#17 Small world

93 5 3
                                    

Ni 'ha' ni 'ho', wala na ngang paramdam si Gabby. Nakakausap ko sa text si Glen at kapag tinatanong ko si Gabby sinasabi lang naman niyang 'okay lang ito' ni wala man lang dagdag na information.

Nagsisimba pa naman sila pero ramdam ko yong pag-iwas sakin ni Gabby kahit nga batiin ko siya minsan, sasagot siya pero tipid lang. Nakakapanibago. Nakakalungkot..

Ikinuwento ko iyon kay Micah, sabi naman nito ay bigyan ko daw ng time muna si Gab, masakit daw talaga ang mabasted. Pero hindi kasi ako sanay..

****

"Grabe naman tong pimple ko sa noo. ..ayan, puyat pa more.."

Para na akong baliw na kinakausap ko yong sarili ko dito sa blacktinted na bintana ng kotse. Nakikisalamin lang. Naghihintay kasi ako ng jeep pauwi na rin naman ako. Nako-conscious lang naman ako sa mukha ko dahil sa pimple na to.

Damin kasing requirements, tapos maganda pa yong binabasa kong book, kaya hangga't kaya pa ng mata ko ay binabasa ko talaga kahit lagpas midnight na.

"Ikaw dapat yong binabasted eh, alis na...umlis ka na sa mukha ko--"

Hindi ko naituloy yong sasabihin ko noong biglang bumumaba yong screen ng bintana ng kotse.

Napamulagat ako sa gulat at syempre hiya.

"Pasensya na po!"

Wika ko at daling umalis doon, hindi ko na nilingon, nakakahiya kaya.

Umalis muna ako doon, kasi nakaparking pa yong kotse don sa kung saan ako maghihintay ng jeep. Mamaya nalang, pumasok nalang ako sa department store na nadaanan ko. Total, kailangan ko ring bumili ng folder at sign pen para sa project ko.

Hindi mawalawala sa isip ko yong nangyari kanina..

Baliw!baliw! Baliw!

Sabi ko sa sarili at pinopokpok pa yong ulo ko. Ayan nabaliw na nga talaga ako.

"Miss okay ka lang?"

Sabi nong aleng katabi ko na namimili din.
Napatigil ako at ibinaba yong kamay ko.

"Ah ..Opo!"

Sagot ko at daling lumayo sa ale.

Kung ano-ano ba naman kasing pinag-gagawa ko.

"Aray!"

Naumpog kasi ako sa isang matigas na bagay. Hay kailangan bang sunod-sunod na mangyari to sa akin ngayong araw.

Kala ko nga tapos na eh, mayroon pa pala.

"Hi Miss Hug!"

Anong ginagawa niyan dito? Bakit siya pa ang kailangan kong makita.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay lumayo ako at saka dumaan sa gilid niya.

Amnesia lang ang peg ko.

"Huwag kang mag-aalala, cute ka pa rin naman kahit may pimple ka!."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya, bukod sa ang weird, pansinin ba naman ang pimple ko.

"Pakielam mo sa pimple ko!"

Kako at saka dali nang lumabas, next time nalang pala ako bibili.

Kala ko nga nakalayo na ako sa kanya, pero hindi pala dahil sumunod ba naman.

"Miss hug san ka pupunta? "

Nakisabay na siya sa paglalakad sa akin.

"Uuwi na! Bakit mo ba ako sinusundan, alis na! Wala dito si Micah! "

Asar kong sagot sa kanya.

"Sinusundan? Eh nagkataon lang naman na parehas tayo ng direksyong pupuntahan."

Ayon sapol, assume pa Den.

"Eh di mauna ka nalang huwag mo akong sabayan. "

"Eh gusto kong sumabay eh."

Tinignan ko siya at inirapan. Bakit ba ako ginugulo nito, magpapalakad ba ito kay Micah? Hay nako, di pa sabihin ang pakay para matapos na.

"MicahJ C ang bagong account ni Micah sa facebook, oh ayan alis na!"

Taboy ko sa kanya.

"Alam ko."

Ha? Alam naman pala eh.

Eh ano pang ginagawa niya dito? Hindi naman kami close. Hindi ko nga alam kong bakit niya ako binigyan ng kwintas noong graduation.

Napatigil ako noong makitang nandoon pa yong kotse. Tumigil din si Zion.

"Bakit? Tara na, bakit ayaw mo ba talaga akong kasabay? Kung ganon, mauna ka nalang, magpapahuli nalang ako."

Medyo malungkot na wika niya. Hindi ko nga alam kong bakit?

"Hindi, mauna ka na, may pupuntahan pa ako."

Hindi naman ako nagsinungaling Lord eh, babalik naman talaga ako sa departmemt store para bumili na ng gamit para sa project ko. Baka sakaling pagbalik ko ay wala na yong kotse.

"Ha? Kala ko ba uuwi ka na?"

Anong ba kasing pakielam nito hindi pa mauna.

"Mauna ka na nga! "

Wika ko at saka tumalikod na, lumilingon-lingon din ako baka kasi lumabas yong may-ari ng kotse. Nakakahiya kasi talaga.

Si Zion naman ay hindi pa umaalis sa kinatatayuan niya. At nakatingin lang sa akin.

"Bakit ka nakatingin?! Umalis kana!"

Pero ngumiti lang siya at nag-wave ng kamay. Hindi ko ginantihan yong ngiti niya.

Tumalikod na siya at naglakad na palayo, nagpatuloy narin ako sa paglalakad papuntang department store.

Nang maya-maya pa ay may nag beep-beep sa akin, kaya napalingon ako.

"Bye Miss hug!!"

Napatigil ako at napalingon sa likod ko, wala na yong kotse doon. Paglingon ko ulit kay Zion ay medyo malayo na din yong sasakyan niya.

Nagpadyak-padyak ako sa inis at hiya. So sa kanya iyon? Si Zion yong may-ari ng kotse!

Bakit siya pa! Bakit!

Kaya pala pinansin niya yong pimple ko kanina.

Grabe ang saya naman ng araw na ito. Sobrang pak na pak yong mga nangyari.

Sarkastikong pahayag ng isip ko.

Prayer list: Huwag nang makikita ulit si Zion

➡ thanks for reading my story! God bless you :))

Sorry for grammatical errors, wrong spellings and typo errors !!

Still The One (Completed)Where stories live. Discover now