Chapter 10

28.8K 628 12
                                    

AGATHA POV

Ngayong araw ang unang araw namin bilang estudyante ng Dream High University, at nakasakay kami ngayong tatlo sa isang van kasama ang dalawang lalaki na nagbabantay sa amin.

Nakasuot ako ng black long long sleeves at ripped jeans at isang paris ng white shoes, samantalang naka-simple white dress na hanggang above the knee lang si Scarlet with maroon heels, naka-blue top naman si Amelia with denim skirt and white shoes.

Agad kaming bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa tapat ng university, pagkalabas namin ay tumambad sa amin ang maraming estudyante na tila naghihintay sa pagdating namin. Agad namang humarang ang dalawang lalaki sa harap namin para makadaan kami.

"Oh my gosh! Agatha Kim!!"

"Ang gaganda nila."

"Omg. Nasa isang university tayo kasama sila."

"Ba't ang ganda ni Miss Scarlet?"

"Wahh! Ang ganda talaga nila."

Tinulungan kami ng nagbabantay sa amin na makadaan hanggang sa ang mismong security na ng university ay tumulong na.

Agad nilang pinabalik sa mga classrooms nila ang mga estudyante dito, agad naman nila itonh sinunod dahil sa pagdating nang isang Professor.

Habang naglalakad kami papunta sa magiging classroom namin kasama ang isang Professor na lumabas kanina, ang sabi niya sumunod daw kami sa kanya kaya ito kami ngayon at sumusunod at tinitignan ko lang mga paligid at maraming nagbago rito.

Napahinto ako ng huminto ang Professor sa harap ng isang pinto, kumatok ito at binuksan ang pinto. Tumambad sa amin ang mga estudyante at ang isang Professor na nagtuturo at napatigil dahil sa pagdating namin.

Kinausap ng Professor na kasama namin kanina ang Professor na nagtuturo at nakita kong tumango ito kaya agad ring bumalik ang Professor at tumingin ito sa amin. "Good luck girls." Aniya nito at umalis na sa harap namin.

Napalingon naman kami sa isang Professor nang tumikhim ito, pumasok naman kaming tatlo sa loob.

"Oh my gosh! Magiging kaklase natin sila sa subject na to? Omg!"

"Wow..."

"Sh*t! Ang gaganda."

"Quiet Students." Panimula ng Professor at lumingon ito sa aming tatlo, "Please introduce yourself ladies." Aniya nito, at pumunta sa gilid. Agad naman akong pumunta sa harap at nagpakilala, "My name is Agatha Kim." Pakilala ko habang nakangiti pero agad ring nawala ang ngiti ko ng makita ang dalawang pamilya na mukha at parehas silanh nakatingin sa akin. Bakit ako nandito? Bakit nasa harapan ko ngayon sina Brayden at Addison?

"And I'm Scarlet Bloom, happy to meet you all." At narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Scarlet. "Amelia Fawn." Simpleng pakilala ni Amelia.

Agad na tinuro sa amin ng Professor ang mga bakanteng upuan, lumapit naman kami doon at umupo.

"By the way ladies, I'm Professor Ruby Rodriguez and I'm just here to announce something." Pakilala nito, at sinabi na nito ang gustong sabihin at tungkol ito sa amin. Na huwag umano kaming guluhin ng ibang estudyante habang nandito kami at ituring umano kami bilang normal students ng Dream High University. "See you later students." Paalam nito at lumabas na ng classroom. Agad naman akong lumingon kay Scarlet at tinanong ito.

"Anong year tayo napunta?" Tanong ko sa kanya, "4th year." Sagot naman nito, napanganga naman ako sa sinabi niya. I'm supposed to be a 3rd year student in Business Finance. Business Finance ang kinuha naming tatlo dahil ito ang pinakamalapit na course na kinuha namin nung nasa Korean pa kami.

Napataas ang tingin ko ng may biglang babae na pumunta sa harap namin at pagtingin ko ay si Addison ito. What does she want now?

"Hi." Nakangiting bati ni Amelia sa kanya pero hindi siya nito pinansin at nakatingin lang siya sa akin ng diretso. "Long time no see Agatha. How are you?" Makabuluhang tanong niya. Sasagot na sana ako sa kanya pero narinig ko ang pagsigaw ng isang pamilya na boses.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Professor Ruby kanina? Don't bother them Addison." Aniya ni Jeremiah, lumingon naman ako sa kanya pero napabalik ang tingin ko kay Addison ng magsalita ito. "Tumahimik ka nga." At bumalik ang tingin nito sa amin, "My name is Addison Tremaine." Pakilala nito pero hindi nito nilahad ang kamay.

____________________

VOTE AND COMMENT

-FOLLOW ME SWEETIE💕

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon