Chapter fifteen

3.9K 76 4
                                    

“Oh Nicole tawag mo daw ako?” pambungad na tanung ni Roy. Manager ng restaurant na iyon.

“Hmm oo. Tsaka pwede ba wag mo kong tawagin sa pilido, ilang bes kong uulit ulitin sayo un? Ha?”

“Chill ka lang! Oh bakit may kailangan ka ba?”

“Wala naman. Gusto ko lang makipag kwentuhan. Tsaka may mga ilang bagay bagay lang naman akong gustong itanong sana.”

“Ganun ba? Tulad naman ng ano?”

“May asawa ka na?” agad na tanung ni Tim bago ito sumubo ng pagkain.

“Haha gago ka talaga kahit kelan ka!”

“Kailangang murahin ako?” mataray nitong tanong.

“Sorry na! Baliw ka kasi eh. Dahil lang sa tanong na yun ipapatawag mo na ko? Alam mo namang busy akong tao!”

“Oh bakit hindi ba pwede? Haha!”

“Gago kilala kita! May iba ka pang sadya dito no? Ano ba un? Diretsohin mo na nga lang ako!”

“Mga ilang bagay lang naman akong gustong malaman tungkol sa mga staffs mo dito.” Sabay ngiti nito.

Napakamot na lang sa ulo si Roy.

May halos isang oras at kalahati nang matapos ang usapang iyon. Nakuha na ni Tim yung mga bagay na kailangan nya. Sa una tumutol na mag bigay ng impormasyon si Roy ngunit sa angking kakulitan ni Tim hindi maka-hindi si Roy dito.

“May malaki kang utang saakin ha!” sabi nito.

“Oo na sige na lista mo na lang! haha.”

“Grabe ka talagang babae ka! Osya kailangan ko ng umalis at may gagawin pa ko.”

“Sige thank you. Paki tawag na din si Sam ha?”

“Ano ako utusan mo?” pabiro ngunit seryosong tanung nito.

“Customer mo ko dito! Kailangan mo kong sundin! Baka nagkakalimutan na tayo? Hahaha!” pilosopong sagot ni Tim

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now