Pagbaba namin sa parking lot, nakita namin yung dalawa na masama ang tingin samin habang papalapit sa kanila.

"Aray ha! Kung nakamamatay lang siguro ang pagmurder sa isip, kanina pa kami patay ni Prince sa mga titig niyo samin." Pabiro kong sabi sa dalawa.

"Che! Ang tatagal niyo!" Pagsusungit ni Natasha at pumasok na sa kotse. Na sinundan naman naming tatlo.

*sa school..

Pagkababa ng pagkababa naming apat sa sasakyan. Yung mga studyante rito tumingin samin at nagbulungan yung iba nagtatawanan na habang nakatingin samin.

Hayys heto na naman tayo, nakita na naman nila ang kakaiba naming beauty. Si Princess halatang naiinis na.

"Princess, bat ka nakapalda? Hindi bagay sayo hahahaha." Pangaasar sa kaniyani Marco, classmate namin.

"Pake mo?" Pabalang na sagot ni Princess sa kaniya, pero tumawa lang ulit si Marco ng malakas at naglakad palayo samin.

"Legs legs legs mo ay nakakasilaw, legs legs legs mo ay maraming barya." Kanta nang mga senior high kay Athena at nagtawanan ng malakas. Si Athena naman nangingilid na ang mga luha dahil sa rinig.

"Oh look at you girl, hindi ito kumbento my dear para magsuot ka ng ganiyang kahabang palda." Asar ng babaeng sophomore i think kay Natasha at nagtawanan naman itong mga alipores niya.

"Hindi ka ba nasisikipan sa suot mo taba? Baka hindi ka na makahinga niyan, halika nga dito." Pangaasar sakin nung isang studyanteng senior ata ito, nung hindi ako lumapit sa kaniya, siya ang lumapit sakin at pinipilit buksan yung blouse ko T___T . "Ano bang ginagawa mo!!! Nakakabastos ka!!" Sigaw ko dun sa babae. Pero di niya parin ako pinapakinggan, kaya tinulungan na ako ng mga kaibigan ko.

"Hoy bitawan mo nga siya." Sabi ni Athena na lalapit na sana siya sakin pero pinigilan siya nung alipores nung babae ganun din sila Princess at Natasha.

Waaaahhh ano ba tong babaeng to! Nasira na niya yung tatlong botones onti nalang mahuhubaran na ako, wala pa man din akong sando huhuhu.

"WHAT'S HAPPENING HERE!? WHAT ARE YOU DOING TO HER!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa babaeng nanghuhubad sakin. Di ko na maaninag yung mukha niya dahil narin sa mga luha na nakita pang bumabagsak.

"K-Kristopher?" Gulat na sabi nung babae.

"Di ka ba na inform na kung sino man ang mangbubully sa mga kaibigan nang tibo na yan, ay mabibigyan ng red card?" Pagbabanta naman ni Kristopher sa babae at sa mga alipores niya.

"Ano pang tinitingin-tingin niyo diyan? Baka gusto niyong matikman yung wrath ng f4?" Sigaw ni Kristian sa ibang studyante rito sa parking lot. Kaya agad-agad naman silang umalis.

Nilapitan naman ako ni Kristopher at binigay yung blazer niya sakin. "Oh! Isuot mo muna yan, nakikita na yang mga bilbil." Pangaasar niya sakin, pero ok lang deep inside kinikilig ako.

"Te-thank you K-Kristopher." Sabi ko sa kanya at nagnod lang siya.

"Di ka ba magpapasalamat samin? Pinagtanggol namin kayo." Sarcastic na sabi naman ni Kristian kay Princess.

"Tss, di mangyayari yun kahit sa panaginip mo!" Sagot naman ni Princess.

"Gaya-gaya ng linya tss." After nun naglakad na palayo samin ang K4.

"Anyari dun? Bat bigla silang bumait?" Tanong ni Natasha.

"Ang ga-gwapo at ang babait nila kyaaaaahhh." Kikilig na sabi ni Athena na sinangayunan ko naman kaya pareho na kaming kinikilig ngayon.

"Tumahimik nga kayo!" Suway samin ni Princess. "Mga pakitang tao lang mga yun! Tss takot lang silang mabenta tong school sa mga company natin kaya ganun tss." Kahit kailan talaga tong tibo na ito, panira ng moment.

"Tara na nga sa room, late na tayo." Pagaaya ni Natasha kaya naglakad na kami papunta sa room. Hindi naman na ako nasisilipan eh kasi nga suot-suot ko ngayon yung blazer ni Kristopher tapos ang bango bango pa hayys.

The Four Nobody's and The Campus KingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora