" Isabel, I'm sorry. " humagulhol lalo siya lalo saka itinulak niya ako tapos doon sinampal ng malakas. I can see the anger in her eyes, siguro ay naalala na niya.





" I heard you talking to her, Umalis ka Dionysus. Pinuntahan mo si Jessma, Nagpunta ka sa babae mo! May relasyon pa rin ba kayo?! " sigaw niya. Lumapit naman ako para hawakan ang kamay niya pero sinampal niya lang ako. Kulang ang salitang namanhid para ipaliwanag ang naramdaman ko.





" Wa..wala! " sagot ko.





" Liar! Kung wala kayong relasyon, hindi mo siya pupuntahan! "





" Isabel, please! "





" This is all your fault Dionysus! Kung nanatili ka lang sana sa tabi ko nang gabing iyon! Kung sinagot mo lang sana ang mga tawag ko, kung hindi ka sana nakipagkita kay Jessma-- sa babae mo! Kung hindi mo lang sana iyon ginawa ay kasama pa rin sana ang ating anak! " yumuko naman ako sa harap niya't pilit siyang pinapakalma.





" I called you for fcking Pete's sake! Sinubukan kong tawagin ang pangalan mo dahil akala ko dadating ka para iligtas kami ng anak mo but you never came, Inuna mo si Jessma! "





" Let me explain Isabel, please. "





" Explain what?! Pinatay mo ang anak natin! Ikaw ang pumatay sa kanya. " Natigilan ako, nakakabingi ang mga salitang binitawan niya. Nakakamanhid ang katotohanan na ako ang pumatay sa anak namin, kung sana bumalik ako. Kung sana hindi na ako tumuloy. Kung sana.. Edi sana..





Napaluhod na lang ako habang umaagos na ang mga luha sa mata ko. Nanlalabo ang paningin ko pero mas nakakapanlabo ang katotohanan na kasalanan ko talaga ang lahat.





" I'm sorry Isabel! I'm sorry, please. " pagmamakaawa ko sa kanya. Nanlalabo man ang mga mata ko, isa lang ang malinaw, Umaapoy ang galit sa mata ni Isabel. Masidhing paninisi ang binibigay nito sa akin.





" Hindi na maibabalik ng sorry mo ang anak natin. Hindi mo na maibabalik ang buhay niya! " she gritted her teeth. Lumapit siya sa akin para saktan ako and I let her, kung iyon ang magiging dahilan para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.





" Kasalanan mo 'to Dionysus! "





" Isabel! " Boses iyon ni Madeleine at pumunta siya para awatin ito. Niyakap naman siya nito saka pinatahan.





" Lumabas ka na muna Dionysus! " sigaw ni Maddie habang dinadala si Isabel sa kama nito.





" Pero! " reklamo ko.





" Please Dionysus! " sigaw niya ulit. Naramdaman ko naman na may kamay sa likod ko, Si Icarus iyon.





" Hayaan muna natin sila. " bulong niya saka sinamahan akong lumabas.





" Speak. " napatingin ako sa kanya.





" I want to hear your side, Dionysus. Alam kong hindi ka basta basta aalis kung hindi naman importante. I want to hear it, ayaw kong i-judge ka sa pagkakamali mo. " Napabuntong hininga naman ako. Kinuwento ko sa kanya ang lahat mula sa tawag hanggang sa naabutan ko sa apartment nito.





He took a deep sighed.

" I don't know if it's enough para mapatawad ka ni Isabel, although may saysay naman ang pinunta mo and naThreat ka lang. "





D.A.R.K SERIES ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant