Chapter 6

74 23 0
                                    

Zayen's POV

Habang nakikipagkwentuhan ako sa mga bata ay tumingin ako sa relo ko.. Okay mag-aalas  kwatro na pala? "ate.." Napalingon ako kay Madeline at ngumiti.." uuwi na na ba kayo?" umiling ako. 

"Huwag pa po kayong umuwi.. Please." sabay ngiti ni Lerd.. dapat pala ang itawag ko sa kaniya ay Bolerd para kompleto. O di kaya ay, Bolero na lang talaga..

Tumango ako. "sabi mo e.." sabay pingot ko sa ilong ni Bolerd..

"aray.  ate ang sakit..." sigaw niya.  Nung lumingon ako sa mga babae na nasa unahan ay agad na tumakbo papalapit sa kaniya.. Patay.. Bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko.. "ate.. Zayen.. Ang sakit talaga.."

"sorry.. ang cute mo Kasi.." sabi ko na lang..

"anong ginagawa mo sa kanila?" tanong nung isang babae na kagaya ni Kiray kung pumorma.

Tumayo naman si Kiray at lumapit sa babae."Ate.. Please po.. huwag kayong mag-away."

"Hindi naman kami nag-aaway.. Tinatanong ko lang siya.." sabay upo at pinunasan si Kiray.."tingnan mo oh.. ang dungis -dungis mo na na.."

Lumapit naman si Tyler sa isang babae na tahimik din at ngumingiti sa akin.. Ginantihan ko din siya ng ngiti.  "Anong mga pangalan niyo?" tanong ko sa kanila..

"Ako po si May.." sagot ng isang babae na nakasuot ng short at T-shirt..

"ako naman po si Tery. " sagot naman nung isang babae na nagpupunas kay Madeline..

"Ako naman po si AI." sagot nung isang babae din na nagpupunas kay Kiray.. Okay.. AI pala ang name niya.. AI..Hindi ko Kasi alam..

"at ikaw?." sabay tingin ko sa babae na tahimik din..

Tinuro pa niya ang sarili niya at tiningnan kaming lahat.. Okay, hindi uso sa kaniya ang magsalita. "Ako.... po...si ...T-Taylor..." sagot niya..

Utal yata si Taylor..ngumiti ako sa kaniya.." okay.   Ilang taon na kayo?" sabay kamay ko sa kanilang apat.

"Ako po. 26 na po ako. Siya naman po ay 25." sabay turo kay Taylor.  Okay, mukha yatang may nakita na akong ganito? Si Madeline at si Tyler. Halos same name silang lahat..

"ako naman po 27 na po.." sabi naman ni AI. Okay.. "Ikaw po?" balik niyang tanong sa akin.

"ako? ah, e, .. 21 pa lang ako.. Mag-22 na pala ngayong buwan." Sagot ko sa kanila.

"Mas matanda pala kami sa iyo?" tumango ako. "Ate yata ang itatawag mo sa amin.."

Umiling ako.."ayoko.." sabay ngiti sa kanila.

"Zayen..Tara na.." sabi ni William na nandito na pala sa likod.

Napalingon agad ako sa kaniya.." Nanggugulat ka naman e?"

"Sorry.." Sabi niya sabay peace sign..

"Ang gwapo niya.." sabi ni May at AI..Tumango lang naman Taylor..

"okay.. " sabi ko na lang.. "ah nga pala.." sabay tingin ko sa mga bata.. At sa mga dalaga pa ba talaga sila or may asawa at boyfriend na ba sila? "Sila pala...sina Taylor at Tyler." sabay turo ko at tumango naman si William at lumapit dito.

Nakipagkamayan siya kina Tyler at Taylor. " William pala.." inisa -isa niyang kinamayan ang mga bata at dalaga ba talaga? Hindi ko alam? Basta..

Ilang minutong kamayan at pagpapakilala ay agad na nagsalita si May.. "Pwede po bang papicture?" ngumiti naman si William at tumingin sa akin.. Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. 

"Pwede daw sabi niya.." sabay turo sa akin. Baliw ba siya or ano? Hindi naman ako magagalit at magseselos a? para saan? Ang layunin ko hindi pwedeng baliin iyon.. Kasi, kapag nabali iyon?

Ibig sabihin wala akong isang salita. Hindi naman pwede iyon.. Iyon na nga lang ang pwede kong bayaran para sa ginawa ng kaibigan ko sa akin. Hindi ko pa ba magagawa.. Ang pangako ay pangako.. Bawal ang mahulog sa isang kagaya niya..

"ah.. Excuse me.. Pwede bang kunin niyo kami ng picture?" sabi ni May at binigay ang Cellphone niya, ngumiti ako at tumango..

"Lapit kayo..Hindi kayo makuha sa camera. Sige pa.." sabi ko..Habang kinukunan sila.. Okay na.. Nakakapit si May at AI sa braso ni William..

Si Taylor naman at si Tyler ay hindi tumingin sa camera..Mahiyain pala talaga silang dalawa..Magkamukha sila, Iba't-ibang posesiyon naman ginawa nila.  Ano ba ito? Camera man yata ako.. Ay mali pala babae ako e.

Dapat camera woman. Kahit nag-dedate kami ni William ni isa wala kaming picture. Ayaw ko din kasi, basta. Ayaw ko. Hindi pwede, baka kasi, kung nasaan man si Cars ngayon? Baka isipin niya na inaagaw ko ang boyfriend niya. Cars hindi ko
inaagaw ang boyfriend mo okay. 

Alam mo kung sino ang gusto ko.  Si Fert lang naman.  Siya lang ang one and only ko. Ang ginawa ko ngayon ay para sa iyo ito.. "Yen..Yen.." sabay lingon ko kay William.." ang cellphone niya.." sabay turo niya ay sorry.. Kaya agad kong binigay ang cellphone niya.

"Sorry... " sabi ko sa kaniya.

"Okay lang po.." nagpaalam na ako sa kanila..

"Tara na." sabi ko kay William. "upo muna tayo duon oh?"sabay turo ko sa kinauupuan namin kanina.. Tumango naman siya at inakbayan ako.. Ngumiti pa" aray.." sabay kasi niyang pinisil ang pisngi ko.  Ang sakit kaya. 

Nakarating na kami sa kinauupuan namin kanina..Tumitingin ako sa paligid. "Bili tayo ng cotton Candy.." Sabay turo ko sa nagbebenta. Tumango naman siya. " Ako lang ang magbabayad." sabi ko. 

"Hindi pwede.. Ako ang lalaki .. ako dapat ang magbabayad." ganito siguro ginagawa niya sa kaibigan ko nung buhay pa siya. 

"Hindi ako na ang magbabayad.. Ikaw kasi, ang nagbabayad kanina.."

"I insist.." sabi niya.  Wala na akong magagawa kaya tumango na lang ako. 

Tinawag ko ang nagbebenta ng Cotton candy at agad naman na lumapit sa amin.  "Pabili nga po dalawa. " sabi ko.

Binigyan naman niya kami. Binayaran naman ni William at mabuti ay may panukli ang tao. Nabalik ang pera niya. Wow..may panukli siya.

Mabuti na din iyan kesa naman sa palagi na lang keep the change itong mokong na ito.  Habang kinakain namin ang cotton candy  ay bigla na lang niyang kinainan ang cotton candy na hawak ko.

"Ang daya mo naman..Mayroon ka naman a?" sabay turo ko sa cotton candy niya.

"Mas masarap kasi iyang cotton candy na hawak mo.."

"Sige change na lang tayo."  Pero inilayo niya. Paborito ko kaya ito.

"Hindi .. dapat share tayo.." sabi niya.  Kaya tumayo na ako at tumakbo palayo sa kaniya.  Hinabol naman niya ako. Binilisan ko ang pagkain ng cotton candy hanggang sa wala ng maubos.."Ang daya.. inubos niya.. dapat kasi share tayo.." sabi na niya naman.

Huminto na ako sa pagtakbo, tama na, baka may makakita sa amin dito.. Baka isipin na mga isip bata kami. Bigla na lang niya akong niyakap. Kaya itinulak ko siya. "Sorry .." sabi niya.

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon