Chapter 6

33.9K 644 9
                                    

AGATHA POV

-3 years After-

"Agatha naman eh, gising na!" Rinig kong tawag sa akin ni Scarlet habang kinakatok ang pinto nang kwarto ko.

"5 minutes." At nagtalukbong ako gamit ang kumot. Late na kasi ako nakatulog kagabi dahil pinatapos ko pa ang movie na pinapanuod ko. "Sige ka, tumatawag pa naman si Brittle." Agad naman akong napaupo nang marinig ko ang pangalan ni Brittle.

Brittle?

Agad naman napabalikwas sa kama nang tuluyan akong magising at agad-agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa akin ang mukha ni Scarlet na naiinip na habang hawak ang cellphone ko sa kanang kamay nito. Nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa sala kagabi.

Agad naman niyang inabot sa akin ang cellphone ko dahil tumutunog ito, ngumiti naman ako sa kanya bago tuluyang sinagot ang tawag.

"Hello baby Brittle." Bungad ko at tinignan ang orasan rito sa kwarto ko. Napapikit ako nung makita ko kung anong oras palang. 8 a.m kaya ang ibig sabihin nito ay alas-syete palang ng umaga roon sa Pilipinas at gising na itong si Brittle.

"Ate! Miss na kita." Napangiti naman ako sa narinig sa kabilang linya. "I miss you too baby Brittle, how are you?" Tanong ko saka umupo sa gilid nang kama ko. "I'm okay naman po." Sagot nito.

Nag-usap lang kami ni Brittle ng isang minuto bago nito binaba ang tawag dahil kailangan niya pa umanong kumain kaya agad siyang nagpaalam.

"Tong mag-kapatid na to, kulang nalang mag-sama." Rinig kong sambit ni Scarlet nang makalabas ako sa kwarto at nakita kong inaayos niya ang sala na medyo magulo.

Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay lumapit ako sa ref at kumuha nang tubig bago ito ininom.

Barbie Brittle Brazillianite Kim is my younger sister. And she's 3 years old, nung umalis pala ako ng Pilipinas buntis na pala non si Mom kaya pala grabi ang iyak nito nung umalis ako dahil buntis pala ito.

Lumapit ako kay Scarlet na ngayo'y nakatalikod sa akin at agad siyang niyakap mula sa likod. "Ayan ka na naman Agatha! Stop!" Sigaw nito nang mahina ko siyang kiniliti sa tagiliran niya. "Tama na! Ano ba! Hahaha! Tama na sabi! A-agatha! Ha-ha-ha! Darating na si Amelia anytime!" Napatingil ako sa pagkiliti siya kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Amelia.

"Bakit pupunta rito si Amelia?" Tanong ko sa kanya, "May schedule ba tayo ngayong araw?" Dugtong ko pa at umupo sa sofa, tumabi naman sa akin si Scarlet.

"Pupunta tayong office ngayon." Sagot naman niya at binuksan ang t.v. at lumingon sa akin, "Wala ka bang natanggap na text mula kay Mommy L?" Baling nito sakin, napatingin naman ako sa cellphone ko at doon ko lang nalaman na nag-text pala sa akin ang manager namin.

Sa loob nang tatlong taon na dumaan ay naging model kami ni Scarlet ng Empire High Company. Na-discover kami ni Scarlet nung pumunta kami ng Jeju Island at timing na may nag po-photoshoot pala doon pero hindi namin ito pinansin dahil nandoon kami para magbakasyon kasi parang spring-break namin nun sa University kaya napag-isipian namin na pumuntang Jeju Island. Nag pi-picture kami ni Scarlet ng may lumapit sa amin na babae, at ayun inalok niya kami kung pwedi daw kaming maging model nila, nung una ayaw ko dahil muka itong scam pero ang sabi ni Scarlet ay kilala niya ang babae na lumapit sa amin dahil isa daw ito sa mga sikat fashion designer rito sa Korea, kaya sa huli ay nag-audition kami para sa modelling at agad rin naman kaming nakuha at pangatlong taon na namin bilang model.

At si Amelia Fawn, siya ang nagpo-photoshoot roon sa Jeju Island for the Spring Collection nang Empire High Company, at pang-limang taon na niya ngayon bilang isang model.

Pabalik na sana ako sa kwarto para ayusin sana ang kama ko nang marinig ko ang pagkatok sa pinto namin. Lumingon ako kay Scarlet at nakita ko na wala itong planong tumayo kaya lumapit nalang ako sa pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang magandang mukha ni Amelia, agad naman siyang ngumiti nang makita niya ako. "Pasok ka." Pag-aaya ko sa kanya, nasa  itaas na floor ang penthouse niya at mag-isa lang siya doon kaya minsan ay dito siya tumatambay sa penthouse namin ni Scarlet.

Nang tuluyan siya makapasok ay sinarado ko na ang pinto at dumiretso sa kwarto ko para ayusin ang kama at para narin maligo at nang makapunta na kami sa office.

__________________

VOTE AND COMMENT

-FOLLOW ME SWEETIE💕

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon