Chapter 12

28.6K 603 13
                                    

BRAYDEN POV

Silip ako ng silip kina Agatha na ngayon ay kumakain sa hindi kalayuan sa amin, napangiti ako ng makita kong binuksan niya at isang frozen yoghurt na palagi niyang binabalik-balikan rati rito. She still like those weird food.

"Athena." Napalingon ako sa dalawang lalaki na kakarating lang. Sila yung kasama nina Agatha nung kakarating lang nila galing Korea. Yung partner ni Agatha.

Nakita kong lumingon si Agatha at agad na ngumiti nang makita nito kung sino ang tumawag sa kanya. Sh*t! Those smile.

Nakita ko pang tinapik ni Agatha ang bakanteng upuan sa tabi niya, "Dito na kayo umupo Adam." Nakangiti nitong aya at nung makaupo yung Adam ay agad akong umiwas ng tingin ng makita kong niyakap nito si Agatha.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?  Is this jealousy? I've never experience being jealous before but f*ck it really damn hurt.

"How are you?" Napabalik ang tingin ko sa table nila ng marinig ko ang boses ng lalaki. Adam ata pangalan non. "I'm good. Have you eaten?" Tumango naman si Adam sa kanya at tumingin ito sa frozen yoghurt na kinakain ni Agatha. "Try this." At nilapit nito ang kutsara sa bibig, agad naman itong kinain nung Adam. F*ck!  That indirect kiss hits me really hard.

"By the way this is my friends, Maya and Gianna." Pakilala ni Agatha kina Gianna at Maya.

"Halos mapunit na yung bibig kakangiti." Naiinis na sambit ni Aiden, napatingin naman ako kay Maya at nakangiti nga ito habang nakatingin roon sa Adam at sa isa pang lalaki na katabi nung Scarlet. Nililigawan ni Aiden si Maya simula last year pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naman siya nito sinasagot.

"Yan diba yung lalaki na palaging kasama ni Agatha sa magazine? Awit bro, talo ka may dimples yon eh." Nang-aasar na ngumiti sa akin si Jeremiah kaya agad ko namang tinapon sa kanya ang isang tinidor na agad niya namang nasalo.

"Magpalagay ka rin kaya ng dimples, malay mo bumalik sayo si Agatha." Dugtong pa nito, agad ko naman siyang tinignan ng masama. "Joke lang syempre. Di bagay sayo." At tumawa pa ito ng malakas. Napailing nalang ako at hindi siya pinansin.

"At Athena pa yung tawag kay Agatha. Mukhang may something sa dalawa ah, no one calls Agatha as Athena...except him." Nakangising sambit ni Jeremiah na tila nang-iinis. Damn, it's working. I'm really pissed.

"Isa pa talaga Jeremiah at ipapalunok ko sayo yang tubig na hawak mo." Babala ko sa kanya, nilapag niya naman sa lamesa ang water bottle na hawak at hindi na nagsalita.

*****



Umalis na kami sa Cafeteria ng marinig namin ang pag-bell hudyat na tapos na ang lunch time. Naglalakad na kami ngayon papunta sa susunod naming subject. At pagkarating namin sa tapat ng pinto ay agad kaming pumasok sa loob at umupo. Hindi pa nagtagal ay dumating na ang iba naming mga kaklase sa subject na ito at nakita ko ring pumasok sina Agatha na kasama yung dalawang lalaki at umupo silang lima sa gilid. Dumating na rin ang Professor namin sa calculus, at agad itong nagpakilala para sa mga bagong dating na sina Agatha.

"Miss Kim, can you solve question number one?" Nakangiting nitong tanong nito kay Agatha, tumango naman si Agatha sa kanya at naglakad papunta sa harap. I rememer that Agatha's favorite subject is Math.

Agad namang bumalik si Agatha sa upuan niya ng makasagot na ito, "Thank you Miss Kim." Nakangiting pasasalamat nang Professor namin.

______________________

VOTE AND COMMENT

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon