Chapter 15

28.4K 511 11
                                    

AGATHA POV

Habang nagla-lunch kami kanina ay nakatanggap kami ng text mula sa manager naming si Mommy L tungkol sa meeting namin bukas with Lee Sky Agency, at tungkol raw ito sa individual photoshoots namin this upcoming weekend. At medyo tumila na rin ang malakas na ulan, kaya kahit papaano ay hindi ganon kalamig sa labas.

Habang kumakain kami ay biglang umupo ang dalawa kong kaibigan na ngayo'y kaibigan na rin nina Amelia at Scarlet na sina Maya at Gianna dala-dala ang tray ng pagkain nila. Ceasar salad with healthy juices lang ang kinakain namin ngayon since malapit na ang photoshoot namin. "Yan lang talaga kakainin niyo?" Nakakunot na noo na tanong ni Gianna sa amin ng makita niya ang pagkain sa plato namin.

Napatingin naman kaming tatlo sa plato nilang dalawa, isang malaking chicken leg at isang bowl of soup and rice at may dessert rin siyang dalawang slices of cheesecake saka orange juice ang nasa plato ni Maya. Samantalang, tatlong pirasong lumpia at isang chicken wing with bowl of rice and soup, at ang dessert naman nito ay dalawang pirasong chocolate cake tsaka apple juice naman ang nasa plato ni Gianna. Sana all talaga.

"May photoshoot kami this weekend eh." Sagot naman ni Amelia, napa-pout naman si Scarlet habang nakatingin sa mga plato nina Maya at Gianna. "Sa panahong matapos ang photoshoot na'to kakain talaga ako ng marami." Naka-pout na sambit ni Scarlet saka sumubo ng ceasar salad.

"Bet ko yan girl." Pagsang-ayon ko naman at ininom ang apple juice na binili ko kanina. "Nasaan nga pala yung dalawang lalaki na nakasabay natin dati?" Tanong ni Maya at lumingon-lingon para hanapin sina Adam at James. "Hindi muna sila makakasabay sa atin, may kailangan pa kasi silang gawin." Sagot ko naman.

"Sayang naman." Napatingin naman kami kay Maya nang sabihin niya ito. May gusto ba siya sa isa sa dalawa?

"Girl, kung may gusto ka doon sa lalaking matangkad ay nako girl, akin yon." Babala ni Scarlet kay Maya, napatawa naman si Maya sa sinabi nang pinsan ko. "How about yung my dimple? Kanino yon?" Tanong nito, agad naman akong tinuro ni Amelia at Scarlet.

"Luh? Pinagsasabi niyo jan?" Tanong ko sa kanila at sinubo ang panghuling ceasar salad sa plato ko at inubos ang apple juice.

"Ikaw Agatha ah, may something pala kayo ni Mr. Dimple." Nakangising pang-aasar sa akin ni Gianna habang kinakain ang chocolate cake nito. "Magkaibigan lang kami ni Adam."

"Yeah. Tell that to my hand." At hinarap nito ang kamay niya sa akin, mahina ko naman itonh hinampas. "Ewan ko sa inyo, kung ayaw niyo maniwala edi huwag."

*****

Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw kaya pagkalabas namin ng gate ay agad naming nakita sina Kuya Carl na naghihintay sa amin. Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Kuya Daniel kaya isa-isa kaming pumasok.

Si Kuya Dave naman ang nagda-drive ngayon ay katabi nito si Kuya Carl, si Kuya Daniel naman ang nasa kabilang sasakyan. Dahil hindi naman talaga ganon kalayo ang Dream High University mula sa building kung nasaan ang penthouse naming tatlo kaya agad rin kaming nakarating.

Hinatid kami nang tatlong nagbabantay sa amin sa lobby ng building at agad kaming nagpaalam sa kanila ng nasa harap na kami ng nakasaradong elevator. "Okay na po kami dito mga Kuya." Aniya ko, tumango naman silang tatlo.

"Ingat po kayo." Sambit ko, at ganon rin sina Amelia at Scarlet at tuluyan na nga silang umalis. Hinintay namin na bumukas ang elevator, at pagbukas nito ay tumambad sa amin ang mukha nina Brayden, Jeremiah, Aiden at Matthew. Halos nagulat kaming lahat ng makita namin ang isa't-isa. "Hi Agatha." Nakangiting bati sa akin ni Aiden, ngumiti naman ako sa kanya bilang ganti bago nagsalita, "Hi rin sayo Aiden."

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon