#15 Ikaw!?

75 6 0
                                    


Nagulat ako noong may malamig na bagay na dumapo sa balat ko.

"Naunahan ako eh, I want it to be unique kaya dito nalang ito."

Isinuot niya sa wrist ko ang isang kwintas, inikot niya ito ng dalawang beses para magkasya sa wrist ko at magmukhang bracelet. May pendant itong bilog. Hindi ko alam kong bakit bilog, parang ganito lang siya 'o'.

"Bakit yan?"

Naguguluhan kong tanong.

"Regalo ko, happy graduation!"

Wika nito at nakangiti pa. Ha? Nangyayari ba talaga tong mga ito? Saglit, baka nag-aasume lang ako, baka para kay Micah ito eh, ipapabigay siguro.

"Kay Micah ba ito? Bakit hindi mo nalang ibigay sa kanya ng personal.?"

"Hindi mo ba ako narinig? Para sayo yan.."

Wika nito at walang paalam na iniwan ako, naguguluhan na talaga ako. Bakit naman? Bakit niya ako binibigyan ng regalo?

"Bakit?!!"

Tanong ko noong hindi pa siya nakakalayo masyado.

"Ewan ko!"

Sagot niya lang at tuluyan nang naglaho sa paningin ko dahil lumiko na ito sa kaliwang hallway.

Anong nangyayari? Bakit ang weird, bakit ang labo?

Dala ng mga katanungan ito, ay bumalik na ako kay Micah na naghihintay sa classroom namin at pumunta na kaming Resto kung nasaan yong mga magulang namin.

****

Mabilis na nagdaan ang panahon, nakaalis na rin sila Micah at ilang gabi na din kaming nagvivideo call and chat. Hindi naman ako tinanong ni Micah kung anong sinabi ni Zion. Pero alam kong obligado akong magkwento kahit hindi niya tanongin. Sinabi ko lang na nangugratualate lang siya sa aming dalawa, at sabi ko nalang na maaaring nahihiya siyang kausapin ni Zion.

Natatakot lang naman ako sa iisipin ni Micah kapag sinabi ko yong tungkol sa kwintas na binigay ni Zion. Tsaka, anong bang naisip non at binigyan ako ng ganon. Peace offering ba? Nakikipagkaibigan ba? Ano ba naman kasi yong sagot niyang 'ewan ko'. Baliw ba yon? At ngayon pa niya gustong makuha ang loob ko eh break na sila ni Micah. .tama na nga, napaparanoid na ako.

Wala din naman akong ginawang kakaiba ngayong bakasyon except sa paglabas-labas namin ni Gabby. Alam na din nila mama at papa na nanliligaw siya. Mabait si Gab, sweet at caring. Pero hindi ko inimagine na kahit minsan eh magkagusto siya sa akin. Okay na kami as friends. Sadyang may mga bagay ba talaga na kailangan somobra pa sa pagkakaibigan?

"Nak! Nandito na si Glen at Gabby! Bilisan mo na diyan!"

Tawag ni papa sa akin. May lakad kasi kami ngayon nila Kambal. Mas maapreciate ko sana ito kung purong pagkakaibigan lang at walang halong feelings. Pero andyan na eh, naramdaman na niya eh, di ko naman kayang bawalan yong puso niyang mahalin ako. Pero paano ko ba kasi sasabihin na friends lang kami?

"Nak! Dali na!"

"Opo! Pababa na!"

Dali kong kinuha yong bagpack ko. At bumaba na. Naabutan ko sila sa may sala. As usual, lagi parin akong sinasalubong ng matatamis na ngiti ni Gabby. Nginitian ko nalang din siya at pati si Glen.

"Pa punta na po kami. Ma!"

"Sige po Pastor, tita."

Paalam namin sa mga magulang ko. May tag-isang motor si Glen at Gabby. Kaya kadalasan kay Gabby ako nakaangkas. Feeling ko tuloy pinapaasa ko siya sa ginagawa ko. Hayan nanaman ako sa tanong ko, paano ko ba sasabihing friends lang kami?

"Kumapit ka Den."

"A-ah .. Oo."

Naalangan kong sagot kay Gabby. Simula kasi noong umamin siya, nag-iba na yong pakikitungo ko sa kanya. Nahihiya kasi ako dahil alam kong hindi ko matutugunan yong feelings niya at hindi ko din alam kung paano sabihin na hanggang friends lang kami. See, napaparanoid na ako at paulit-ulit na ako sa sinasabi ko.

Huminto kami sa parking lot ng isang mall. Bibili kasi kami ng gamit namin sa school. Sa ibang school sila mag-aaral kasi nalate na sila sa entrance exam ng school na papasukan ko. Kung saan kami nakapasang dalawa ni Micah. Sayang nga dahil di ko din pala siya makakasama.

Naglibot-libot muna kami bago namili. Kumain, nagtawanan at umuwi.

"Ingat kayo."

Wika ko noong maihatid na nila ako sa bahay.

"Text kita Den..ah heto pala."

Wika ni Gabby sabay abot sa akin ng isang  kulay puting paper bag. Ano to? Sabay-sabay kami kanina kaya wala naman akong nakitang binili niyang kakaiba maliban sa mga school supplies namin.

"A-ano to?"

"Ah, yan, bigay ni mama.."

"H-ha?"

"Nakukwento kasi kita sa kanya. Tanggapin mo na."

"Sige na Den..."

Sabat ni Glen kaya napilitan nalang akong kunin. Parang habang tumatagal nahihirapan akong sabihin kay Gabby ang totoo. Lalo at naiinvolve na ang pamilya namin.

"S-salamat sa mama niyo.."

Nahihiyang tugon ko.

"Ipaparating namin yan kay mama, sige!"

Paalam nila at tumango lang ako at tuluyan na nga silang nakaalis.

Noong nasa kwarto na ako ay binuksan ko yong paper bag. Isa itong 6inches na heels. Ang cute, silver ang kulay nito. Magagamit ko to sa church. Isinuot ko ito agad at nagkasya naman. Galing naman ng mama nong kambal, alam yong size ko ah.

Pero bigla akong nakonsensya. Pati din ba yong mama nila pinapaasa ko?

Lord, tulungan mo naman akong kausapin si Gabby na hanggang friends lang talaga kami at sana yong hindi siya masasaktan..sana maintindihan niya..

Syempre baliw lang ako kung iisipin ko na hindi ko siya masasaktan. Alam ko naman na masasaktan at masasaktan siya.

Dumating ulit ang pasukan pero hindi ko parin nasasabi iyon kay Gabby.

Siguro masasabi ko din sa tamang panahon, pero ngayon kailangan kong magfocus sa pag-aaral para mamentain yong scholarship ko.

"Sana Lord may kakilala ako. Sana kahit isa lang, basta huwag lang akong mapadpad dito na mag-isa..."

Mahinang bulong ko kay Lord habang
naglalakad ako papuntang gym, magkakaroon daw muna ng orientation doon.

Abala akong lumilingon sa paligid at kumikilala sa mga nakakasalubong at nadadaanan ko, malay ko nga kong meron di ba?

Nang aksidente akong matisod sa paa nong taong nakaupo sa bench. Haba naman ng paa. Buti nga at nakabalance ako at hindi natumba ng tuluyan. Although nakahawak din yong nakatisod sa akin sa may braso ko.

"Sorry miss, okay ka lang ba?"

Nilingon ko yong nagsalita para sabihin sanang okay lang ako. Pero upon seeing him ay natameme ako. Yep, lalaki siya. At sure na sure akong kilala ko siya.

"I-ikaw?!"

"Ikaw!?"

Halos sabay naming wika. Grabe, hindi ko inaakalang makikita ko siya ulit. At dito pa..

Lord, Is this a sign?

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Still The One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon