#22 I like you too

78 6 2
                                    


Pauwi na ako and still lahat ng mga madaanan kong studyante ay nakatingin sa akin, lalo na yong mga nakatunghay sa nangyari kanina.

I keep my head up, God knows me at alam niyang wala akong ginawang masama to deserve yong kahihiyan kanina.

"Oh naneng kamusta?"

Sabi ni mamang guard sa akin noong palabas na ako ng gate.

"Okay na po..salamat po ulit."

Wika ko.

"Basta huwag kang papayag na ganonin ka ha. "

Tumango na ako at saka tuluyan nang lumabas ng gate.

Pero napatigil ako noong makita si Ezekiel na nakasandal sa may kotse niya. Nag-iba ako ng tingin at nag-iba ng daan. Actually yong papel na natupi na iniwan niya sa lamesa ko kanina ay hindi ko pa nababasa kasi tinitignan ako ng mga kaklase ko. So I keep it nalang sa bag ko.

"Den.. hindi ba talaga tayong pwedeng mag-usap."

Ayuko ng ganito. Pero kailangan dahil nga sa nangyari kanina. Ayuko namang dumating pa sa puntong tawagin kami sa Dean's office.

"Mauna na ako Ezekiel.."

Wika ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pero sobrang bilis ng nangyari, and he is now holding my wrist. Humarap ako sa kanya at inalis yong kamay niyang nakahawak sa kin.

"Ezekiel ...please.. "

Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Nabasa mo na ba yong ibinigay ko kanina.  Denisse, totoo iyon.. may gusto ako sayo..noon pa, alam mo I tried to find you after nating magkita sa resort..before I met Carly..Natatakot lang naman akong baka boyfriend mo nga yong sumundo sayo noon..so noong malaman kong hindi naman pala, I-I tried to break up with Carly. Pero hindi ko lang nasasabi sa kanya  until she found that letter I wrote for you the day we met again..."

Kailangan ko bang magbunyi? Pero actually, hindi ko alam kong anong dapat na reaksyon ko. Medyo nainis ako dahil may dahilan nga si Carly na gawin iyon sa akin kanina.

Hindi ko magawang matuwa dahil mas naawa ako kay Carly kahit pinahiya pa niya ako kanina. Ezekiel...binago mo yong pagtingin ko sayo...

"Den.. I really mean it..."

Napatitig ako sa mukha niyang nagmamakaawa. Pero mas nagulat ako, hindi ako naaawa.

"Ezekiel..."

Tanging nasabi ko. Hindi ko alam if anong dapat kong sabihin. At ngayon napapalibutan na kami ng mga studyante, kasama ng mga paratang sa mga mata nila at bulong-bulongan.

Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ako.

"H-huwag...huwag please.."

Wika ko at dahan-dahang humakbang palikod. I don't know how to escape to this situation. Para akong narorobot.

"Den..."

Wika nito at sinusubukang lumapit sa akin.

"Ezekiel!!"

Sigaw ni Carly na nakatayo na sa gate. Namumula ang kanyang ilong and I think pinipigilan niya lang umiyak. Matalas ang mga tingin niya sa amin.

Naglakad ito ng mabilis palapit sa amin. Naestatwa ako, at maging si Ezekiel. Alam kong nagulat din siya.

Then after that I saw her slap Ezekiel. Then tumingin siya sa akin. I know ako nang next, wala akong ginawa kundi ang hintaying dumapo ang kamay niya sa pisngi ko.

Napapikit ako pero parang ang tagal namang dumapo nong kamay niya sa pisngi ko.

"Who are you!!"

Narinig kong wika ni Carly kaya iminulat ko yong mata ko. Ezekiel was still holding his chick kung saan siya sinampal ni Carly. At yong kamay ni Carly ay nakataas parin sa ere and someone's holding her wrist.

"Don't you ever touch my Denny."

Kalmado ngunit matigas na sabi nito. Biglang bumilis yong tibok ng puso ko upon hearing his voice. Bakit siya nandito?
Napalingon ako sa side ko kung saan siya nakatayo. Everyone here was murmuring. But that time parang biglang tumigil ang oras. I saw Zion beside me at seryosong nakatingin kay Carly.

"Z-Zion.."

Tumingin siya sa akin, pero hindi ko mabasa yong mukha niya.

Binitiwan niya na yong kamay ni Carly then hold my hands. Then we started to walk paalis sa kumpol-kumpol na tao. Sumisigaw pa si Carly pero hindi ko na naintindihan dahil mas naririnig ko na yong tibok ng puso ko.

No..this can't it be. Bakit ganito yong nararamdaman ko?.

Sabay hawak ko sa dibdib ko.

Nasa likod lang kasi ako ni Zion at naglalakad parin siya.

Naputol lang yong pag-iisip ko when someone grab my shoulder from my back. Napatigil ako maging si Zion.

"She's not yours!"

Napalingon ako sa sumigaw sa likod ko. It was Ezekiel.

Humarap sa amin si Zion, still holding my hands tas si Ezekiel parang nakaakbay sa kin.

With a bored voice Zion said..

"So? not even yours."

At hinila na niya ako ulit at naglakad na. Napayuko na ako at sumunod nalang kay Zion. We left Ezekiel dumbfounded.

Hanggang makarating kami sa kotse niya, pinasakay niya na ako at sumakay na din siya.

"Bakit hindi ka lumaban? "

Napatingin lang ako sa kanya at napayuko din lang.

"You have a strong personality, what happened?"

Actually hindi ko alam. May be...because .....one day I judge you Zion and you prove me wrong.

Huminga lang siya nang malamin noong hindi pa ako sumasagot then start the engine and drive slowly.

"Gusto mo bang kumain muna tayo?"

Tanong nito noong nasa kalagitnaan na kami ng highway. I just shrugged.

"Napipi ka na din ba?"

Nangingiti niyang tanong. I just look at him and hindi ko na magawang alisin yong mata ko sa mukha niya. I love the view, yong mga mata niya nakangiti at perpektong angulo ng mukha niya.

"Crush mo na ako?"

Napaiwas nalang ako ng tingin noong sabihin niya yan. Nahalata niya bang nakatitig ako sa kanya? Ano bang ginagawa mo Denisse.

Ex yan ng bestfriend mo at tandaan mong mahal pa yan ng kaibigan mo kahit hindi pa niya iyon sabihin.

I scolded myself because of that.

"Hindi namang masama if magustuhan mo ako..because I like you too."

Napatigil ako sa pagngingitngit upon hearing that from him. Nagdulot ito sa akin ng kakaibang saya. I know na nabuhayan ako sa loob-loob ko..pero agad din itong nawala dahil nagiguilty ako.

Mukhang totoo na ata yong paratang ni Carly kanina. Mang-aagaw ako, at ex pa ng bestfriend ko.

No way! Lord help me. Hindi ko dapat siya magustuhan.

"Mukhang nagbago ka na ata Miss hug, for all I know baka nasagot-sagot mo na ako ngayon dahil sa mga sinasabi ko?"

Wika nitong nakoconfused. Yea! May be nga inassume ko lang na totoo yong sinabi niya kanina, I think nang-aasar lang naman siya.

Hindi ko nalang siya sinagot at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Still The One (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora