#13 Farewell

74 6 0
                                    

After ng trahedyang iyon, hindi ko na nakitang ngumiti o tumawa ng malakas si Micah. Hindi na siya yong kasing sigla ng dati.

Sa totoo lang namimiss ko na yong kaibigan ko, yong dating Micah.

Hindi ko din naman masisisi si Zion, kahit noong una pursigido akong ibigay sa kanya lahat ng sisi, pero what had happened and what he said ay naguilty ako. Tama nga siya na lagi ko nalang siyang jinajudge simula noong magkakilalan kami without any strong basis of my accusation to him.

Kaya, heto ako ngayon at namimisteryohan kung sino ba talaga siya, na hindi ko kailanman inabalang makilala. Sino si Zion sa likod ng nakakainis niyang ngisi.

Days, months had passed.

Ang bilis ng panahon, at ngayon, we only have one week preparation for our graduation. Yes! Magtatapos na kami. Sana nga din ay bumalik na yong sigla ng best friend ko. Sana maging okay na ang lahat bago namin iwan ang eskwelahang ito at magmove forward sa bagong level ng journey namin sa buhay.

***

"Besty, sure ba yan? Mamimiss kita kung ganon."

Wika kong mangiyak-ngiyak na niyakap si Micah. Sabi niya kasi na after graduation ay babalik na sila ng mommy niya sa ibang bansa. Sa daddy nito dahil nagkabalikan na yong magulang niya.

Malungkot lang ako dahil hindi ko na siya makikita pa at makakasama. Nangako naman siyang magvivideo call at chat kami parati pag doon na sila tumira.

Pero masaya naman ako dahil sa kabila ng pinagdadaanan niya ay may maganda paring nangyari sa buhay niya. And I hope na makatulong ito para makamove-on na siya ng tuluyan kay Zion.

"Mamimiss din kita besty, thank you ha sa lahat-lahat at sorry sa mga maling nagawa at nasabi ko sayo noon."

Malungkot nitong tugon.

"Sorry din besty at maraming salamat din. Magkaibigan parin naman tayo eh kahit magkalayo tayo no. "

Sabi ko para gumaan naman yong loob namin. Pero hindi parin nito napigilan yong luha naming tumulo kaya nag-iyakan kami. Nandito pa naman kami sa gym, nasa dulo naman kami at wala masyadong tao dito sa parte namin kaya hindi kami agaw pansin.

Kalaunan din ay tumahan na kami at nagdesisyon nang bumalik sa mga kaklase namin dahil magsisimula na kaming magrehearse para sa graduation.

"Oi, san ba kayo galing? Kanina pa kita tinetext Den."

Bungad sa amin ni Gabby.

"Ai, sorry nasa bag kasi yong phone ko."

Maikling paliwanag ko. Buti nga at naging kaibigan ko itong magkambal na to. Wala nang mas sweet at caring na friend ko sa kanila.

"Tara na sa pila, tayo nalang ang hinihintay."

Yaya na rin ni Glen.

Kaya pumunta na kami sa pila. At hinanap yong mga pwesto namin sa pila, according kasi sa first letter ng last name yong arrangement ng pila. Nasa bandang harap sina Micah at ako dito sa pinakalikod.

Remember 'y' ang first letter ng last name ko. At wala nang may "z" na first letter ang last name sa mga kaklase ko.

Sa tapat din namin nagrerehearse ang mga section 1, kaya siguradong nandito din si Zion. Ewan ko ba, pero hinahanap siya ng aking mata. At hayon nga siya at hindi malayong magkatapat o magkalapit lang sila ni Micah kasi Crutchfield ang last name ni besty at Heil naman siya.

Nakita kong may tinitignan siya sa pila namin, kaya naman nagpakalastikman yong ulo ko para tignan iyon. At kay Micah nga siya makatingin. Bakas ang lungkot sa mata nito, mahal niya pa ba yong kaibigan ko? Actually, until now hindi ko parin alam kung ano yong reason ng pagkakahiwalay nila.

Tinitignan ko lang siya at inoobserbahan ang kilos niya. Maraming katanungan ang naglalaro sa utak ko ngayon. Like, kung ano ang family background nitong si Zion, kung ano nga ang reason ng hiwalayan nila ni best friend ko at kung bakit naman ako gustong maging kaibigan daw ng lalaking ito at ano daw? Very intimidating ako? Bakit naman?

Natigil lang ako sa katatanong sa utak ko noong hindi ko inaasahang magawi yong tingin niya sa likod, as in sa banda ko. Kaya nagtama ang aming mga mata, akala ko nga hindi niya ako papansinin pero tumigil ang tingin niya sa akin at nakipatitigan pa.

Umiwas na ako ng tingin kasi baka ano pang isipin niya. At saka nahihiya pa ako sa kanya sa lahat ng naging paratang ko sa kanya noon kahit hindi ko pa naman talaga alam kung ano ang side niya.

Nang maanino kung parang naglalakad siya at patungo siya sa dereksyon ko.

Sana Lord, nagkamali lang ako.

Pero sa akin talaga eh, ramdam ko ang prinsensya niya sa tapat ko.

"Denisse.."

Mahinang tawag niya sa akin. Narinig ko naman pero nagbingibingihan ako. Nahihiya parin talaga ako sa kanya eh. Hindi ko parin kasi alam kong paano siya kakausapin o kung anong sasabihin sa kanya.

At first time ko pang marinig na tawagin niya ako sa pangalan ha. You know, hindi na 'Miss hug'.

"Miss hug!.."

Haha, bakit ko pa kasi inexpect na tatawagin niya ako sa nickname na yan, kaya ayan tinawag nga ako.

This time mas nilakasan niya ang pagtawag sa akin kaya nilingon ko nalang siya.

"B-bakit?"

Nabubulol ko pang wika. Okay lang naman sa akin kahit hindi niya na ako pansinin kaysa yong ito na kakausapin niya ako. Di pa ako ready eh, hindi ko alam kung paano siya kausapin dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Magsosorry ba ako o ano..paano ba??

"Pwede ba kitang makausap after graduation?"

Ha? Ako? Ah baka tungkol ito kay Micah.

Sa totoo lang ayaw ko, pero hindi ko naman masabi. Bakit hindi nalang si Micah yong kausapin niya if tungkol nga ito kay Micah.

"B-bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?"

Naku halata bang hindi ako komportableng kausap siya. Sana hindi niya mahalata.

Pero ngumiti lang siya. Ano yon? Tama ba yong nakita ko? Hindi na ba siya galit sa akin? O tinutukso niya ako dahil nararattled ako sa pakikipag-usap sa kanya?

"After graduation nalang. Sa library..sige, aasahan kita."

Wika nito bago ako iwan at bumalik sa pila nila. Hindi man lang ako nakasagot. Paano ko ba sasabihing ayaw ko, baka kasi maoffend ko nanaman siya.

Hirap naman ng situation ko. Ano naman kasi iyon, bakit hindi nalang niya sabihin para matapos na.

Sa kabila ng pagrereklamo sa utak ko ay nakita ko si Gabby na nakatingin sa akin, at hindi lang siya dahil pati din pala si Micah.

Okay, mukhang hindi ko naman sosolohin ang problema kong to.

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Still The One (Completed)Where stories live. Discover now