Chapter 19

26.1K 543 9
                                    

AGATHA POV

Matapos akong pagalitan ng dalawa kong kaibigan at kumain ay naisipan naming pumunta na sa grocery para bumuli ng mfa kailangan namin. Kasama ko ngayon si Amelia, dahil baka mawala raw ulit ako. Like seriously, hindi naman ako mawawala kapag walang manghahatak sa akin diba?

Samantalang kasama ni Scarlet si Kuya Daniel para bumili ng iba pang gamit na wala sa penthouse namin. Lumingon naman ako kay Kuya Carl, gusto ko sanang humingi ng tawad sa biglaang pagkawala ko kanina. "Kuya Carl," tawag ko sa attention nito at nagtagumpay naman ako. "Pasenya na po kanina ah kung bigla nalang po akong nawala." Paghingi kong paumanhin, ngumiti naman siya at tumango.

"Ayos lang po yon Miss Agatha, basta sa susunod po sabihin niyo po kung saan kayo pupunta." Nakangiti nitong sambit, tumango naman ako. "Opo." At sisiguraduhin kong hindi na ulit mangyayari ang nangyari kanina.

Pumasok kami sa loob ng grocery ni Amelia at kagaya kanina ay naghintay lang sina Kuya Carl at Kuya Dave sa labas, dahil sinabi namin na kaya na rin namin at wala rin namang masyadong tao sa loob ng grocery.

Kumuha kami ng tig-iisang cart ni Amelia at nagsimula na kaming kunin ang mga kakailanganin namin sa penthouse, especially foods.  Naghiwalay kami ni Amelia dahil kailangan niyang kumuha ng mga yoghurt at iba pa na nasa kabilang side, samantalang ako ay kailangan kong kumuha ng mga meat and vegetables.

Habang nagpipili ako ng mga vegetables ay napatingin ako sa pamilyar na bulto ng katawan. Lumapit naman ako sa kanya dala-dala ang cart ko para ikomperma kung siya nga ba ito, napangiti naman ako ng makomperma ko ito. "Manang Ali?" Tawag ko sa atensyon niya, at biglang nanlaki ang mata nito ng makita ako. "Agatha," nakangiti nitong sambit sa pangalan ko at binitawan ang hawak na cucumber at lumapit sa akin at niyakap ako.

Binitawan ko naman ang cart na hawak ko at ginantihan rin siya ng yakap. "Ang ganda mo na ngayon Agatha." Puri nito sakin, ngumiti naman ako sa kanya.

"Ano ginagawa mo rito?" Tanong nito, agad ko namang inabot ang cart ko at pinakita sa kanya. "Buying some foods." Sagot ko naman sa kanya. Sabay kaming naglalakad ni Manang Ali habang kumukuha rin ng mga gulay at karne. "Kailan ka umuwi Agatha?" Tanong ni Manang Ali.

"Last week po Manang." Sagot ko naman sa kanya, Manang Ali is already in her late 50's.

"Nagkita na ba kayo ni Brayden?" Napatingin ako sa kanya ng banggitin nito ang pangalan ni Brayden, tumango naman sa kanya. "We met after our arrival and yesterday." Sagot ko pero hindi ko sinabi na nagkita kami kanina. "Nasaan na ba ang batang yon? Kasama ko yon kanina eh." At inikot-ikot nito ang paningin.

Nagpanic naman ako, no I don't want to see Brayden right now, not after what he did to me.

At timing naman na nakita ko si Amelia na naglalakad papalapit sa amin, "Manang, si Amelia nga po pala kaibigan ko." Pakilala ko kay Amelia, nung una naguluhan pa si Amelia pero agad rin naman siyang ngumiti kay Manang Ali. "Hello po, Amelia Fawn po ang pangalan ko." Pakilala nito.

"Ang ganda mo rin pala sa personal," nakangiting puri ni Manang Ali kay Amelia. "Manang, kailangan na po naming umalis." Paalam ko sa kanya, at baka maabutan pa kami ni Brayden rito.

"Hindi ka ba uuwi sa bahay niyo?" Tanong ni Manang and she's referring to our house, ang bahay namin ni Brayden. Umiling naman ako bilang sagot kay Manang. "Hindi po pwede Manang eh, at may kasama rin po ako. But I'm working with Lee Sky Agency." Sagot ko.

Napatango-tango naman si Manang, kumaway nalang siya sa amin ng makalayo na kami sa kanya.

Habang nagbabayad kami sa counter ay hindi na napigilan ni Amelia na magtanong. "Sino yon?"

"Si Manang Ali, kasama namin sa bahay rati." Sagot ko naman sa kanya, "She mention earlier about a house, which house?" Nakataas kilay na tanong nito.

Napaismid naman ako sa tanong niya, she's funny.

"Our house." Sagot ko at mukhang naintindihan niya naman ang sagot ko, "So both of you lived together huh?" Nakangisi nitong tanong.

"Yeah. Kind of regret that one." Sagot ko na nagpatawa sa kanya.

Tinulungan naman kami nina Kuya Dave at Kuya Carl sa mga pinamili namin at nakasalubong namin sina Scarlet na kasama si Kuya Daniel kaya sabay-sabay kaming lumabas ng mall.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan, samantalang nilagay naman nila ang mga pinamili namin sa compartment ng sasakyan at nagsipuntahan na sila sa driver's seat, at passenger seat.

"Hey Scarlet, may nalaman ako tungkol kay Agatha." Tawag ni Amelia sa atensyon ni Scarlet na agad namang tumingin sa amin. Alam ko na kung ano ang pag-uusapan nila.

"Nakatira pala sila sa iisang bahay before." Nakangising saad ni Amelia, napanganga naman si Scarlet. "Really? Why I didn't know about this?" Nagtatampong tanong ni Scarlet sa akin.

"Right? She has three-years to tell us but she keep it. How dare she." At tinignan ako ng masama ni Amelia, ngumiti lang ako sa kanila.

"I saw Brayden earlier." Biglang singit naman ni Scarlet, hindi ako kumibo sa sinabi niya. Bumalik naman sa isip ko ang nangyari kanina.

"He wants to say sorry for something he did earlier. Did you guys meet?" Tanong nito, umiling naman ako. "No, I didn't saw him today." Pagsisinungaling ko, I'm really sorry for lying.

______________________

VOTE AND COMMENT

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon