1

103 7 0
                                    

---

"Did you feel it?" Tanong ng isa sa mga orakulo. Pansamantala itong tumigil sa pagtatahi ng scarf at ipinatong sa hita.

"I did" The one with white hair kept reading her book. Among all of them siya ang pinakatahimik at pinaka kritikal.

"Malapit na ang pagtatagpo nila." Ibinalik ng ikatlong orakulo ang espada niya pagkatapos  itong linisan. Siya ang pinakamainitin ang ulo sa kanilang lahat. May hilig ito sa mga armas at pakikipaglaban

"Ako'y nasasabik na sa plano ng tadhana." Nakangiting bati ng unang orakulo. Agad na mapapansin na siya ang pinakamasiyahin.

"Gisingin niyo na lang ako kapag nagtagpo na sila" Humikab ang ikaapat na orakulo bago bumalik sa pagkakatulog ng mahimbing.

"Ang babaeng Stewart at ang bampira ay magtatagpo kapag sumapit ang ika-labinwalong kaarawan." Inabot nito ang pana at saka ito pinunasan.

---

Zylene

Pitong taong gulang ako ng malaman na hindi ako isang normal na tao. Naalala ko pa ang takot na naramdaman ko nung araw na yun. Inisip ko na katulad sa nababasa na mga fairy tales ay isa akong masamang nilalang. Iniyakan ko iyon, ngunit agad ding tumigil ng yinakap ako ni nanay.

Simula ng araw na iyon ay humigpit sa akin ang parehong magulang. Hindi na ako pwedeng lumaro sa labas. Bawal ako tumakbo, tinuruan ako na bagalan ang kilos at galaw. Pinaghigpitan din ako pagdating sa emosyon. Kung maaari ay huwag na huwag magalit.

Nang sumapit ang siyam na taong gulang ay nagsimula silang magpaliwanag tungkol sa akin at sa pamilya namin.

"Anak, makinig kang mabuti. Tandaan mo ito lagi. Ang pamilya ng natin ay hindi pangkaraniwan. Sinabi naman namin ng tatay mo sa iyo diba? Hindi ka pangkaraniwan na tao. Isa kang witch. Anak, makinig ka simula ngayon mas magbabago ang buhay mo. Ipapakilala kita sa iyong lolo at mga pinsan. Gigisingin namin ang iyong abilidad at ikaw ay sasanayin"

"Abilidad ko po?"

Tumango si nanay

"Oo anak abilidad mo"

"Bakit po?"

"Kasi espesyal ka" She said staring into my eyes. Tumango naman ako at sumunod sa kanila ni Tatay. Dinala nila ako sa likod bahay. May hawak hawak na magic wand nun si tatay. May sinabi siyang salita na hindi ko maintindihan ngunit nagparamdam sa akin ng kakaiba. Parang umiinit ang dibdib ko noong oras na iyon. Pati ang mga kamay ko.

Lumiwanang ang paligid at pagbukas ng mata ko ay nasa ibang lugar na kami. Hindi na sa likod bahay, isang mansyon ang bumungad sa harap ko. Tanghaling tapat sa lugar na iyon at parang nasa ibang bansa lamang. Puro bulubundukin at green fields ang nasa paligid. May sapa sa isang gilid at sa kalayuan ay may matatanaw na gubat.

Humigpit ang hawak sa akin ni Tatay. Lumuhod ito sa harap ko at dahan dahan na nagsalita.

"Anak, nandito ka sa Najon. Ito ay isang espesyal na lugar kung saan tanging mga mahiwagang nilalang lang ang nakakapasok. Ang mansyon na iyan ay pag-aari ng iyong lolo. Nasa loob siya ngayon"

"May lolo po ako?"

Sumagot ang aking nanay.

"Nais ko na maging magalang ka sa iyong lolo mamaya sa loob. Pagpasensyahan mo na rin ang iba nating kamag-anak kung mayroon man silang masasabing masama. Huwag kang makikinig sa kanila. Kami lang ang pakinggan mo" Paalala nito

Guarding The VampireWhere stories live. Discover now