Chapter 20

27.9K 515 6
                                    

Alas-syete pa lang ng umaga ay gising na ako at mamayang alas-nwebe pa ang pasok namin.Lumabas ako ng kwarto suot pa rin ang pajama na pinantulog ko kagabi, pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong natutulog si Amelia sa sofa. Dito ba siya nakatulog kagabi?

Lumapit ako sa kanya at mahinang tinampal ang braso nito para magising siya, agad namang bumukas ang mata at nagulat pa siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. "Oh my gosh. Dito na pala ako nakatulog." Rinig kong bulong nito sa sarili niya, tumingin naman siya sakin. "Ba't dito ka natulog?" Tanong ko.

"I was watching some drama last night. Hindi ko napansin na dito na pala ako nakatulog." Sagot niya sakin habang tinatali aang buhok. "Pumunta ka na sa kwarto mo." Saad ko at agad naman nitong sinunod.

Pumunta ako sa kitchen at agad na kinuha ang mga kakailanganin ko para sa breakfast namin. Kumuha ako ng sausages at itlog sa ref at nilagay ito sa counter table. Heavy breakfast palagi ang kinakain ni Scarlet kaya palagi kaming naghahanda ng kanin, hotdog or sausage, eggs at iba pa. Samantalang, sandwiches at fruits lang ang kinakain namin ni Amelia.

Matapos kong maluto ang sausages at itlog pati na rin ang kanin ay sunod ko namang hinanda ay ang sandwich para sa amin ni Amelia. I'm planning to make egg sandwich since nag-boiled ako ng itlog kanina. Habang gumagawa ako ng sandwich pumasok si Amelia sa kitchen na bagong ligo.

"Wow. Egg sandwich foe breakfast, I like that." Nakangiting aniya nito, kumindat naman ako sa kanya. "May strawberry tayo jan sa ref, kunin mo." Utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. 

Hindi pa nagtagal ay natapos na kami sa paghahanda at gising na rin si Scarlet kaya nag-umpisa na kaming kumain for breakfast. Nauna akong natapos kumain dahil nag-uusap silang dalawa habang kumakain. Pumunta ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos dahil malapit na rin mag alas-nwebe.

Matapos kong maligo ay sinuot ko ang black t-shirt with daisy flower imprinted on it at pinarisan ko ito ng high-waisted denim jeans at sinuot ko rin ang white shoes na binigay sa akin ni Amelia. Inayos ko rin ang hermès bag na regalo sa akin ni Scarlet nung birthday ko last year, nilagay ko sa loob ng hermès bag ko ang isang libro, isang binder, make-up kit, wet tissues, power bank, earphones, at wallet. Nude make-up lang ang ginawa ko sa mukha ko at hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay dahil tinatamad akong ayusin ito.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at sabay-sabay kaming tatlo na umalis ng penthouse at agad kaming sumakay ng sasakyan papuntang University.

*****

Pagkarating namin sa University ay agad kaming pinagtitinginan ng mga tao na halos araw-araw na naming nararanasan. Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi naming mapigilang hindi marinig ang bulungan nang mga estudyante.

"Oh my god. Hermès bag ba yung gamit ni Miss Agatha? I suddenly felt so poor."

"Ba't ganon? Ang gaganda nila."

"What do you expect? They're model afterall."

"Totoo kaya yung rumor na kumakalat?"

"Narinig mo rin pala yon? Pero mukhang fake news naman yon."

What rumor?

__________________________

VOTE AND COMMENT

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon