Ikaanim na Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Tss. Ewan ko sayo."

Purely business lang naman talaga. Acting lang yung mga pinaggagawa namin kanina.

Maya-maya natigil sa pagsasalita ang teacher namin. May kausap siya sa pinto.

"Yes Mrs. Santillan? Any problem?" Mam Dela Cruz

"Uhmm, mam, may nakalimutan po kasi akong kunin sa bag ni Andrew." Athena

Malamang si Athena yun. Wala namang ibang Mrs. Santillan dito maliban sa kanya.

"Sige. Mr. Santillan." Pagtawag sa akin ni Mam Dela Cruz.

Tatayo na sana ako ng biglang pumasok sa classroom si Athena.

"Mam, ako na lang po lalapit sa kanya." Athena

Napakunot ang noo ko. Ano bang nakalimutan nito sa bag ko? May sarili naman siyang bag.

"Okey." Mam Cruz

Lumapit na sa upuan ko si Athena at tsaka huminto sa harap ko.

"Anong problema mo?"

"May nakalimutan kasi akong kunin." Athena

Tahimik namang nakikinig ang buong klase sa amin. Seriously? Nasa teleserye ba kami at kailangan bantayan nila ang kilos at galaw pati usapan namin?

"Kunin mo na kung ano man yung kukunin mo. Nakakaabala ka sa klase namin."

"Okey. Sabi mo eh." Athena

Yumuko siya sa saka ako hinalikan sa labi. Alam ko na ang laro nitong asawa ko. Tss.

"WOAH!" mga classmates ko.

"WOOOOOH! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigawan nilang lahat.

Hanggang ngayon hinahalikan pa rin ako ng asawa ko at wala na atang planong tumigil kaya ako na ang tumigil.

"What do you think your doing?!"

"Kinukuha ko lang naman yung underwear kong tinago mo sa bulsa mo. Nakalimutan mo kasing ibalik bago tayo bumaba ng sasakyan." Athena

Pinakita pa nito sa akin ang underwear na hawak niya. Anong sinasabi nitong nasa akin ang underwear niya?!

"Anong sina-"

Naputol ang sasabihin ko ng hinalikan na naman niya ako. Nanlalaki na lang ang mata kong tumingin sa kanya habang naglalakad ito palabas ng classroom.

Bago pa ito tuluyang makalabas, tumingin itong muli sa akin tsaka nagsalita.

"Thanks hubby!" Athena sabay wink at flying kiss pa.

Yung mga itsura naman ng mga kaklase kong lalake akala mo sila yung binigyan ng flying kiss.

"Oh bro, natulala ka diyan? Bakit? Naalala mo ba yung ginawa niyo ni Mrs. Santillan sa sasakyan niyo kanina?" Buenavista

Alam ko ang tumatakbo sa isip nitong gagong to. Mga manyak ang isip.

"Manahimik ka diyan."

Mamaya ka lang sa akin Athena. Hindi pa tayo tapos. Gaganti ako.

Athena's POV

Napapangisi ako na parang baliw dito. Akala niya ba susuko ako ng basta basta?

"Best! Anong ningingiti-ngiti mo diyan? Para kang baliw." Hera

"Wala."

Pero hindi talaga maalis yung ngiti sa mukha ko eh. Nagtagumpay lang naman ako sa pang-aasar sa magaling kong asawa.

Tss, hindi ko naman hinubad ang underwear ko kung yan ang iniisip niyo. May spare undies lang ako dahil may swimming lessons kami ngayon sa PE. At dahil sinabi ko na ngang magbabago ako, aattend ako sa klase namin kahit hindi ako marunong lumangoy. One reason why I don't attend swimming classes.

Hindi ako marunong lumangoy. Hindi ako takot sa tubig. Ayoko lang talaga. Kaya nga hindi ako naliligo sa dagat. Natatakot akong malunod.

"Nga pala, kalat na kalat na yung eksena niyo ng asawa mo kanina sa classroom nila." Hera

"Tss. Pakialam ko naman? Wala namang masama, mag-asawa naman kami."

Totoo naman di ba? Mag-asawa naman kami kaya pagbigyan niyo na lang ako. Masarap lang talagang pagtripan si Santillan kaya inaasar ko siya.

"Best, kasal na kayo ni Santillan, ano ng next plan? babies na ba?" Hera

Napapangisi ang gaga pagkabanggit ng babies. Parang baliw.

"Sira. Kitang estudyante lang kami di ba?"

"Excuse me, Mrs. Nuevas. May package po para kay Mrs. Santillan." yung student

Lumapit si Mrs. Cuevas at tsaka kinuha yung package. Umalis na yung lalake at tsaka binigay ni mam yung package sa akin.

"Best! Ano kaya yan?" Hera

Mas excited pa ang bruhang to kaysa sa akin. Binuksan ko yung package.

"SHT!"

"AAAAAAAAAH! BOMBA!" Hera

Napatakbo ang lahat ng estudyante palabas ng classroom. Naiwan akong nakatulala. Someone wants to kill me.

May gustong pumatay sa akin.

Hindi ko alam pero nilukob ng takot ang buong pagkatao ko.

Andrew's POV

**RIIIIIIIIIIIIING**

Isang mahabang bell ang narinig ko. Ngayon na ba ang fire drill? Alam ko sa biyernes pa dapat yun?

"MAY BOMBA!" Sigaw nung isang estudyante.

Sabay-sabay namang napatakbo palabas ang mga kaklase ko. Sumunod na rin ako sa kanila. Sino namang magtatangkang magdala ng bomba sa eskwelahan?

Nandito na kami sa grounds at kasalukuyang nagtatakbuhan pa rin ang ibang estudyante na nanggagaling sa mga mas mataas pang floors. Nasa ground floor kasi ang room ng section namin.

Ilang minuto pa ang lumipas at naubos na ang tao sa loob. Lahat nga mga estudyante nasa open field na. Minabuti ng staff na lumayo sa building kung nasaan di umano ang bomba. Tinext na rin ng mga adviser namin ang mga magulang namin na puuwiin na kami dahil nga sa bomb threat.

"MAM NASA LOOB PA SI ATHENA!" sigaw nung isang babae.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Marami namang estudyante na may pangalang Athena dito sa eskwelahan. Pero para mapanatag ang loob ko, hinanap ko si Athena kung nasaan siya.

"Excuse me mam, hahanapin ko lang po ang asawa ko. Nag-aalala po kasi ako."

"Okey Mr. Santillan. Basta wag kang lalapit sa building." Mam Sanchez

"Yes Mam."

Nagsimula na akong maglakad at hinanap ang section ng asawa ko. Hindi na kasi kami nakaayos dahil nagkakagulo na dala ng panic na dinulot ng sinasabing bomb threat daw.

"MAM! BAKIT BA ANG KULIT NIYO! NASA LOOB NGA SI ATHENA RICAFORT! HINDI SIYA LUMABAS!" Sigaw nung isang babae na umiiyak na at pinipigilan ng mga kapwa estudyante niya na bumalik sa loob ng building.

Nilapitan ko yung babae para kumpirmahin kung totoo ba yung sinasabi niya.

"Teka, totoo ba yang sinasabi mo? Seryoso ka ba?"

"MUKHA BA AKONG NAGBIBIRO?! HANAPIN NIYO NA SI ATHENA! MAGDADALDALAN NA LANG BA TAYO DITO?! PAANO KAPAG NAMA-" yung babae

Hindi ko na siya hinayaang matapos pa na magsalita at sa halip ay tumakbo papunta sa building.

"MR. SANTILLAN!" sigaw ng iba pang teachers namin.

Ano bang ginagawa ng babaeng yun sa loob? Kitang lumabas na lahat ng estudyante tapos siya nagliliwaliw pa sa loob? Gusto ba niyang magpakamatay?

Papasok na ako ng building ng makarinig ako ng malakas na pagsabog galing sa second floor.

**BOOOGSH**

SHT! SI ATHENA!

She's the BossWhere stories live. Discover now