Chapter 3: Meeting you again?

ابدأ من البداية
                                    

"Oops, Ikaw nag-suggest niyan, hindi ako...... Oh tara na.." Hinila ko siya papunta sa Starbucks.

"Akala ko naman kung saan mo ako dadalhin. Nakaka-kaba kaya, kasi baka dalhin mo ako sa mamahaling resto eh." So, hindi pa pala 'to mahal. Haayyssst!

"Kay-yaman mo naman tsong, mura lang tingin mo dito?" Nagsmile lang siya....Alam ko na *ting -Bright Idea.

Lumapit na kami sa counter. "May I have 2 Espresso Macchiato-Grande, 1 box of cinnamon doughnuts, 3 pieces of that doughnut and 2 coffee jelly- Grande please." Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko na nakanga-nga siya. Hahaha....

"Thank you ha, di mo ako kinalimutan sa pag-order mo...." Feeler pa 'tong si Mikmik. Anong akala niya sa kanya yung isang Macchiato at coffee jelly?

"Hoy, wag ka nga! Akin kaya lahat 'yan" Binelatan ko siya at saka humanap na ng mauupuan.

"Wow naman! Di ka ba kumain mula last week? SPG!" Nang asar pa 'tong si Mikmik.

"Anong SPG?" Hmm, nakaka-curious ha... hindi ko yun alam ah.

"Super Patay Gutom. Hahahaha"

Red face alert - Hindi dahil sa kilig kundi sa inis at galit... 

"Che, gusto mo dagdagan ko pa?" Nakakayamot na ah... Makahanap na nga ng mauupuan.

"Joke lang naman. Sorry." Nag-peace sign lang siya at di ko siya pinapansin... Doon na nagsimula ang silence. Kumakain kami nang hindi nag-uusap. 

Hanggang sa...

"Hoy,Gia! Alam mo ba yung ipis na may pakpak, feeling butterfly?"

Nabasag ang silence dahil sa topic na yan! Wala na ba talaga siyang maisip na topic ha?!!

"So....." Weh, wala ako pakialam sa pinagsasabi ng mokong na 'to. Buti na lang crush ko siya kundi kanina ko pa 'to nilayasan.

"Heto naman oh, ang sungit-sungit. Sorry na kasi. Joke lang naman yung sinabi kong SPG eh. Minsan kasi 'wag mo masyadong seryosohin......... para di ka masaktan." Awww, I look at him. He looks serious pero nakasmile siya -- Trying to comfort me huh?!....

"...... And don't let other's opinions let you fall." Dagdag pa niya.

Oh my! Words of Wisdom! Letchugas naman oh! Kilig to the pwet ako. Hahaha

"Okay na, di na ako magagalit..... Hindi naman kasi ako sanay ng ganyang jokes eh." I said.

He smiled widely.

"Ayy, Shemmay! Iniwan ko pala yung mga pinsan ko sa beach. Hala! Kailangan ko na bumalik kasi for sure, hinahanap na nila ako! ...'Pag nalaman 'to nila mommy, baka --"

Ang Tokwa naman oh!!! 

Nilagay niya kasi yung daliri niya sa lips ko para putulin ang pagsasalita ko.

Aww, ang daldal mo kasi Gia eh, 'yan tuloy! Oh di ba?!! Ang bait masyado! Chos!

Kung di ko lang talaga siya crush, ewan ko na lang...

Tinanggal ko yung daliri niya at nakita ko siyang pinipigilan ang pagtawa niya. Nayayamot na ako ah...

"Una na ako, Thanks sa paglibre ha!" Paalis na sana ako nang hinila niya ang braso ko kaya napalingon ako.

"W-wait lang Gia!"

"Bakit?"

"Uhmm... Ehh... Ahh..."

"Ano? Bakit ka naga-a-e-i-o-u diyan?!" Parang bata! Tsk. Tsk. Tsk.

"Puwedeng.... Uhmm... Pa-pahingi ng number mo?" Sus naman oh, yun lang naman pala ang kailangan niya, eh bakit nauutal-utal pa si--

Wait, what?!! ano sinabi niya??!  Ayiee.. 

Dug. Dug. Dug. Dug. 

 "S-sige. Ito number ko... 09123456789-- blah blah." Nauutal ako kasi yung crush ko ang mismong kumukuha ng number ko. Uwaa!! kilig much!

"Thank you. I'll text or call you later." 

"O-ok. Ba-bye." =''>      <--- Hahaha hindi makaget-over si Ate.

Umalis na ako sa shop....

 

A/N: Sana po ay nagustuhan niyo ang aking third chapter. I-vote niyo po para malaman ko kung gusto niyo yung story. Thanks po sa mga bumasa at babasa ng story ko. 

Bow and Arrowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن