ha? Napahiya ka tuloy?" kumunot ang noo ko?

Ano kayang ginawa ni Zayn bakit siya napahiya? Lumapit pa siya ng husto, ako naman ay umaatras pa din. Nang bigla niya akong hatakin patungo sa katawan niya. May, kuryenteng biglang sumulpot sa katawan ko nang magkadikit ang katawan namin.

Hindi 'to pwede. Niyakap niya ako, ako naman ay tulala sa ginawa niya. Nang nagising ulit si Wrench. "Daddy.." tawag ni Wrench sa kaniya at muli ay bumangon ulit.. "Daddy.." sambit niya pa din.

Hindi pa din siya kumakalas kahit nakikita na kami ng anak niya na magkayakap. Kaya tinulak ko siya pero, hindi siya nagpatinag. Niyakap pa din niya ako.. Hindi ba siya nahihiya na nandito ang anak niya at nakikita kaming magkayakap?

"Daddy.." sambit ng anak. "Daddy... I have something to tell you." sabi ni Wrench. Kinabahan ako sa sinabi ng bata. "I saw.." pagkasabi 'nun ay kumalas na si William sa akin. Lumapit kay Wrench at umupo sa kama, tumabi siya kay Wrench.

"What is it?"

"I saw," sabay tingin sa akin. "Two Tita Zayen." patay... ito na nga ang sinasabi ko eh.

Lumingon si William sa akin at nakakunot ang noo. Lumapit ako sa kanila, "Baka namamalikmata ka lang Wrench?" sabi ko sa kaniya.

"siguro, Tita Zayen.." sabi niya sa akin.

"Kailan mo nakita Wrench?" mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"Kanina po Daddy.. when I woke up." tumango lang si William at ngumiti sa akin at sa bata.

"Baby Wrench.. namamalikmata ka lang 'nun kasi, kakagising mo lang kasi." sabi ko sa kaniya.

Tumango siya at ayon ay humiga ulit. Sana hindi na ito mabanggit ulit ni Wrench kay William. Lagot ako nito, "Bakit natulog ulit siya?" tanong ni William sa akin.

Agad kong kinapa ang noo ni Wrench. Ang init niya.. "May lagnat siya.." sabi ko kay William.

"Ano?" tumango ako, "kailan pa?" kibit-balikat lang ako. "diba? kasama mo siya kanina?" tumango ako, kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

"Kumuha ka ng basahan at basain mo." sabi ko sa kaniya. Tumango siya at agad na ginawa ang mga sinabi ko sa kaniya.

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon