3

16 1 0
                                    

The cold wind was against our body. Father casted a protection spell upang hindi namin madama ang lamig sa Najon. Since its still winter in Najon at nagsisimula pa lang na tumunaw ang yelo. Napakalamig ang temperatura.

Bumalot sa amin ang protection spell ni Ama, tila isang tela na nakabalot sa aming katawan. Nang lumapat iyon sa aking balat ay init agad ang naramdaman ko. Hindi ko na naramdaman ang lamig ng nyebe, tanging init na dulot ng mahika. Mas lalo ko iyon binalot sa sarili ko, nagiging kumportable na sa init.

"Halina at pumasok na tayo" Aya ni tatay. Nagsimula na itong lumakad papunta sa may gate at sinundan namin siya. Pagkatapat rito ay kusa nang bumukas ang gate at pinapasok kami sa front lawn ng mansyon. Pinagmasdan ko ang mansiyon, ganun pa rin naman. Malawak, marangya at maganda ang paligid. Ang fountain sa pinakagitna ay nababalot ng yelo at matigas ang tubig. Ang mga bulaklak sa gilid ay niyeyelo na rin.

Napangiti ako ng may maisip ako. "Let's fix that" I said at gamit ang kamay ko ay gumawa ako ng spell. Pinatama ko ito sa fountain at sa mga bulaklak. Slowly, the ice melted, the fountain was now flowing with lukewarm water snd the flower were standing straight as if the cold is not existing.

"Zylene!" Tawag ni nanay nakatayo na sila ngayon sa may pintuan at akmang papasok na ng mansyon. Ay! Di ko napansin na nandyan na pala sila. I got too preoccupied with the fountain and flowers.

Nang makapasok na sa loob ay ang kambal ang una kong nakita. Parang prinsipe at prinsesa sila nakaupo sa magkahiwalay na single couch. They were wearing their uniform from the magical academy. Fiorra was playing with her wand nang mapansin kami.

"Tito, Tita. You have arrived" Maarte nitong sabi at tumayo. Nagmano ito at hinalikan ang mga pisngi nila. Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko.

"Im glad you're here. I needed a girl in this house" She said

Maangas namang ang pagtayo ni Finn. Ginaya nito ang ginawa ni Fiorra at hinalikan sila tatay at nanay. Lumapit naman ito sa akin at yinakap ako. He kissed my cheeks at inakbayan pa ako.

"Namiss niyo naman ako ng sobra"I teased the twins

"Well you're our favorite cousin"Fiorra trailed

Pinapasok nila kami sa may dinning table at doon namin nakita na kumakain si Tita at Lolo. Umangat ang kanilang ulo nang mapansin kami. Tumayo si Tita upang salubungin kami samantalang nanatiling nakaupo si Lolo roon.

She hugged my father and kissed his cheeks. She did the same to my mother while I came up to her and im the one that kissed her cheeks.

"Ama" Sabay na sambit ng aking magulang bago lumapit kay lolo at yumuko. Nagmano ito at tumango ang aking lolo.

Ako naman ang lumapit sa kaniya. Nagmano ako and kissed his cheeks. Hinawakan nito ang aking kamay at masuyong tumingin sa aking mga mata. Nagagalak, natutuwa at may bahid ng pagmamalaki.

"Ikinagagalak ko ang iyong muling pagbabalik aking tagapagmana. Nalalapit na ang iyong ika-labing walong kaarawan at nalalabi na lamang ang araw kung kailan ang iyong kapangyarihan ay sisibol."m
Matalinhaga nitong wika

"Nais kong ako mismo ang huhubog sa iyong kakayahan katulad noon. Ngunit may kailangan akong lakbayin sa kaharian ng mga bampira. Nagpakita sa aking panaginip ang orakulo at binalaan ako sa isang trahedya. Upang maiwasan ito ay kailangan kong pumunta sa kaharian ng mga bampira. Doon  mahahanap ang solusyon." pormal nitong sabi

Tumuwid ako sa pagkakatayo at magalang na tinanong ang aking lolo

"Kung gayon ay sino ang magtuturo po sa akin ng mahika"

Dahan dahan nitong binitawan ang aking kamay at tumayo mula sa pagkakaupo. May inabot itong libro mula sa shelf at dahan dahan na inilapag ito sa lamesa.

Guarding The VampireWhere stories live. Discover now