#37 let go..

68 5 1
                                    

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nila Zion,  hindi ko alam kong saan ako pupunta,  hindi ko alam kong kanino ako lalapit,  sobrang tirik din ng araw,  pero kahit nakapaa-paa ako ay hindi ko ramdam yong bawat paso ng semento sa paa ko.

At ang mga mata ko ay hindi na natigil sa kalalabas ng tubig,  para na itong gripo dahil sa tuloy-tuloy na bagsak ng mga luha ko.

Napatigil lang ako sa isang waiting shade noong maramdaman ko ang pagod.  Gusto kong tawagan si kambal pero wala man lang akong dalang cellphone. 

Ilang minuto na akong nakaupo dito, tumigil na din ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.  Maaring namamaga na nga ito.

Sumandal ako sa pader at tumulala lang sa daan kong saan nagsisidaanan lang ang mga sasakyan. Napaayos lang ako ng upo noong may dumaang ginang na tinignan ako head to foot.  Yumuko nalang ako. 

Pero naalala ko nanaman kanina, hindi tama yong ginawa sa akin ni Ma'am Divive pero hindi ko rin maiwasang huwag maawa.  Kailangan niya si God,  mali yong iniisip niya.  Pero ano ang gagawin ko,  napapangunahan ako ng takot,  naiintindihan ko na ngayon kong bakit hindi nagkukwento si Zion ng tungkol sa buhay niya,  pero yong mga sinasabi ko noon sa kanya ay tumatak kaya sa isip niya?  anong nangyari noong hindi na siya muling nagpakita? 

Huminga ako ng malalim at napabatok sa sarili ko,  natawa ako kung bakit ako tumakbo at umalis doon.  Dapat nga ay nanatili ako doon..

Tumayo ako at naglakad pabalik sa bahay nila Zion,  kaso para akong nagpipinitensya sa sobrang sakit ng paa ko.  Ang hapdi nito,  puro paso na to ng semento.

"Denisse. "

Hinanap ko yong boses na tumawag sa akin,   galing ito sa di kalayuan na sasakyan.  Kay Zion.

Napatingin lang ako sa kanya,  actually,  nahihiya ako. Hindi ko naman alam kung bakit,  kasi sa tingin ko siya dapat ang mahiya dahil sinaktan ako at sinigawan ng mama niya.

Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas ito doon,  lumapit siya sa akin.  Hindi ko maintindihan kong anong emotion ang ineexpress niya sa mukha niya. Ang alam ko lang ay ang seryoso nito.

Tumingin siya sa paa ko kaya napayuko ako at itinago yong mga paso ko.

"Kaya mo pa bang maglakad? "

Tanong nito,  tumango lang ako pero sa totoo lang sobrang hapdi na nito.

Buti nga at nakaya ko pang marating yong sasakyan niya at sumakay doon. 

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan nito kahit hanggang sa binabaybay na namin ang daang pauwi sa bahay nila.

"Kamusta si mama mo? "

Basag ko sa katahimikan namin,  tumingin si Zion sa akin tapos biglang inikot yong sasakyan. 

"San tayo pupunta? "

Tanong ko dahil bumabalik kami sa pinanggalingan namin. 

"Okay na siya.. "

Maikling sagot nito. Hinintay ko yong sagot niya sa pangalawang tanong ko pero wala akong nahintay.

"Ah.. "

Wika ko nalang dahil wala na akong masabi.    Bumalik ulit kami sa walang imikan gaya kanina.  Nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagmamasid sa mga nadadaanan namin. 

Nang huminto kami sa gilid kung saan matatanaw ang malawak na karagatan. 

Napatingin ako kay Zion dahil hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito. 

"Sorry.. "

Wika nito pero hindi siya nakatingin sa akin.

"A-ah,  naintindihan ko naman. .first time ko lang kasing masigawan ng ganon kaya natakot ako.."

Huminga ito ng malalim at tumingin na sa akin kaya nagkasalubong kami ng tingin.  Ako ang unang umiwas dahil tagos sa kaibuturan ko ang mga titig niya.

" Sorry din,  hindi ko alam na ganon pala kagrabe ang pinagdaanan mo. "

Wika ko. Nakita kong ngumiti siya ng mapait.

"That was already in the past,  I'm over it now pero si mama mukhang hindi pa. She's sick for almost three years now, yon na rin ang start kung bakit siya nagkaganyan.  She's my auntie and she's the only one I have,  my mom died in a car accident, at namatay naman si dad nong nagrerecue siya ...He fell.."

Wika nito,  so I heard it right from ma'am Divine.

"Sorry.. "

Mahinang wika ko ulit.

"You know what,  thanks."

"Ha? Bakit ka nagpapasalamat? "

" For always being the Miss hug I know. "

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Why so sudden,  sinasabi to ni Zion. At yong nick name,  narinig ko nanaman,  hearing it is like a slice of heaven. Here's my fantasy again. Cut that crap Denisse.

"Pwede bang huwag mo akong tawagin nyan. "

"Ng ano? --ah yong miss Hug? Bakit naman?  You know you like when I give you nicknames.."

Biglang umakyat yong dugo ko sa mukha ko at feeling ko namumula na ako. Bago pa ako makasagot ay nagsalita na ulit ito.

"I've been longing for you.. "

No!  This could not be happening. This is crazy,  I'm dreaming. I ounce myself to see if I am dreaming pero hindi eh.  This is real,  nilabanan ko yong dadamin kong gustong sumabog sa tuwa.

"Bakit pala hindi mo kasama si Micah?  "

Pag-iiba ko ng usapan at para marealize nitong may Micah siya kaya huwag niya akong nilalandi. 

"Ah,  nagkausap na kami sa phone before ako umuwi. .................... Miss hug,  d-do you want me to explain? "

Napakunot-noo ako sa tanong niya.

"Explain what? "

"Kung bakit hindi na ako nagpakita pa sayo non. "

Nanlaki ang mata ko,  I was so curious about it until now. Pero looking at our present situation,  I think he doesn't have to explain. Wala naman nang magagawa pa yong explanation niya di ba? 

" Hindi na,  wala naman ako sa position to know.  Ang mahalaga buhay ka,  akala ko kasi--"

Napatigil ako noong marealize yong mga sinasabi ko. Tumingin si Zion sa akin.

"I'm sorry kung pinag-alala kita.. Really sorry. "

"Hindi-hindi,  okay lang yon.. "

Naku,  buko na ba ako? Ngumiti ito at nagpatuloy sa pagsasalita.  Ano ba yan,  obvious na ba ako?

"Papa died that day,  my uncle.. Yong asawa ni mama Divine.  I was so busy the following day and after ng libing ay niyaya ako ni mama na magmigrate na sa ibang bansa.  Ayuko sana pero hindi ko pwedeng iwan si mama,  besides siya nalang natitirang pamilya ko.  And for my three years of stay there,  I met Micah again.. "

Ouch!  Ayuko sanang pakinggan yong kwento ni Zion dahil alam kong masasaktan lang ako pero,  A part of me want him to continue. 

"She had change a lot and I like how she became matured now.. "

That's the most painful part.  How Zion describes the girl he likes.  With awe and love.

Napatunuyan ko na ngayon na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Zion. Kahit na kailan.

Accept your defeat Denisse.  Just be happy for them.

****

Still The One (Completed)Where stories live. Discover now