Agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang dining table. Malamig na ang mga pagkaing nakahanda kagabi. Gutom na gutom na ako dahil wala pa akong kain kagabi at over exercise pa ang nangyari samin.

Ininit ko nalang ang mga pagkain sa microwave oven at kumain naring mag-isa. Pinagmasdan ko ang buong unit. Napakalaki ng unit na toh pero sobrang tahimik. Napakaganda at mamahalin ang mga gamit. Hightech ang mga appliances at napakamoderno ng disenyo. Pero napakalungkot. Walang tawanan, walang usapan at higit sa lahat walang buhay.

Buhay nga naman, napakapatas kung maglaro. Hindi pwedeng makuha mo ang lahat dahil sadyang magkakaroon padin ng kulang. Oo mayaman ka, may mga mamahaling gamit, mga bagong gadgets at kung ano-ano pa pero salat ka sa interaction. Walang nakakatawanan, walang mahal sa buhay na sasalubong sayo sa pag-uwi. Aanhin mo ang limpak na salapi kung wala kang pag-aalayan nito kundi ang sarili mo lang. Hindi masaya ang mabuhay ng mag-isa, nakakalungkot. Mabuti pa sa barangay dimatubig, masaya ang mga tao kahit salat sa magagarang kagamitan. Nagtutulungan ang mga residente sa tuwing may isang nasa kapahamakan. At tuwing uuwi ako galing trabaho ay may tita Bless na sasalubong sa akin at nakangiting yayakap sa akin.

Si tita Bless. Nawala ang ngiti sa aking labi. Nawalan ako ng ganang kumain. Paano ako nagiging matiwasay dito at nakakakain ng ayos gayong nasa ospital ang tanging taong pinapahalagahan ko.

Hindi ko maiwasang di mapaluha ng maisip ko si tita. Bukas pa ang schedule ng kanyang operation para sa puso. Sana lang kayanin ni tita. Pero alam ko namang kakayanin nya. Magpapaalam nalang ako kay boss na bibisitahin ko si tita mamaya.

Tulala akong nakatingin sa pagkaing nasa plato ko nang may magsalita mula sa hallway papuntang kwarto ni boss.

"Hindi mo man lang ako ginising para masaluhan kita ng kain." Napapitlag ako sa lalim ng boses nya at napakasexy sa pandinig.

Napatingin ako sa gawi nya at syet na malagket! Ang sexy nyang nakaloose pajama pants na puti at topless habang nakatagilid na nakasandig sa wall. Nakafold din ang dalawang kamay nya.

"Homai ghaaad ang gwapo!" Sigaw ng isip ko. Nakakapantulo laway ang 8 pair of abs nya na binabalandra sa aking not-so-virgin na mga mata.

Nakita ko itong napasmirk sa pagkakatulala ko sa kanya at gumalaw itong palapit sakin.

Agad akong napatayo sa taranta at tumakbo sa kitchen at sumandal sa lababo.

Hawak ko ang aking dibdib habang humingihal.

"Grabeh ganun kasarap na katawan ang dinidilaan ko kagabi? Homai pasasalamatan ko talaga si Dino dahil sa offer nyang pagsali sa auction eh nabuo na ang aking pagkababae sa sarap ng nakatalik ko ng dalawang beses." Natatawa kong saad habang hawak padin ang dibdib ko. Feeling ko naman babae ako. Lol.

"Ehem." Nabigla ulit ako at kita kong nakangiti ito ngayon sa bungad ng kitchen.

Halos pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang init ng pisngi ko.

"Kukuha lang ako ng plato at condiments." Natatawa nitong saad.

"Ahh ehh boss ako na ho umupo na ho kayo sa table dadalhin ko nalang dun ang ano ang ahhmmm ang..." hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Yung chest kasi pati abs masyadong nakakadistract ehh.

"Plato, Brave, plato at kutsara't tenidor." Natatawa parin nyang dugtong saka umalis na at marahil uupo nayun sa table.

Lupa lamunin mo na ako!!! Nakakahiya!!!!

Agad ko nalang kinuha ang plato at mga kutsara para makakain na ang boss ko.

Agad kong tinungo ang dining table upang maihatid ang mga gamit ng mabigla ako sa aking nakita.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon